Tinigil ko ang pagsusulat ko nang makaramdam ako sa paligid na para bang may nakatitig sa akin. Pasimple ko pang nilingon ang buong silid pero lahat sila'y nakayuko't abala sa pagsusulat.
Hindi ko na sana papansinin at magpapatuloy na lang nang paglingon ko sa bintana, may natanaw akong isang bulto ng tao sa rooftop ng kabilang building. Hindi ko mawari kung babae ba ito o lalaki dahil nga sa layo namin sa isa't isa at sa suot niyang dark blue cap.
Naka-jacket din siya ng dark blue, itim na pants at itim na rubber shoes. Nakabulsa pa ang kamay niya sa jacket kung saan may itim na mask na tumatakip sa kalahati niyang mukha. Isa lang ang alam ko, siya ang naramdaman kong nakatingin sa akin.
"Ms. Contreras, huwag kung saan-saan tumitingin," sabi ng guro sa harapan. "I will consider that as cheating to your classmate."
Inalis ko ang tingin ko sa rooftop at nalipat sa harapan. May seatwork kasi kami ngayon at akalain niyo nga namang strikto sila sa mga ganitong bagay.
Binalik ko na lamang ang tingin ko sa papel kahit na parang hanggang ngayon ay ramdam ko ang tinging nanggagaling doon. I wonder who that person is and why is he or she looking at me.
Naging mabilis ang naging pagtatapos ng klase. Mabilis ko pang inayos ang gamit ko bago tuloy-tuloy na lumabas ng room. Nakita ko si Callum sa labas pero dahil sa pagsabay ko sa maraming tao, hindi niya ako agad nakita kaya kinuha kong tiyansa iyon upang pumunta sa kabilang daan patungo sa building ng mga junior high school.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakikiramdam sa paligid. Baka kasi mamaya'y pinapanood pa rin ako ng taong 'yon. Gusto ko lang makasiguro na walang sumusunod sa akin. Pagbukas ko ng pinto sa rooftop, wala akong nakita bukod sa open space at hangin na ngayo'y nagpapahangin sa mahaba kong buhok.
Naglakad pa ako sa mga spot na pwedeng pagtaguan pero katulad nang pagdating ko, wala akong nakita. Tinungo ko ang pinagtatayuan niya kanina, umaasang baka may naiwan o iniwan siya rito upang sabihing nandito siya. Malay ko kasi kung isa siya sa mga naging sanhi ng pagkamatay ni Sharon o hindi. Pero sa lahat ng 'yon, lahat sila'y pwedeng killer at hindi ko sila papayagang makatakas sa akin.
"Bwisit!" malutong kong mura nang maramdaman ang hapdi at sakit sa kaliwa kong braso. Pagtingin ko, agad nabahiran ng dugo ang puti kong polo at ngayon ay kumikirot na ito.
Alam kong hindi bala ang bumaon sa braso ko kaya naman hinanap ng mata ko ang pinanggalingan nun upang malaman kung ano ang ginamit niya upang paduguin ang kaliwa kong braso. Sa gusali na aking pinanggalingan, tanaw ko kahit malayo ang isang room na walang tao. Nakatutok sa direksyon ko ang air rifle kasunod ng pagtingin ko sa taong may hawak nito.
Bago niya pa man ako matamaan muli, nagtago ako agad sa isang pader na aking nakita kasunod ng tunog ng pagtama ng bala nito roon. Dahan-dahan akong tumakbo paalis ng rooftop dahil na rin sa kirot na nararamdaman ko sa aking braso. May ilan pa akong nadaanang estudyante na tumingin sa akin ngunit hindi ko sila pinansin dahil kailangan kong puntahan ang taong nasa room na iyon.
"Sharon?"
Nahinto ako sa pag-alis ng gusali nang bumungad sa harapan ko ang isang manok na may hawak na ilang papel. Napunta pa ang tingin niya sa kaliwa kong braso na tinakpan ko ng aking kamay.
"Anong nangyari sa braso mo?" kunot noo niyang tanong.
Imbis na sagutin, iniwan ko siyang may katanungan sa mata. Wala rin naman akong pakialam dahil kailangan kong makapunta agad doon bago pa man siya makatakas. Lakad takbo ang aking ginawa kahit na ramdam ko ang matinding kirot sa aking braso. Muntik pa akong mapasubsob sa sahig nang may mabunggo akong paso sa may hagdan.
Katulad ng pag-alis ko sa kabilang gusali, maraming estudyante ang tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung nakikita ba nila ang dugo sa kaliwa kong braso pero hindi ko na lamang muna pinansin at tuloy-tuloy na tumakbo sa huling palapag ng four story building. Malakas na tunog mula sa pagbukas ko ng pinto ang namutawi sa buong palapag ngunit ni anino ng taong bumaril sa'kin ay wala akong nakita.
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETED
Mystery / ThrillerSa loob ng dalawang taon, hindi nagpakita si Irene sa kanyang pamilya. Isa na sa dahilan nun ay ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw niyang makita ang kanyang pamilya at ayaw niya ring bumalik sa puder nila. Nanirahan siya sa mga taong tumanggap...