Madaling lumipas ang oras and finally, it's Saturday na. Maaga akong nagising and I texted them na text ko na lang sila later if tapos na kami magtraining.
Papalabasin kasi namin na magkikita sina LA and Denden kaso may gagawin pa pala si Kuya LA tapos nakita niya kami and Den's heading to Ate Gretch's house so sasabay nalang kami.
During training..
Sobrang tamlay pa rin ni Ara. Ewan ko nalang mamaya if tatamlay-tamlay pa 'yan. Hahaha.
"Daks.. sinu-sino pupunta kina Ate Gretch mamaya?" Hala. Baka pag sabihin kung nandun sina Thom baka di 'to sumama.
"Ahh.. Tayo lang naman. Spikers and ALE, I think." She just nodded and uminom ng tubig niya.
After naming mag-training, I texted Den na rin. Kaya saktong nung lumabas kami, nakasalubong namin si Den.
She rolled the windows. "Guys, pupunta ba kayo kina Ate Gretch? Sabay na kayo." She smiled sweetly.
"Sure Den. Libre na yan, e." I joked at hinila na si Ara papasok at baka umangal pa 'to. I texted the others na papunta na kami. All set na naman daw kaya napangiti ako, which is napansin ni Ara.
"Mga ngiting Ravena, o." She teased. Kung alam mo lang.
Nang malapit na kami, tinext ko na sila. Okay naman na daw kaya nang tinignan ako ni Denden sa front mirror, ngumiti ako tsaka I think nagets niya ako kasi she smiled back.
Nang makababa kami, pinauna namin si Ara kasi kunyaring may kukunin kami.
Ara's POV
"Asa'n kaya yung iba?" Tanong ko. Dapat kasi sobrang ingay na, e. You know them.
May biglang nag-blind fold sa 'kin. Napatili ako nang bigla akong kinargaㅡbridal style pa talaga.
"HㅡHoy! Ibaba mo ako! Sige ka, isusumbong kita kay Thomas. Ahhhh! Thom!" I know para akong baliw na sumisigaw dito but, who cares? Kailangan kong gawin 'to para mabuhay.
Wala akong naririnig hanggang sa inilapag niya ako. Tatayo sana ako kaso bigla siyang bumulong sa akin. "Sige, gumalaw ka, hahalikan kita."
Yang boses na 'yan. Di ako gumalaw, syempre. Nakangiti lang ako hanggang sa tinanggal niya yung tela sa mga mata ko.
Napayakap ako agad kay Thom. He's making my heart beat skip. "Pinakaba mo ako. Nakakainis ka." Then, I remebered na may atraso pa pala siya sa 'kin.
"Uy.. galit ka pa?" Hinimas-himas niya ang braso ko. Magdusa ka diyan. "Baby.. baby girl.. mine.. mahal ko.. ay, jeje masyado."
Napatawa ako sa sinabi niya. Kainis! Ngumiti siya at niyakap agad ako. Ugh. I miss my man.
"Sorry na babes.." I jokingly punched his arm. "Aray naman." Sabi niya sabay himas sa braso niya.
"Babes babes ka dyan. Sapak gusto mo?" I said, chuckling.
Nagpout naman siya kaya hinampas ko nguso niya. "Nakakadalawa ka na, babes ha." He said.
Napangiti ako. Ngayon lang narealize ng utak ko na nasa garden pala kami. How romantic of him talaga.
"Lakas mo kina Ate Gretch." Sabi ko while laughing.
"Basta para sa ThomAra!" Huh? Ano daw? Haha.
Hinanda na namin ang picnic basket at nagsimula nang kumain. Gutom na rin kasi ako, e.
After nun, napalingon ako sa may bintana kasi may narinig akong mga tawanan.
I saw themㅡMika, Kiefer, Alyssa, Jeron, Ate Gretch, Denden, and Kim. Aba, ngayon ko lang na-realize na pinlano pala 'to nina Mika.
Pagkatapos namin mag-dinner, pumasok na kami sa loobㅡlahat sila nakangiti.
"Sa wakas!" Sabi ni Kiefer sabay akbay kay Mika.
"Tsansing natin, a?" Sabi ni Mika na agad inalis ang kamay ni Kief. 'Tong dalawa.
"Salamat naman at okay na kayong dalawa." Sabi ni Den.
Tumingin ako kay Thom. "Eto kasi e. Kainis." I joked at the same time, hoping na di na maulit yung ganito.
"Don't worry, di na mauulit pero, I can't promise na di na kita susurpresahin ulit." Sabi niya sabay yakap sa'kin.
"Langgam." Sabi ni Aly.
Ako lang ba 'to pero napapansin kong namumula si Jeron Teng. Don't tell meㅡ
"Guys, di pa ba kayo uuwi? It's already 8:47 na, o." Puna ni Ate Gretchen. Hay.
"O, pa'no ba 'yan, hatid ko na sila." Sabi ni Kief sabay tulong kay Yeye na tumayo.
"Sinong sila bro?" Sabi ni Thom. Agad ko namang kinurot ang gilid niya. Grabe mukhang siya pa talaga ang maghahatid sa 'kin.
"Ay, oo nga naman, halika na Miks." Tumawa lang si Mika at sumunod na kay Kief.
"Are you sure ikaw na ang maghahatid sa 'kin?" I asked Thom at baka may practice pa siya.
"Wala ka bang tiwala sa 'kin? Don't worry, I'm okay naman e." Ang conyo talaga.
Tumango nalang ako at sumunod na sa kanya.
Mika's POV
Hay, salamat! Okay na rin sila Ara and Thom. Eto kasi si Thom may pa-surprise surprise pang nalalaman.
"Why so serious, babe?" Hala, napansin pa talaga ako ni Kief? Grabe.
"I'm just happy for Thom and Ara." I said. I know the feeling kasi na maganyan. Buti nalang at mas dominant yung kilig nung time na 'yun. Hahahaha.
"Happy? Tapos ganyan mukha mo? Irony." He said.
I smiled. "Okay lang ako. Medyo napagod lang talaga siguro." I leaned my head, traffic naman kaya oks lang.
"Ang baby ko talaga." Sabi niya, kissing my temple. I think I'm blushing.
Nang makarating na kami sa dorm, I bid him goodbye since hinihintay na ako ni Ate Aby.
After ilang minutes, dumating na rin si Araㅡna nakangiti ng abot taenga.
Humiga agad siya sa kama at di pa rin maalis ang ngiti sa labi niya.
"Aba't halos mapunit na yang labi mo, Victonara, ha." I joked.
Napatakip nalang ako sa taenga ko nang bigla siyang sumigaw. "Oh my gosh!"
"Grabe naman, Ara ha. Di halatang masaya ka." I rolled my eyes. "O, ano bang nangyari at ganan ka ka-hyper?"
"I allowed him to court me." She said and we both screamed at the top of our lungs. Haba ng hair ni Vic.
"I'm so happy for the both of you." I smiled.
Ngumiti lang siya at natulog na kami. I received a text from Kief before I went to sleep.
From: Kiefer R.
Babe, nakauwi na ako. Good night. I hope to see you bukas if may free time ka. I love you so much.I sleptㅡwith a smile on my face. I promise to make you happy, every second of my life, My Phenom.
•°•°•°•°•
I miss them so much already. Di pa rin ako mawawalan ng pag-asa. Hahahaha.
#Mieferever #KapitLang #MieferTho315