"Kumain ka na," mahinang sabi ni Callum na kasabay ko sa pagkain.
Magmula kagabi, hindi niya ako iniwan na ewan ko ba kung ikatutuwa ko o ikagagalit ko ng husto. May klase kami pero hindi siya pumayag na pumasok ako. Kaya heto ako ngayon, nasa loob ng bahay ng taong gusto kong pagbayarin.
How come I didn't bother to suspect him? How did he manage to hide it all? To the point that this man fooled me?
"Sigurado ka bang ayaw mong ipunta kita sa hospital?" tanong niya nang magsimula akong kumain.
Tanging pilit na ngiti ang sagot ko bago umiling bilang tanda na ayoko.
"How about 'yung boss mo sa condo? Hindi ka ba nila hahanapin?" muli na naman niyang tanong.
Uminom muna ako ng tubig saka aking nilapag ang hawak kong kutsara. "I lied to you," seryoso kong tugon.
Kusang kumunot ang noo niya't napuno ang mata nito ng mapagtanong tingin.
Yumuko ako saka mapait na natawa. "I'm rich, Callum. I don't have to work to go to school. My parents are rich and my weak identity is far from the nerd you know."
Hindi ako nakarinig nang kahit na ano mula sa kanya. Naging tahimik sa pagitan namin at hindi ko alam kung ano bang itsura niya dahil patuloy lang ako sa pagyuko.
"Ca--"
"I understand," pagpuputol niyang sabi sa'kin pag-angat ko ng tingin. "I understand, Sharon. Kung ano man ang dahilan mo naiintindihan kita."
Tss. Inangat ko ang ulo ko at sinalubong ang nakangiti niyang mukhang ang sarap burahin. Sinuklian ko na lamang ang kanyang ngiti kahit na pakiramdam ko nanginginig ako sa galit makita lang ang mukha niyang nakangiti.
"Bakit ang dali sa'yong intindihin ako? Hindi ba dapat magulat ka? I lied to you, Callum," halos pabulong kong tanong.
Maagap niyang hinawakan ang isa kong kamay na nakalapag sa mesa't mahigpit niya itong hinawakan. "I don't know... it's just that, I know you have reasons that you can't share to me. Reasons that I'll wait for you to say but I won't force you right now. Hihintayin kong sabihin mo sa'kin, Sharon. Hihintayin ko." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko na nagpayuko sa akin.
Hawakan niya pa lang ang kamay ko nang ganito ang nagpaparamdam sa akin ng matinding galit. But I have to pretend. I have to pretend that I am someone else for the sake of my mission and for Darwin who has been killed by this man I am with right now.
Huminga ako nang malalim bago muling inangat ang aking ulo. "Then wait for me Callum. Wait until the day I'm ready to say everything on my mind."
Tumango naman siya't nagpatuloy na kami sa pagkain. Matindi ang ngiti sa mukha nito na hindi nagpaparamdam sa akin ng saya.
Hintayin mo Callum. Hintayin mong dumating tayo sa araw na ikaw ang magdurusa ng matindi. You will pay for what you did. I will make sure that you and your father will suffer in so much pain.
▪▪▪
Isang halik sa aking noo ang iniwan ni Callum bago niya ako iwan at maglakad palayo sa classroom ko. Nang dahil sa ginawa niya, nakarinig na naman ako ng mga bulungan sa paligid na hindi ko pinansin. Pare-pareho lang naman ang sasabihin nila, kaumay.
May bandage ang pisngi ko't kamay na si Callum ang naglagay. Hindi ko alam kung kailan gagaling ang mga ito ngunit wala akong pakialam. Maski nga ang braso ko, hindi pa rin gumagaling kaya ewan ko na lang kung anong gagawin ko sa aking sarili.
Kahapon pinilit akong dalhin ni Callum sa hospital matapos naming kumain ngunit umayaw ako. Alam kong naiinis siya pero wala siyang nagawa kaya pinagpahinga niya na lang ako sa bahay, habang siya'y nasa tabi ko lang buong araw. Sa ngayon doon muna ako titira pansamantala. Kailangan kong maghanap ng ebidensiya at impormasyon na alam kong tinatago niya lang sa ibang parte ng kanyang bahay. Kilala ko siya, mahilig siyang magtago ng mga bagay-bagay kaya baka may mahanap ako kapag doon muna ako mamalagi.
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETED
Gizem / GerilimSa loob ng dalawang taon, hindi nagpakita si Irene sa kanyang pamilya. Isa na sa dahilan nun ay ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw niyang makita ang kanyang pamilya at ayaw niya ring bumalik sa puder nila. Nanirahan siya sa mga taong tumanggap...