25

109 2 0
                                    

AUTHOR'S POV.

Sa ilalim ng madilim na gabi, mayroong isang taong nakabantay at titig na titig kay Irene habang ito'y natutulog. Tahimik niya lamang itong pinagmamasdan kahit na ilang oras mula ngayon ay pwede siyang mahuli nila Callum sa kanyang ginagawa.

Gumilid si Irene sa kama at nagmulat ng mata. Natanaw nito ang bulto ng tao na akala niya noong una'y isa lamang guni-guni. Pumikit siya muli ngunit sa pangalawang pagkakataon ng kanyang pagmulat, nakita niya ang lalaking kanyang iniyakan kanina.

"Darwin?" bulong na tawag niya sa pangalan nito.

Tinitigan lang siya saglit ng lalaki at naglakad papunta sa nakabukas na bintana kung saan siya dumaan. Agad na napabangon si Irene dahil doon at pinanood ang sunod na ginawa ng lalaki. Bababa pa lang sana ang dalaga sa kama nang tuluyang umalis ang lalaki palabas sa bintana. Doon nagising si Irene at dali-daling umalis sa kama't patakbong lumapit sa bukas na bintana. Sumilip siya rito't tinignan si Darwin na nakababa na sa ibaba.

"Darwin!" mahina niyang tawag sa pangalan ng binata ngunit tinignan lang siya nito saglit bago naglakad palayo. Napasuklay ng buhok si Irene at dali-daling lumabas ng kwarto. Naabutan niya ang ilang tauhang nakabantay sa kanya kaya bumalik siya agad sa loob. Wala kasi itong suot na prosthetics dahil inalis niya kanina.

Pumikit siya saglit bago lumapit sa kanyang maleta upang kumuha ng jacket na maaaring tumakip sa kanyang mukha. Maagap niya itong sinuot bago kunin ang kumot na manipis at itali sa gilid ng bintana. Ang natitirang parte ng kumot ay hinulog niya sa ibaba na umabot sa pangalawang bintana sa unang palapag ng bahay. Huminga muna siya ng malalim saka umapak sa pag-apakan sa may bintana.

Humawak siya sa kumot saka may pag-iingat na bumaba gamit nito. Kahit na humahampas sa kanya ang malamig na hangin, hindi niya ito ininda at patuloy pa rin sa pagbaba. Nang maabot niya ang bintana mula sa unang palapag, may isang tauhang nakapansin sa kanya. Naramdaman ito ni Irene kaya naman wala itong nagawa kundi ang talunin ang natitirang pagitan na mayroon siya at ng lupa sa ibaba. Napadaing siya kaunti sa maling pagkakabagsak niya ngunit hindi niya 'yun inisip. Tumayo siya mula sa pagkakahulog at mabilis na tumakbo upang habulin si Darwin na malayo na sa kanya.

Tanaw niya pa rin ito kaya naman agad siyang tumakbo. Ang mga tauhan namang nakakita sa kanya ay hindi sumunod dahil sa utos ni Callum na ngayo'y pinapanood ang dalagang umalis ng bahay. Nakatayo ito sa bintana ng kanyang kwarto, tinitignan ang dalaga na lumayo't sinusundan ang lalaking kanyang matagal ng alam na buhay. Mataman niyang pinanood si Irene na may seryosong mukha habang siya'y pinapanood. Humarap pa siya sa likuran niya kung saan may isang taong nakaupo sa sofa, tahimik na umiinon ng tsaa habang nakatitig sa hawak niyang diyaryo.

"Sigurado ka bang epektibo ang binabalak mo?" tanong ng taong nakaupo kay Callum.

Sumandal si Callum sa may gilid ng bintana. "Kung hindi pa babalik ang ala-ala niya sa gagawin ko, ako na mismo ang magpapaalala sa kanya," may ngisi sa labi niyang tugon.

Naalis ang tingin ng taong iyon sa diyaryo ag kanyang binaba ang tasang hawak niya. Tumayo siya upang magkaharap sila ni Callum na napalitan agad ang kanyang emosyong pinapakita. "Ano bang balak mo?"

Mas lalong napangisi si Callum. "Ang kaharapin ang dating Irene bago ko siya patayin. Boring masyado ang pagkawala niya ng ala-ala." Umalis siya sa pagkakasandal at lumapit dito. "Hindi ba mas exciting kung lalaban muna siya? I miss the old Irene that is far from what I am seeing right now."

Tinitigan lang naman siya ng taong kaharap niya at tumango. "If that's what you want," sagot nito bago naglakad palapit sa bintana.

Mula sa kanyang kinatatayuan, tinanaw niya si Irene na malayo na sa bahay. Kahit na paika-ika ang paglalakad nito, parang wala siyang pakialam basta masundan niya si Darwin.

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon