Siya.
PㅡPaano niya nalaman ang number ko? Ugh. Kinakabahan ako. Natutuwa ako na nasasaktan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
I accidentally clicked the answer button. Inilapit ko ang phone sa tainga ko ng dahan-dahan.
"Mika?" Shit. I heard it again. I heard his sweet voice again. It's like melody in my ears.
Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi tuloy ako makapagsalita. Sobrang miss ko na talaga siya, sobra.
Nagsalita siya ulit. "Mika, andyan ka ba? Kay Aly ko nakuha yung bago mong number. Hindi kasi kita ma-contact dun sa number mo. Sorry if hindi kita natawagan o natext. Sobrang busy lang talaga. Mika.. uy.. sorry na."
Huminga ako ng malalim. "'Kay." Marami akong gustong sabihin pero mas gusto kong marinig ang boses niya.
"Galit ka?" Honestly, nang marinig ko ang boses niya, nawala agad yung lahat ng sama ng loob.
"No. But, these past few days, parang nag-doubt ako sa'yo pero, mahal mo naman ako, diba? Babalik ka naman, diba?"
"Of course. Oo naman. And, I promise na araw-araw kitang itetext o itatawag. Ano, may pumuporma na ba?" Pagbibiro niya.
"Loko ka. Uhh.. meron?" Biro ko pero bigla siyang natahimik kaya agad kong binawi. "Hoy, joke lang 'yun. Syempre, wala. Sobrang bantay ako ni Daks, e."
"Mabuti naman at baka uuwi ako diyan ngayon din. Akin ka lang naman, diba?" Sana nga umuwi ka na lang.
"Bakit? Sinagot na ba kita?"
"Ouch. Basag ako dun, a. Bully ka talaga, Ye. Pero, sabagay. Speaking of, kailan mo ba ako sasagutin?"
"Bakit, nanligaw ka na ba?" I joked. Pero, totoo naman, ha.
"Ugh. Gusto ko mang ligawan ka pero mas gusto ko yung personal, e. But, don't worry, kahit malayo ako sa 'yo, I'll always let you feel how much I love you."
"Cheesy Ravena."
Napatingin ako sa paligid ko and promise, uminit yung pisngi ko nang makita ko silang nakatingin sa'kin lahat. So, all this time, nakikinig lang sila.
"Miks, andyan ka pa?" Nakangiti silang lahat aside kay Ara and Jeron. Anong meron sa kanilang dalawa?
Ngumiti ako sa kanila at lumabas na. "Yeah, yeah. Kamusta pala ang training niyo diyan? Baka mapagod ka diyan ng sobra tapos wala pang mag-aalaga sa 'yo."
Narinig kong tumawa siya. "Mabait na nga, caring pa." Ako naman ang natawa ngayon.
"Asus. Gusto mo lang i-compliment kita pabalik, e. Ay, sige end ko na 'to. Tawag nalang ako mamaya. I need to finish my meal kasi. Nandito kami kina Ate Gretch nag-overnight."
"Ahh. Sige, Miks, text and tawag nalang tayo, 'kay? I love you so much Mika Aereen Reyes-Ravena."
"Confident, huh? O siya, siya, tawag nalang ako ulit. Bye." I ended the call. Inubos ko muna ang pagkain ko bago pumasok sa loob.
Lahat sila nakatingin sa 'kin. Lalong-lalo na si Daks na agad akong hinatak sa labas. Mabuti nalang at naiwan ko yung plato sa may salas bago niya ako hatakin.
"Sino yung tumawag?" Tanong niya. "Si Kiefer?"
Tumango ako. "Gosh. Sobrang saya ko Daks. Okay na rin kami. Aren't you happy for me? Tapos na 'yung mga iyak sessions ko."
"Ano yun, isang tawag lang, okay na?" I raised an eyebrow.
"Oo naman. I love him and he loves me. Kaya madali sa 'kin ang magpatawad."
Napabuntong-hininga siya. "Kung diyan ka sasaya, e di go. Wala naman akong karapatang pigilan ka. Basta, nandito lang ako 'pag sinaktan ka niya uli." She looks sad.
"Thank you, Daks. Sige, text ko lang siya, ha?" She smiled at pumunta na sa loob.
Tinext ko na siya.
To: +639*********
Nasaan ka ngayon?Sinave ko na ang number niya. Sana naman, di na talaga ako masaktan. And, kung masaktan man ako, it's part of loving, right?
My phone beeped and as I saw his name on my screen, my heart jumped for joy.
From: Kiefer Ravena
Nandito lang sa dorm. Wala kaming practice ngayon, e. Kailan ka uuwi sa inyo? Text ka pag nakauwi ka na.Sobrang concerned talaga nito kahit kailan. Swerte mo, Miks.
Nagpaalam ako kina Ate Gretch na uuwi na kami ni Ara kasi mukhang bad mood si Daks. Nang makarating kami sa dorm, agad kong nireplyan si Kiefer.
"Daks, alis muna ako." Parang nag-iba si Ara simula kanina.
"Daks, may problema ba?" Gusto kong malaman para mawala na 'tong awkwardness between us.
"Wala. Wala." Wala daw pero ramdam ko. Bestpren ko 'yan, e.
Umalis na siya at naiwan ako dito with kambals, Kim, Ate Aby and Ate Mich.
"Anyare kay Ara?" Tanong ni Cam. Nakaka-guilty. Kainis.
I replied sa text ni Kiefer.
To: Kiefer Ravena
Nakauwi na kami. Anong oras na ba diyan?Tagal niyang mag-reply kaya nag log-in muna ako sa twitter account ko.
@mikareyes3: Him. #Blessed
I clicked on tweet. Ilang minuto lang at sumabog na yung notif ko. Nakita ko yung name niya kaya clinick ko.
@kiefravenskie: Her. #Blessed
Gaya-gaya talaga. Sobrang halata naman nito masyado.
Nagreply siya sa text.
From: Kiefer Ravena
I miss you so much :( Gusto ko na talagang umuwi diyan sa Pinas. Miss ko na din teammates ko.Hay. Hindi pa rin ako makapaniwalang okay na kami. Buti nalang talaga at binigay ni Alyㅡshit. Yung sing-sing.