Chapter Four

114 4 0
                                    

Kiefer's POV (Pagbigyan natin si Kiefer. Haha. Lakas niyan sa'kin, e.)

"Hoy Kief, kanina ka pa tulala diyan, a." Tanong ng isa sa mga ka-teammate ko.

"Huh? Ah, wala. Si Mika kasi, e."
"Ah, si Mika pala." Sabi nila sabay tingin sa'kin. Napatawa nalang ako sa kanila.

Bigla namang nag-ring yung phone koㅡsi Mika pala. I answered the call.

"At bakit ka napatawag, aber?" Sabi ko with pasungit effect.

"Akala ko pa naman may pag-asa pa ako kay Ara. Yun naman pala, naunahan na ako ng Thomas na 'yun. Aish. Nakakainis ka Ara! Bakit ba hindi mo'ko mapansin, ha? Masaya naman tayo noon, diba?" Hay, pa'no ko ba mawawala yang sakit, Mika? I'm trying naman talaga, e. "SㅡSorry."

"Okay lang. Ano ka ba, sa'kin ka pa nahiya. Pero, mamaya nalang tayo mag-usap kasi may training kami, e. Pero promise talaga, usap tayo mamaya."

Sana naman mapagaan ko man lang ang pakiramdam niya. "O sige na, love you. Haha."

"HㅡHuh?" Pucha, Mika. Pinapakilig mo naman ako. "Ano ba yan Mika, kinikilig ako. Haha." Pagbibiro ko.

"Gusto kitang hampasin kung nandyan lang talaga ako. O sige na, sige na." Tapos, in-end na niya yung tawag.

After ng training, dali-dali akong pumunta sa parking lot para kunin yung kotse. May nakita naman akong babae. TㅡTeka, si Tin yung diba?

"Uy, Tin." Tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya.

"Oh, Kief. PㅡPwede patulong? Mukhang nasiraan yata yung car ko, e." Hala, pa'no si Mika?

"OㅡOkay." Agad ko namang tinignan yung sira. Kinuha ko naman yung tools mula sa kotse ko.

After ilang oras, natapos na din. "Thankyou talaga, Kief! I super love you!" Sabi niya sabay hug na nagpa-tigas sa'kin sa kinatatayuan ko. "Pa'no nalang ako kapag wala ka? Ah, kita tayo sa McDo this Saturday, my treat."

"Sure." Patay si Mika nga pala! Baka hinihintay ako dun.

Shet, traffic! Ugh. Bakit ngayon pa? Nagsisimula na ring pumatak ang ulan. Si Mika. Si Mika. Si Mika. Si Mika nalang ang nasa isip ko ngayon. Si Mika, si Mika na mahal na mahal ko.

Mika's POV

Asa'n na ba si Kiefer? Kanina pa ako dito, a? Nagsisimula na ring umulan. Wala pa naman akong payong. Ah, basta, maghihintay ako dito. He promised me na susunduin niya ako and I trust him.

Ilang minuto pa ako naghintayㅡwala pa ring Kiefer na dumating.

May bigla namang nag-payong sa'kin kasi basang-basa na ako. SㅡSi Ara pala. "Uy, Miks. Anong trip mo dito?" Sabi niya. "Nandito na driver ko, Miks. Sabay ka na lang."

"HㅡHuh? Ah, may hinihintay pa kasi ako." Honestly, hinihintay ko talaga si Kief.

"Hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama. Kung gusto mo, samahanㅡ" Akmang ititiklop na niya yung payong pero pinigilan ko siya.

"O sige na nga, halika na. Pero, patawag muna ako kay Kiefer, na-dead bat ako, e." Pinahiram naman agad ako ni Ara ng phone niya. Memorize ko naman ang number ni Kiefer.

Tawag ako ng tawag pero hindi naman nasasagot, mukhang lowbat din siya. Pa'no na yan. Ugh, Kiefer, sagutin mo naman yung tawag ko.

Kiefer's POV

Buti nalang nandito na ako. Sa wakas. PㅡPero, wala namang tao sa labas o wala na talagang tao. Pero, alam kong hihintayin niya ako.

Lumabas ako sa kotse ko kahit wala akong payong. Sigaw lang ako ng sigaw. "Mika!" Asa'n na ba kasi yun?

Ba't wala siya? Hindi naman ako nawala nung kailangan niya ako, a. Napaupo nalang ako sa frustration. Akala ko iba si Mika.

Oo, inaamin ko na. I'm not gay. I'm just pretending para mapalapit si Mika sa'kin. Kasi nga, taga-Katipunan ako tapos siya, taga La Salle. At, isa pa, gusto ko siyang bantayan. Wala e, tinamaan ako.

Pero, wala e. Si Ara parin naman ang laman ng puso niya. But, I'm not giving up. I'm ready to risk my life just to win her heart.

Then, everything went black.

Mika's POV

"Bye, Ars. Salamat nga pala sa paghatid, a?" I hugged her tight.

"Sure thing, Miks. Maaasahan mo ako, kahit noon naman, diba?" Na-stiff ako dun, a.

"OㅡOo naman." Mika naman, 'wag kang pahalata. "Sige, pasok na ako. Salamat ulit."

Pagkatapak ko ng bahay, si Kiefer agad ang nasa isip ko. Sana naman nakauwi na yun. Pero, hindi talaga ako mapakali, e.

Matapos kong magcharge ng phone, tinawagan ko kaagad si Tita Mozzy. "Tita? Nandyan na po ba si Kiefer?"

"Oo anak, kaso sobrang taas ng lagnat. Basang-basa nang maabutan ng kapatid niya sa may tapat ng gate sa La Salle. Buti nga, napadaan si Thirdy."

Waaah! Mika, kasalanan mo. "Tita, sorry po talaga. Ah, pwede po ba akong pumunta sa bahay niyo ngayon?" Sana naman makabawi ako kay Kiefer.

Pagdating ko sa bahay nila, agad naman akong binati ng mga kapatid ni Kief. Tinuro naman nila yung kwarto ni Kief.
Agad naman akong pumasok. Bango naman dito. Tulog na tulog yung loko. I examined his faceㅡmula sa mata, cheekbone, ilongㅡhoy, Mika ha, tigil-tigilan mo yan.

Bigla namang nagsalita si Kiefer. "Mika, bakit ba ang manhid mo? Di mo ba alam na mahal na mahal na mahal kita."
Agad akong napaatras. This can't be. Baliw na yata 'tong si Kiefer. Dala siguro ng lagnat. Medyo nawala-wala naman yung init niya.

Nilapitan ko naman siya pero this time, umupo ako sa kama niya. "Sorrㅡ" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, bigla niya akong hinila at niyakap.

"Ang lamig." Akala siguro nito, unan ako. I know this time, kailangan niya ako. This time, ako naman ang mag-aalaga sa kanya.

Niyakap ko siya pabalik pero nasobrahan yata ng force kaya nagising siya bigla. Nanigas ako sa posisyon ko. Wah, nakakahiya ka Mika.

Agad naman akong umalis sa kama kaso nahulog lang ako. "UㅡUh, sorry. Sorry talaga, Kief. Ikaw naman kasi, e, bigla mo akong inakap. Akala mo diyan, unan ako. Wala talaga akong iniisip na masama. Promise talaga, Kief. Cross my heart."

Tumawa naman siya sa reaksyon ko. "Defensive masyado, te? Okay lang naman, no. Alam mo namang parehas tayo babae. Ay, ako lang pala."

"Loko ka talaga, Kief." Binato ko naman siya ng unan. "Pasalamat ka nilalagnat ka ngayon, kung hindi, nabatok na kita diyan, e."

"Harsh mo naman, Mika. Ikaw na nga 'tong inantay dun, ganyan ka pa maki-tungo sa'kin." Drama naman nito. Pero, nagui-guilty ako.

"Pinapa-guilty mo naman ako, Kief. Di bale, babawi ako, promise." Nako Mika, baka ano pang hingin niyan. Pero, okay lang, kasalanan ko naman talaga, e.

"Talaga? Kahit ano?" Tumawa naman yung loko. "Ang gusto ko lang naman, nandito ka lagi sa tabi ko. Wag mo akong iwan." He looked too serious kaya di ko magawang tumawa. He looked straight into me eyes.

"Bakit naman kita iiwan?" I chuckled. Nagdrama pa talaga 'tong bespren ko. "O sige na, promise. I promise na I'll always be at your side, no matter what. Hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino."

"KㅡKahit kay... Ara?" Mas naging seryoso ang mukha niya. "Joke lang. Alam ko namang siya parin. Diba?"

Hindi ako makasagot. Siya pa nga ba?

"Sige, Kief, alis na ako. Nagtext kasi Mama. Pagaling ka."

Siya pa nga rin ba, Mika?

Typical Love Story (A Miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon