"He is powerless," sabi ko nang mabasa ang impormasyong kinalap ni Sunshine sa lalaking 'yon.
According to his background, their family is going through a crisis na hindi kaagad mareresolba. What a trash... at talagang ako pa ang pinuntirya niya? For what? Stupid.
Umayos ng upo si Sunshine at maigi akong tinignan. "Simulan mo na ang paghahanap ng mga makakapagturo sa taong pumatay kay Sharon. Huwag ka nang maglaro. Tungkol naman sa lalaking ito, kami na ang bahala sa kanya." Paalala nito.
"Oo na, basta siguraduhin niyo lang na hindi magiging sagabal ang animal na 'yan dahil ako mismo ang magpapatahimik sa kanya."
Tinanguan lamang ako nito bilang sagot bago tumayo at kunin ang gamit nito sa isang upuan. "Magkita na lang tayo ulit sa susunod. May pinagawa sa'kin si boss kaya baka hindi kita muna kikitain. At oo nga pala," sabi niya at may kinuhang envelope sa bag nito. "Gamitin mo 'yan na panggastos habang wala ako."
Sumilay ang aking ngiti at walang alinlangan na kinuha ang envelope. Kapag pera ang usapan hindi na ako agad magdadalawang isip. Ang hirap kayang maghanap ng pera para sa katulad kong sarili ko lang ang sumusuporta.
"Dalian mo bago pa makawala ang taong ito," makahulugan niyang wika bago tuluyang lumisan.
Sa pag-alis niya, para bang may kailangan akong alamin sa huli nitong sinabi. At kung ano man 'yun, kailangan kong alamin dahil baka hindi ako mapalagay kapag hindi ko nalaman.
▪▪▪
Kunot noo kong tinignan ang grupong unang araw ko pa lang dito'y binully na ako. Iwas na iwas sila habang nakatingin sa akin kaya naman nilampasan ko na lamang sila. Baka dahil sa banta ni Callum kaya sila ganyan. Well, wala naman na akong pakialam kung ano man 'yun.
"Irene." Tawag sa pangalan ko nang isa sa kanila na nagpahinto sa akin.
The fuck Irene? Bakit ka huminto?
Napapikit na lang ako't seryosong tingin ang binigay ko sa mga ito. Ilang minuto ko pa sila tinignan bago mapagdesisyunang lumapit sa kanilang direksyon.
Tanga naman kasi Irene, tanga talaga.
"Anong sinabi mo?" mapanuri kong tanong sa tingin kong nagsalita na nagpalunok sa iba. Bahala na.
Ang isa sa kanila'y tumikhim bago sagutin ang aking tanong. "Sinabi sa'min ni Aguilar na ikaw si Irene. Kinumpirma lang namin at mukhang totoo nga."
May takot man ito sa kanyang pananalita, hindi 'yun naging sagabal para sabihin sa akin ang dahilan.
Luminga ako sa paligid bago bumuntong hininga. Kainis din ang taong 'yun noh? Ang sarap niyang ipatumba.
"So, totoo nga, ikaw si Ire--"
"Subukan mo," nagbabanta kong sabi na nagpatikom agad ng bibig nito. Binalik ko pa ang totoo kong boses na mas ikinagulat nila. Mas lumapit din ako sa kanila't sinenyasan na lumapit sila sa akin.
Should I be thankful na takot pa rin pala sa'kin ang iba sa kanila? O hindi dahil may papansin na nagkakalat na ako si Irene?
"May pinagsabihan pa ba siyang iba bukod sa inyo?" mahinahon kong tanong.
Nagkibit balikat ang mga ito kaya ganun na lang akong napasuklay sa buhok ko. Malaman ko lang na may pinagsabihan pa na iba 'yun lagot siya sa akin, dahil ako mismo ang magpapatahimik sa kanya.
Tinignan ko sila nang maigi. "Kapag kumalat ang tungkol sa'kin, kayo ang una kong babalikan naintindihan niyo? Warning ito, alam niyo naman siguro ang kaya kong gawin kapag nangyari 'yon."
Kita ko ang paglunok nila kaya naman bago ko sila iwan, isang nagbabantang tingin ang binigay ko na mas nagpaiwas sa kanila ng tingin. Kinuha ko rin ang aking telepono para sabihan sila Sunshine patungkol dito. Kainis talaga!
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETED
Mystery / ThrillerSa loob ng dalawang taon, hindi nagpakita si Irene sa kanyang pamilya. Isa na sa dahilan nun ay ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw niyang makita ang kanyang pamilya at ayaw niya ring bumalik sa puder nila. Nanirahan siya sa mga taong tumanggap...