5

142 4 0
                                    

"Hoy! Gising!" malakas kong sigaw at niyugyog ang lalaking tinali ko sa mesa. Oo mesa, iaalay ko na kasi ang gagong ito kaya ganyan.

"Bubuhusan mo na ba ng tubig?" natatawang tanong ni Sunshine na prenteng nakaupo sa upuan habang may kinakain na ice cream.

Pinakatitigan ko ang lalaki na pikit pa rin ang mata. "Kumukulong tubig ba?"

"Pwede para magising agad," aniya.

Isang irap ang binigay ko rito bago lumapit sa lalagyan ng mga kutsilyo. Iba ang paraan ko ng paggising.

Matapos kong kumuha ng kutsilyo, sinunod kong kunin ang chopping board saka hinuli ang carrots na nasa loob ng ref. "Saan ko kaya unang kakatayin ito?" bulong ko na nagpagalaw sa talukap ng kanyang mata.

Napangisi ako sa aking isipan bago ilapag sa ibabaw ng tiyan niya ang board. Kasunod ng malakas kong pagbato ng kutsilyo na bumaon sa kahoy na chopping board. Bumukas ang mata nito at parang gulat pang tinignan ang nasa ibabaw ng kanyang tiyan.

"Bravo! Magaling!" masiglang sabi ni Sunshine.

Ramdam ko ang matinding kaba nang dahil sa aking ginawa. Ang mata niya ang nagsasabi kung gaano ito nahihirapan sa kanyang sitwasyon, lalo na ang isipin sa aking utak kung paano ko ito hihimayin ng buhay. Well, I can do it if I'm a demon.

Malakas kong nilagay sa ibabaw ng board ang carrots saka binunot ang kutsilyo para gamiting panghati. "So, kamusta naman ang sugat natin?" tanong ko sa lalaki na tahimik lang.

Hindi ito makagalaw dahil sa kamay at paa niyang nakatali sa bawat sulok ng mesa. Bibili na lang ako ng bago matapos nito, kadiri kaya na may nakahiga sa sarili mong mesa. Oh crap. Mesa pala ni Sharon.

Diniinan ko ang paraan ng paghati ko sa carrots na nagpadaing sa kanya. "Hindi ka magsasalita?"

"Sino ka ba?" agaran niyang sagot na nagpahinto sa akin sa paghahati. May ngisi ko siyang tiningnan sa mata.

I'm not wearing a prosthetic at the moment, which is why his face is full of confusion. But who cares right? Hindi na rin naman siya makakabalik muna sa boss niya. Hindi pa sa ngayon.

"Fiancè of Callum." Sinandal ko ang kamay ko sa board saka siya tinitigan. "You heard about Saavedra? That's my surname."

Bumalot sa mukha niya ang gulat kaya naman pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. May itsura siya pero dahil minion siya ng tatay ni Callum, pangit siya sa aking paningin.

"And Sharon is my friend. Kaya bakit gusto mo siyang patayin kanina?" Tinutok ko ang kutsilyo sa mata niya na nagpalayo sa kanya kaunti. "This knife is sharp mister, that's why tell me your reason habang may natitira pa akong pasensya."

Kita ko ang paglunok niya pero ni isang salita'y walang lumabas sa bibig nito. Nginisihan ko muna siya saglit bago itaas ang kutsilyo na balak kong ibaon sa kanya.

"Sandali!" malakas niyang sigaw na nagpahinto sa akin sa pagbaon ng kutsilyo. Hindi ko naman ibabaon sa mukha niya, eh. Sa gilid lang.

Ilang pulgada ang pagitan ng kutsilyo sa noo niya na paniguradong nagparamdam ng takot dito. Napatunayan niya tuloy na mahina siya para sa mga ganito. Nako.

"Speak," malamig kong utos. Nilayo ko ang kutsilyo sa mukha niya saka umayos ng tayo.

Gusto ko nang matulog sa totoo lang, pero dahil sa lalaking ito wala na. Wala na ang tulog na hinahanap ko.

"W-wala akong balak na patayin siya. Gusto ko lang naman siyang saktan."

"Na utos ni?"

Hindi siya agad nakasagot. Nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin ba o hindi pero hindi ganun kahaba ang pasensya ko para hintayin siyang makasagot. Binaliktad ko ang kutsilyo na malakas kong hinampas sa sinugatan kong braso niya kani-kanina lang.

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon