Chapter Twenty-Eight

55 4 0
                                    

Masakit. Ang ulo at puso ko.

Aftershock yata 'to ng kahapon eh. Parang bumalik lahat lahat.

"Miks." Tawag ni Ara sa akin.

Tumingin ako sa kanya and simply raised my eyebrows.

"Punta daw tayo kina Ate Gretchen. Magagalit daw sila 'pag 'di ka sisipot."

I smiled bitterly. "You are a mind reader. Di nga ako pupunta."

She sighed. "You're coming. Wala naman si Kiefer dun eh."

Napantig ang taenga ko sa sinabi niya. "Sino namang nay sabing may pakialam pa ako sa kanya?"

She chuckled. "Masyado kang bitter. Andun naman si Thom eh."

I rolled my eyes. "Eh ikaw sumama. Ano naman sa akin kung nandoon siya? Ikaw lang sasaya dun. Dito nalang ako."

She tsk-ed. "Nag-iinarte ka lang eh. Dali na." She said at hinatak pa ako nang bonggang-bongga.

I sighed defeatedly. "Oo na. Sandali. Magbibihis lang ako."

Pumasok ako sa kwarto. Binuksan ko ang cabinet ko and boom! Unang tumambad sa akin ay ang couple shirt naming dalawa. Black na may pink na heart sa gilid.

Sinarado ko 'yun. At umiyak. Nang umiyak. Hanggang sa tumuyo ang luha ko. Shet. Di ko na alam.

I took a bath nalang muna and wore a simple Animo shirt and denim shorts. Bahala na.

"Akala ko naman nag-gown ka." She said and laughed. I just rolled my eyes at her comment.

Hinatid kami ni Thomas. Ano ako ngayon, third wheel? Sinasabi ko na nga ba, sana nagpahatid nalang ako kay Kris kaso 'yung gago, may lakad daw.

"Hi Miks!" Sigaw ni Denden mula sa terrace ng bahay.

I waved back. "Lasing kana oy!" I shouted. She just grinned sheepishly.

Agad na may hinanap ang mga mata ko. Kainis naman eh.

"Ara, uwi nalang ako." Sabi ko kay Ara na kasalukuyang kumakain. Yes, lumantak agad kami ng cake.

She sip her drink and ginala ang mga mata niya and stopped at a certain spot. "Sinasabi ko na nga ba eh."

"Sige na. Ara, please naman."

She sighed. "O sigㅡ"

"Mika! Ara!" May biglang tumawag sa amin ni Ara from afar. Si Jeron pala.

"King Archer." I said and smiled at him.

Umakbay siya sa akin. "Akala ko 'di ka pupunta eh. Magtatampo talaga kaming lahat."

"Ah kasi..."

He stopped me and pulled me towards their direction. Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Malapit na basketball season." I told Jeron, pero 'yung parang sa kanya lang ako nakikipag-usap.

Jeron grinned. "Oo nga. Magkakalaban na kami ni Ravena ulit. Di na 'yan makakatakas sa akin."

We laughed. Well except him, who's glaring at me. Umiwas ako ng tingin. He smirked kaya I rolled my eyes. Nakakainis.

Bigla namang sumulpot si Aly. Mabuti naman at may makakausap na ako dito.

"Hi Miks." Aly waved at me kaya I waved back. Naupo siya beside him kasi wala nang ibang seat except the seat beside him.

May kinuha siya sa bag niya tapos inabot sa akin.

Isang green box.

Then, she opened it.

There was a ringㅡwith green and blue pendants.

Nakatutok siya sa sing-sing.

"Nakalimutan kong ibalik sa yo yan kasi naaksidente kayo ni Kiefer, diba? So, eto na yung sing-sing na pinadala ni Ravena. Sorry ha."

Hindi ako nakapagsalita. I just stared at the ring.

Gusto ko siyang tanungin: Will you still remember this?

Nabalik ako nang bigla siyang tumayo at umalis. I bit my lip at kinuha iyon kay Aly. Dumiretso ako sa CR.

Nang makalabas ako, I wiped my tears off and kung minamalas nga naman, nagkasabay pa kaming lumabas.

"Bakit nasa 'yo yan?" He said but not looking at me.

I acted innocently. "Ha? Alin?"

"The ring."

"None of your business. Di ka rin naman maniniwala." I rolled my eyes.

"Ako ba talaga ang nagbigay sa 'yo niyan?" He looked at me.

"Yes. So, may I excuse myself now? Wala na naman tayong ibang pag-uusapan."

He pulled me. "SㅡSorry..."

Natigilan ako dun. Pero agad din siyang umalis at umuwi na siguro kasi di ko na siya nakita pagkatapos.

Ano ba! Di ko na alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na ako. I wanted to give up. Pero kanina.

Magtatanga-tangahan na naman ba ako?

•°•°•°•°•

Short chapter. Be ready for Chapter 29. Malapit na malapit na talaga.

Thank you sa mga patuloy na nagbabasa ng TLS. I love you so much guys ;)

#Mieferever




Typical Love Story (A Miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon