Pagkabitaw pa lang ni Callum ng kamay ko, masamang tingin na ang binibigay niya sa akin. Napaka-possesive naman nito.
"Bakit ba lumalapit ka pa rin sa kanya?"
"Bakit ba pinapaiwas mo ako sa kanya?" balik kong tanong.
I don't know their history kaya hindi naman siguro masamang magtanong noh? Or baka alam ng babaeng ito pero ako hindi ko alam.
"Kinalimutan mo na ba?"
Kusang kumunot ang aking noo na agad ko ring inalis. Sabi ko nga ba't alam ng babaeng ito. Ano ba 'yan, baka dito pa niya ako mahuli.
Nanatili akong tahimik, hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Kailangan ko ulit mag-obserba dahil baka may masabi akong iba, mahirap na.
Hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat. At dahil mas matangkad siya sa akin, nakatingala ako upang hanapin sa kanyang mata ang sagot.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan nito. "Siya ang rason sa aksidente mo kaya bakit lumalapit ka pa rin sa kanya na parang wala lang?"
Aksidente. Ang alam ko, nangyari ito ilang linggo ang nakakalipas bago siya mawala o naglayas na alam nila. Hindi naman daw ganun kalala ang aksidente dahil galos lang ang nakuha niya. Pero hindi ko alam na may kasalanan pala ang manok na 'yon patungkol dito.
"Dahil..." inalis ko ang kamay niya sa aking balikat. "Wala namang may gusto sa nangyari."
Come on Callum, give me more information about this. Humakbang ako palayo sa kanya para pagmasdan siya ng buo.
"Walang may gusto? Galit siya sa akin kaya ikaw ang pinuntirya niya! Kaya please... lumayo ka na sa kanya." Inabot niya ang aking kamay saka ito hinawakan ng mahigpit.
He hate him? For what reason? 'Yun lang ba?
"But--" pinatigil niya ako. Gamit ng isa nitong daliri, pinatahimik niya ako.
Ano ba 'yan! Baka mamaya hindi pa 'to naghugas ng kamay.
"Listen to me Sharon... he's a dangerous man," sabi niya na animo'y isang sindikato ang manok na 'yun.
Pwede rin, pero hindi niya bagay. Mas bagay niyang nasa loob ng kulungan. Kulungan ng manok.
Mahinang tabig ang aking ginawa upang alisin ang kanyang daliri. "So should I distance myself from you too?" tanong ko na nagpakunot ng kanyang noo."Your dad--"
"Bakit? May ginawa ba siya sa'yo?" agad niyang tanong.
Hindi ba uso sa kanya ang patapusin muna ako sa pananalita? Kailan ba siya naging madaldal? I prefer the Callum who is quiet and doesn't give a damn about others.
Huminga muna ako ng malalim saka tumango. Pasimple ko ring kinagat ang aking labi bago yumuko. Pwede na akong maging actress, mag-apply kaya ako pang dagdag income.
"Anong ginawa niya?" Sa tono ng boses nito, mas nangingibabaw ang galit at inis.
Magagamit ko siyang panangga sa sarili niyang tatay kung patuloy siyang aakto ng ganito.
Inalis ko ang butones ng long sleeve ko sa kamay saka nilislis upang ipakita ang sugat na ako lang din ang may gawa. Wala namang kaso sa akin ang magkasugat basta ba ako ang may gawa o galing sa sarili kong katangahan. Pero kapag iba na, doble ang binabalik ko.
Agad niyang hinawakan ang aking kamay kung saan nang pagmasdan ko siya'y handa na siyang makipaglaban. I didn't expect to feel happiness because of his actions. Don't get me wrong, I hate his dad and I hate him too. That's why watching him like this, as clueless as he is, is entertaining for me.
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETED
Mystery / ThrillerSa loob ng dalawang taon, hindi nagpakita si Irene sa kanyang pamilya. Isa na sa dahilan nun ay ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw niyang makita ang kanyang pamilya at ayaw niya ring bumalik sa puder nila. Nanirahan siya sa mga taong tumanggap...