I woke up early pero mas maaga ata siyang naggising kasi I saw na may unread message from him.
From: Kiefer R.
Good morning, Miks. I hope you dreamt of me. Btw, five more months to go and I'll be there beside you na. I can't wait. I love you so much to infinity and beyond.What a way to start my day. Gawd. I forgot about Ara. Wala na siya sa kama niya kaya dali-dali akong bumaba pero wala rin siya.
I saw Cams kaya tinanong ko. "Nakita mo si Ara?" She just shrugged. Hay. Asa'n na ba yung besfriend kong yun?
I called her nalang at baka sagutun niya ako.
Ilang rings pa at sumagot rin si Daks. I can feel itㅡshe's crying.
Me: Daks? Asan ka?
Ara: No need to know. Why bother? *sob*
Me: Ano bang nangyayari sa 'yo, ha? Akala mo ba, di ko napapansin? Ba't di mo ako kausapin?
Ara: Seriously? Anong nangyayari sa 'kin? Ikaw? Akala mo ba di ko napapansin? Isang tawag lang sa 'yo, okay na? Pero sino ba yung nandun nung araw-araw kang umiiyak? Ako. Ako yun. Pero kahit kailan, di mo ako napansin.
Me: So.. it's about Kiefer. I've waited for you noon, Ara. Pero ano? Wala. Dumating pa yung Torres. Sino yung nandun nung umiiyak ako? Siya. Kaya ang manhid ko para di siya mahalin.
Ara: Kaya nga ayoko na munang kausapin ka kasi alam kong hahantong rin dito ang usapan natin.
Me: Yan lang ba ang ikinagalit mo? How stupid, Ara.
Ara: Kahit kailan, hindi naging katangahan ang mahalin ka. At, oo.. mahal pa rin kita. Mahal na mahal.
Me: I'm sorry, Ara. PㅡPero, I love him.
Ara: I know. I've known all along. Kaya nga ayoko na munang magpakita kasi I don't wanna ruin your relationship. I want you to be happy.. kahit di na dahil sa akin.
Di ako nakapagsalita. I just want to hug her right now. She hung up and napaupo nalang ako sa couch. I felt my knees weakened. Bigla nalang akong napaiyak.
Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Bakit ko pa kailangang maranasan 'to? Bakit ngayon lang niya ako kayang ipaglaban? Bakit di noon? Noong mahal na mahal ko pa siya.
I closed my eyes and hoped na sana di nalang ako maggising. Kung sana mayroong isang taong makakapagbura ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.
My phone beeped and I saw his name on my screen.
From: Kiefer R.
Hey, Cam texted me. You were crying. What happened? Did you fight with Ara?I did not bother to reply. Wala pa ako sa kondisyon para kausapin siya at baka di magagandang salita ang masabi/matext ko sa kanya.
Ara's POV
Nandito ako ngayon sa park and kakatapos lang ng confrontation namin ni Miks.
Honestly, di ko in-expect na lalabas sa bibig ko ang mga salitang yun. I'm so down right now. Hindi ko alam pero akala ko kasi.. I already felt something for Thom pero everytime na nakikita ko siya, nagda-doubt na ako sa feelings ko para kay Thom.
Biglang pumatak ang ulan. PㅡPero.. ba't di ako nababasa? Tumingala ako pero purong berde ang nakikita ko.
Ang tanga ko para di ma-realize na payong pala yun. I looked at kung sinong nagpapayong and anak nga naman ng teteng, o. Bigla namang nagreact ang puso ko. Hoy! Tumigil ka. Thomas naman kasi, e.
"Ba't nandito ka?" I asked trying to hide the nervousness inside me.
"Ikaw lang ba pwede dito? Wala namang nakalagay na 'For Ara Galang only', diba?" He laughed at his own antics.
Tinignan ko ang payong niya at nakita na may La Salle logo pala yung payong. "Lakas maka-loyal, a?"
"Oo nga, e. Sobrang loyal ko. Sana nga mapansin niya na ako." He looked at me and I was literally avoiding the stare.
"SㅡSino naman?" I asked. Well, deep inside, I'm still hoping na ako yun.
He drew closer to me. "Pa'no pag sabihin kong ikaw?"
Tengne. Kinakabahan ako. Napaiwas nalang ako bigla kasi parang na-awkward ako sa posisyon namin. Bigla niya namang ginulo buhok ko at inalalayan akong tumayo.
"Halika na nga. I'm sure gutom na 'yang mga butete mo sa tiyan." I did not respond but instead napangiti nalang ako.
Kumain kami ng kwek-kwek tapos maraming isaw. Si Thom talaga, pinapataba na naman ako. Buti nalang may practice bukas kaya mabuburn ko 'to.
After kong kainin ang last stick ng isaw, "Yes! Sa wakas natapos din siya." Sabi ni Thom. Hala, ang OA ha. Parang naka-dalawampu lang ako, a. Hihi.
"Grabe ka naman. Hala, hindi ka ba nakakain?" O my, bakit di ko napansin?
"Oo po. Pero, 'wag kang mag-alala, busog na ako, makita ka lang nakangiti." I smiled realizing na ganyan pala siya ka-concerned sa 'kin.
"Tama na nga yang ka-kornihan mo, Torres." I said while looking at the other direction 'coz I'm definitely sure I'm blushing.
After nun, hinatid na niya ako sa dorm and nakasalubong pa namin si Mika. Awkward.
"Uy, Miks! Hinatid ko lang 'to si Ms. MVP." Mika just nodded. Di man lang siya nagtanong kung saan kami nanggaling? Tinanong ko pa.. siyempre.. hindi.
Tumingin ako kay Torres. "Salamat, a? I know, busy ka pero nagawa mo pa rin akong puntahan dun." I smiled, the sincerest way I could do.
"All for you, my loves." I jokingly punched his arm pero kamay ko lang yung nasaktan. Wagas sa muscles.
"Alis ka na nga. Joke. Kita nalang sa school." I smiled.
"Ayiee. Si Ms. MVP, gusto akong makita. Kikiligin na ba ako?" Gawd. Para siyang babae. Natawa nalang ako.
"Neknek mo. Uwi ka na nga."
I pushed him para umalis na at baka makita pa kami ng spikers at panibagong issue na naman.Pumasok na rin ako pagpasok ko ng dorm; still smiling from ear to ear. Ara, tigil-tigilan mo yan, ha.
Bigla namang tumunog ang phone ko. Shets. Kinikilig ako.
From: Thom Torres
Hi Ms. MVP. 'Wag kang masyadong kiligin at baka di na naman ako makatulog nito. Sige. Kita nalang tayo sa school. Sweet dreams, my loves.Ano bang ire-reply ko nito? Gosh. Ano bang gagawin ko? Natatakot na akong na-fall ulit. Natatakot na akong masaktan.
Mika's POV
I was about to find Ara nang bigla ko silang nakasalubong nang palabas ako ng bahay. At, nga naman o, kasama pa niya yung Torres.
Syempre, di na ako nakapagsalita. Ano ba 'yan? Ba't di man lang ako nagtanong kung saan ba siya nanggaling at bakit niya kasama yung kumag.
Bigla namang napatawag si Kiefer. I doubted kung alam na niya ang nangyari.
Me: Kief? Napatawag ka?
Kief: WㅡWala lang. Na-miss lang kita masyado.
Me: Ako rin naman, e, kaya magmadali ka na diyan para makauwi ka na.
Kief: Yes po, boss. I love you so much, Miks. Sana pagbalik ko, di tayo magbago at sana walang pumuporma sa 'yo diyan.
Me: Syempre, wala.
Kief: Uy, okay ka lang? You sound sick. Take meds, okay? Don't skip meals, please.
Me: Sure, sure. Sige, baba ko na 'to. Thanks for the concern. I.. miss you.
Kief: Akala ko I love you na, e. *chuckle*
Me: I'm sorry pero kasi.. I think I'm not yet ready.
Kief: Don't worry, I'm ready to wait naman. Sige, bye na. Take medicines.
Me: 'Kay. Bye.
I smiled. And now, alam kong he might not be the perfect guy but I'm sure he's the right one.
ㅡ
Goshness! Thank you for the 150 reads. Well appreciated. By the way, hi there sa mga Miefsss. #KapitLang #Mieferever #MieferTho315