Irene/Sharon's POV.
Pag-uwi ko, nadatnan ko ang tatay ni Callum sa bahay nito. Kung nasaan si Callum? 'Yun ang hindi ko alam.
Seryoso siyang nakatingin sa akin bago tumayo para ako'y lapitan. Tinignan ko lang naman siyang lumapit sa akin at hindi gumalaw.
"At talagang tinotoo mo ang pagtira kasama ng anak ko," may diing sabi nito.
Sumilay ang aking ngisi. "Bakit? Sa tingin mo magsisinungaling ako?" sabi ko't naglakad para lampasan siya. Umupo ako sa sofang inupuan nito at kaswal na umupo. "Kung may gawin ka man sa akin ngayon, paniguradong makakaharap mo ang anak mo. Kaya kung ako ho sa inyo, huwag na kayong mag-aksaya ng oras. Makakalis na kayo kung gusto niyo. Bukas ang pinto." Turo ko sa pintong nakabukas gamit ng aking kamay.
Sa bawat salitang aking binibitawan, sinisiguro kong makakaramdam siya ng inis na aking ikinatutuwa dahil epektibo base sa mukhang pinapakita niya ngayon. Lumingon siya sa akin kasabay ng paglabas ng mga ilang lalaking malalaki ang katawan sa kanyang likod. Suot ng mga ito ang mga itim na suit na parang nakikita ko sa panood.
Aba... nakahanda nga talaga siya. Matindi rin, nag-effort pa ang mga alagad niya para magsuot suit.
"Umalis ka sa buhay ng anak ko," may pagbabanta niyang utos na tinawanan ko lang.
Sa pagtawa kong iyon, tunog ng pagkasa ng baril ang aking narinig mula sa likuran. Natigil ako sa pagtawa, hindi dahil sa takot kundi dahil sa mga pagbabantang ginawa niya. Hindi nga talaga malabong siya ang pumatay kay Sharon. Mga mamamatay tao.
Tinaas ko ang dalawa kong kamay saka tumayo mula sa aking pagkakaupo sa sofa. Dahan-dahan ko pang nilingon ang tumutok ng baril sa akin at tinignan sa mata. Kita ko rito na hindi siya magdadalawang isip na barilin ako sa pagtitig na pinupukol nito. Akala ko katulad siya nang iba na kunwaring may lakas ng loob akong barilin, pero kapag sinabi mong barilin ka'y hindi naman kaya. Itong lalaking ito? Kaya niyang pumatay base sa tingin na pinupukol niya sa akin ngayon.
"Masyado mo naman akong tinatakot Dad. Sa sobrang takot... nangangatog na ang paa ko," mapang-asar kong sambit habang pinag-aaralan ang lalaking hinarap ko.
Tinitignan ko kasi kung paano ko aagawin ang baril nang hindi ako matatamaan. Benta na ako sa mga sugat na ginawa ko sa mga nagdaang araw. Kapag dinagdagan ko pa, baka hindi ko na maalis ang mga peklat na maiiwan dito. Sa bawat paggalaw ng aking mata, pansin kong sinusundan niya ito habang nakikiramdam sa kilos na aking gagawin. Magaling nga talaga.
"Layuan mo ang anak ko, kung hindi---"
"Kung hindi ano?" pagpuputol kong tanong sa sinasabi niya't dahan-dahan ko siyang nilingon.
Mas lumapit pa sa akin ang lalaking may hawak ng baril na dinikit sa aking likod ang dulo ng kanyang baril.
Hindi naman ako takot sa ginagawa niya, eh. Dahil kung tutuusin, alam kong hindi niya ako kayang patayin sa ngayon. Ewan ko lang sa mga susunod na araw. Kumbaga ang ginagawa niya lang ngayon ay panakot sa akin.
"Papatayin mo ako rito, mismo? Dadanak ba ng dugo ko ang bahay ng anak mo? Kasi kung ganun, sige lang... gawin mo." Pumikit ako ngunit hindi ko binaba ang nakataas kong kamay. Ramdam ko pa ang ngisi sa aking labi upang mas asarin siya.
Sa mga sitwasyon na ito, dapat matakot ako't hindi magsalita. Pero iba ako, mas gusto kong iniinis ang mga kalaban bilang paunang bawi sa mga ginawa nila.
Malakas na putok ng baril ang nagpamulat ng aking mata. Pagtingin ko sa tatay ni Callum, binaril nito ang isang babasaging jar sa gilid na mukhang mamahalin. Kasunod nun ay ang pagtutok niya ng hawak niyang baril sa akin.
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETED
Mystery / ThrillerSa loob ng dalawang taon, hindi nagpakita si Irene sa kanyang pamilya. Isa na sa dahilan nun ay ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw niyang makita ang kanyang pamilya at ayaw niya ring bumalik sa puder nila. Nanirahan siya sa mga taong tumanggap...