Kiefer's
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Magulo. Sobrang gulo.
Nasa bahay lang ako watching the ceiling, nang may kumatok.
I opened the door and saw my friends, Thom, Jeron, Jeric, Thirdy and Denden. May dala silang mga camera.
"Kuys!" Tawag ni Thirdy.
"What's going on?"
"Maupo ka na lang Kief." Sabi ni Denden kaya naupo na lang rin ako.
"First, we wanted you to stay put. We just want to help you but you need to help yourself."
Tumango nalang ako para matapos nalang.
They turned the camera on. Isang picture ang lumabas.
A girl and me. Naka-jersey yung babae na parang kakagaling niya lang sa isang game. She's wearing a green one. Tapos naka-polo naman ako.
"First pic niyo yan ni Mika." Mika? Bakit di ko naman narecognize? Tsk.
"Tigilan na natin to." I said pero nagpatuloy lang sila na parang wala akong sinabi.
"Eto yung nag-group party tayo kina Ate Gretch tapos kayo yung pinartner namin."
"Eto naman yung liniligawan natin siya. Sobrang aga pa nga nito kasi dinalhan natin sila nung breakfast."
Marami pa silang pinakita, lahat pictures namin ni Mika. Hindi ko alam ang nararamdaman ko.
Until they played a video.
Of me and Mika.
Mukhang kagagaling niya lang ng game n'un dahil nasa labas ako kasama ang mga fans niya.
Tapos lumabas siya, when she spotted me, nilabas ko ang kamay ko and gave her a hug.
And I kissed her cheek.
And my heart started pumping so fast. My mind's literally aching. Parang naghahalo-halo ang mga ala-ala.
Shit.
Mahal ko pala talaga siya. Pero sinaktan ko lang.
"Tama na!" Napasigaw nalang ako na kinabigla nilang lahat.
"Naalala mo na ba?" Tanong ni Denden.
I nodded slowly, thinking and trying to absorb everything I remembered. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng matinding sakit. It's unbearable.
"Bro, are you okay? Teka, Den, ihanda mo ang kotse. Jeric, tulungan mo ako." Sabi ni Jeron.
Tinulungan naman akong makatayo nilang dalawa.
On the way, 'di ko mapigilang isipin ang mga nangyari these past months. Pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sa kanya. The words.
Kung makikita ko lang siya, hindi ko na talaga siya bibitawan. I'll hold unto her foreverㅡto infinity and beyond.
When I got to the hospital, agad akong inasikaso ng mga doktor. Everyone's panicking.
Halos wala na din akong makita kasi nagbu-blur na ang paligid ko. Every minute, mas lalong sumasakit ang ulo ko.
The next thing I knew, I am trying to catch my breath ㅡ and I feel like I am running after my life. For Mika.
Mika's POV
Tinawagan ako ni Denden at binalitaan na na-ospital daw si Kiefer.
Dapat wala na akong pakialam eh. Pero I just found myself finding clothes at sumakay sa kotse patungong ospital.
Nang makarating ako doon, lahat sila nakatungo, parang nagdadasal. Inaalalayan ni Dani si Tita Mozzy.
Si Tito Bong naman, nakikipag-usap pa sa doktor. And I can sense it's not good...
Parang nangyari na 'to eh.
Agad akong nagpunta kay Jeron para tanungin kung anong nangyari.
He told me everything. Gusto kong maging masaya kasi finally, he remembered. But how can I rejoice kung nasa ganitong kalagayan siya? Paano?
Bakit ba andaming problema na humahadlang sa amin? Ayaw ba ng tadhana na maging masaya kami ulit?
Umalis na ang doktor at pumunta na si Tito sa gawi namin. He looks sad... and worried.
"Halos wala na akong maintindihan sa sinabi ng doktor but, Kiefer's in coma. Hindi pa masigurado kung kailan siya gigising o kung gigising pa."
Humagulhol na kaming lahat sa iyak, lalo na si Tita at Dani. This is just so unbearable.
Kiefer, hold on. Hihintayin pa rin kita. Even after everything.
• • •
A short update. Sorry kung na-disappoint ko kayo. Pero malapit na matapos 'to. And luckily, this would be the first! Yay.
Thankyou for the 1.4k+ reads and 60+ votes. Hindi naman ako sikat para mabiyayaan ng ganyan kadaming reads and votes. Kaya sobrang salamat talaga.
°ze author°