14

86 3 0
                                    

Hininto ko ang sasakyan sa labas ng resto. Binigay ko pa muna sa chauffer ang susi ng kotse bago pumasok sa loob. Ilang lakad lang ang aking ginawa papasok nang maaninag ko ang mesa ng mga taong ayokong makita. Sinabi ko sa sumalubong sa'kin ang apilido ko kaya naman hinatid ako nito palapit sa mesa nila.
Napunta ang tingin nilang lahat sa akin na hindi ko pinansin sa pag-upo ko sa bakanteng upuan.

"Now tell me about what you said," walang galang kong sabi.

"Is this how you greet your parents after years of not showing up?" tugon ng nanay kong isang irap ang aking sagot.

Hindi naman talaga dapat ako magpapakita. Hindi sana kung hindi lang dahil sa sinabi nila.

F L A S H B A C K


"Umuwi ka na."

Inis akong napapikit dahil nakakainis na nalaman nila kung ano ang number ko. Makailang beses pa akong nagpigil ng inis bago sagutin ang napakagaling kong ina na walang ginawang tama sa buhay niya.

"I don't know you," mahinahon kong sagot at ibababa na sana nang magsalita ito ulit.

"I have information about his death. Sigurado ka bang ayaw mong malaman?"

Kumunot ang aking noo. "Stop pretending that you have an information. Huwag niyo siyang gamitin para lang bumalik ako. I don't care how you got my number but don't call me ever again."

"December 15 nagkita kayo bago siya namatay and at exactly 3 am tumawag siya sa'yo hindi ba?"

Humigpit ang hawak ko sa telepono dahil sa sinabi nito. Ako lang ang nakakaalam na tumawag siya noon kaya ganun na lang ang paghigpit ng aking kamay na nakahawak sa telepono.

"After the call may tinawagan siya ulit at nasa amin ang number ng tinawagan niya. Even the informations of this person, sigurado ka bang ayaw mong malaman? Dahil base rito, isa siya sa mga maaaring suspect sa pagkamatay niya."

"Liar!" sigaw ko na tanging pagtawa niya lang ang naging sagot nito.

"I'll text you the address, meet me there if you're interested."

E N D O F F L A S H B A C K

Matapos ng tawag hindi pa rin ako naniwala dahil alam kong sinungaling sila't gusto lang nila siyang gamitin para magpakita ako. Pero sinend niya ang pangalan ng tao na matagal ko ng sinususpetiyahan. Naalis lang ang suspetiya ko noon sa kanya dahil sa mga ebidensiyang pinakita niya at dahilan na sinabi nito. Kaya heto ako't nagpakita kahit na parang hindi pa rin ako sigurado kung nagsasabi ba sila ng totoo.

"Just give me the information that you said you have. Huwag na kayong magpaligoy ligoy dahil pumayag akong magpakita para lang sa kanya at hindi sa inyo." Paglingon ko sa ama ko, mataman niya akong pinapanood na para bang pinag-aaralan ang bawat galaw ko. Ganyan naman siya lagi, hinahayaan niya ang magaling kong ina na gawin ang gusto niya.

"You're just wasting my time, liars," inis kong sabi at tumayo. Sa aking paglingon sa kaliwa, nakita ko si Callum kasama ang magaling niyang ama na papalapit sa aming mesa.

"I'll give you what you need later, we have something to talk about with your future husband," sabi ng nanay ko na hinila pa ako pabalik sa upuan.

Ah... kaya ba kinuha nila ang mas malaking mesa dahil darating ang mas lalo lang magpapainis sa akin? And what? Husband? Mangilabot nga sila sa sinasabi nila.

"It's been a while Irene. Mabuti naman at nagpakita ka na ngayon," sabi ng tatay ni Callum na hindi ko pinansin.

Nakatitig lang ako sa wine glass na nasa harapan ko, iniisip kung pwede ko bang ibasag sa kanila ang mga ito. Nang hindi ako sumagot, tanging ang walang kwenta kong magulang ang nagpaupo sa kanila. To think na pinatabi pa nila sa akin si Callum na walang imik.

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon