11

92 3 0
                                    

Pagkabasa ko ng text, binulsa ko ang telepono sa aking blazer bago lumabas para pumunta sa likod ng school. Sinabihan kasi ako ng mga bully na hawak na nila 'yung baliw kaya heto ako't papunta sa kinaroroonan nila. Good thing wala ang dalawang pasali sali sa buhay ko ngayon kaya malaya akong maggagala gala.

Kung nasaan sila? 'Yun ang hindi ko alam dahil wala naman akong pakialam.

Pagdating ko sa likod ng school, nakita ko silang lahat na nakabantay sa baliw na nasa gilid. Nang makita niya ako, kusa siyang napangisi kaya isang irap ang naging sagot ko.

"What's up?" Bati niya na parang inaasahan niya na mangyari ito.

Imbis na sagutin siya sa pagsagot sa kanya, malakas na sapak sa mukha ang binigay ko. "O.A," bulong ko nang matumba siya sa lupa.

Paglingon ko sa mga nakakakita, sabay-sabay silang umiwas. 'Yung iba pasimple pang gumilid para iwasan ang tingin ko.

"Anong alam mo sa pagkamatay ni Sharon?" seryoso kong tanong nang makatayo siya nang maayos. Pinagmasdan ko pa ang bawat galaw niya na dahil tinitignan ko kung baka sakaling may makuha akong sagot sa mga kilos niya.

Malakas itong tumawa't iiling akong nilapitan. Mas matangkad siya sa akin kaunti kaya nakatingala ako para tingnan siya sa mata.

"Putang!" malakas kong mura nang pisilin niya ang braso kong tinamaan. Inis ko pang tinignan ang aking braso na ngayon ay nagsimula ng dumugo. Pagtingin ko sa baliw, agad niyang hinaplos ang aking pisngi ng kamay niyang may dugo ko.

"Wala akong alam. Pero alam kong kapag nalaman mo... baka magsisi ka kapag nalaman mo kung sino ang nasa likod ng sinasabi mong pagkamatay."

Kahit masakit ang braso kong pinisil niya, ito ang aking ginamit upang pansapak sa kanya na nagpaatras sa kanya kaunti. Sinenyasan ko pa ang iba na hawakan ito dahil naiinis akong hindi siya sumasagot ng tama at maayos. Isang sagot lang ang kailangan ko pero dahil may sapak siya sa utak, parang ang hirap pa sa parte kong pakinggan at hanapin ang sagot na iyon.

Dalawang lalaki ang humawak sa kanya na ngayo'y hawak ang magkabilaan niyang kamay. Puno ng pagtataka't katanungan ang mga mata nila pero mamaya ko na 'yon papansinin dahil kailangan ko ng sagot sa kanya.

Huminga ako ng malalim. "Tatanungin kita ulit... anong alam mo kay Sharon?"

Lumawak ang ngisi niya't tinagilid pa nito ang kanyang ulo para asarin ako kahit na wala pa siyang sinasabi. Napipikit na lamang ako upang alisin ang matinding inis na nararamdaman ko. Sa aking pagmulat, mas kumalma na ako kaya lumapit ako sa kanya na napaayos ang ulo.

"Sige... 'wag kang magsalita. Huwag mong sabihin ang alam mo." Tinitigan ko siya sa mata bago hawakan ang kanyang panga. "Gaguhin mo ako kung gusto mo, pero ito ang tandaan mo. I'm Irene Saavedra right? Tingnan natin kung anong mangyayari sa pamilya mo." Pabagsak kong inalis ang pagkakahawak ko sa panga niya saka ito tinalikuran. Bago pa man ako makahakbang, nagsalita ito na aking pinakinggan.

"Talaga, Irene? Wala ka naman kung hindi dahil sa tulong ng magulang mo. You cannot do anything without their help. You are powerless without your family."

Mahina akong napatawa saka siya tinignan na parang nagulat pa sa naging reaksyon ko.

Ngumisi ako. "You are right, I am nothing without my family. I am powerless without their help. That is why I am still grateful that Saavedra is next to my name despite the fact that my family is a shame for our society." Nilabas ko ang wallet ko sa bulsa ng aking skirt at naglabas ng one thousand bill. Lumapit ako sa baliw na wala nang makikitang emosyon sa buo niyang mukha. Hindi ko 'yon pinansin at binulsa ang pera sa polo nito bago siya tapikin sa balikat.

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon