Chapter Three

110 3 0
                                    

Madaling lumipas ang mga araw at nakapag-adjust na kami sa pagdating ni Ara. Binuksan ko ang twitter account ko para naman hindi na ako ma-late sa mga balita.

@gumabaomichele: Nice to see you again @aragalang8 Welcome back, MVP. :)

I retweeted Ate Michele's tweet.

Nag-scroll pa ako hanggang makita ko ang isang tweet ni Thom.

@imthomastorres: Hi! @aragalang8 Hoping to see you again and again.

Maraming nag-comment and everything.

@tengjeric: Again and again pala kuys, a? Haha. @imthomastorres Dumadamoves kana pala kay @aragalang8

@aragalang8: ano ba yan, baka mag-trending pa ako nito. Haha. Shunga ka kuys @tengjeric! Sumbong kita kay @valdezaly

Sumali naman ako sa convo nila.

@reyesmika3: anong meron kina @tengjeric at @valdezaly?

@aragalang8: si kuys @tengjeric tanungin mo @reyesmika3 haha

Sobrang dami pa naming napag-usapan nang biglang nag-tweet si Ara sa'kin.

@aragalang8: hey! @reyesmika3

Syempre, nag-reply ako.

@reyesmika3: yup @aragalang8
Hindi mo pa nakkwento si Torres sa'kin, a. Haha.

@aragalang8: wala namang dapat i-kwento e. @reyesmika3 ikaw ang marami. haha.

@reyesmika3: anong ako diyan @aragalang8 ikaw kaya :p

@aragalang8: ikaw Ravena ha! Yiee. @kiefravenskie @reyesmika3

@reyesmika3: Torres ka naman @aragalang8 tulog na ako ars.

@aragalang8: sige na, @reyesmika3 wag mo na pagurin sarili mo. Nightie :)

Natulog na rin ako. I felt more comfortable now talking to Ara, honestly. Sana magpatuloy pa'to.

Syempre, patuloy pa rin ang pagpapanggap namin ni Kief. Okay lang naman kasi komportable naman ako kay Kiefer. Sobrang galing nga niya e, mukhang lalake talaga.

The next morning, sinundo ako ni Kiefer.

"Uy, Ye. Diretso ka ba sa La Salle?" He asked me sabay akbay.

"Tsansing mo Ravena, ha?" I chuckled. "Ah, p-pwede ba nating daanan si Ara?"

I sensed na parang na-sad siya. Ano meron? Alam naman ata niya na mahal na mahal ko pa rin si Ara.

"OㅡOo naman. Bakit naman hindi? Haha, ikaw talaga, Ye." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Inalalayan naman niya ako para makasakay sa kotse niya.

Ilang minuto lang, nakarating na kami sa dorm ni Ara. (Hindi kasi kami magkasama pero I think lilipat din siya sa dorm namin para malapit na sa La Salle.)

Sakto namang lumabas sa gate si Ara. "Uy, Ars. Sabay ka na sa'min ni Kiefer."

"Sure, libre kasi e." Sabi niya sabay tawa. "Kayo ha, may pahatid-hatid ka pang nalalaman dito kay Yeye."

Bahagya namang tumawa si Kiefer. "Oo naman, mahal ko 'to e. Baka mamaya ano pa mangyari dito." I felt myself blushing.

"Ye, pahalata ka masyado. Ganyan pala kiligin ang isang Mika Aereen Reyes." Ara teased me. "Kayo na talaga, kayo na."

Ilang minuto lang, dumating na kami sa DLSU. I waved at Kiefer. Sabay naman kaming pumasok ni Ara.

"Anong oras libre mo ngayon, Miks?" She asked me.

Typical Love Story (A Miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon