Chapter Ten

95 3 0
                                    

Dito na ako sa dorm nila natulog. Para na rin mabantayan si Yeye. Baka ano pang gawin nun dito.

Sobrang mugto ng mata niya. As much as possible, gusto kong iwasan muna yung topic about Mika and Kiefer. "Ay, Miks, gusto mong gumala? Nag-yaya sina Alyssa at yung ibang mga Atenista." Napatingin naman siya agad sa'kin nung marinig ang huling salita.

Tangna. Nakalimutan ko. Ngumiti naman siya kahit halos umiyak na siya sa narinig niya. "Oo naman. Hindi naman dahil wala na siya, ihihinto ko na rin yung buhay ko." Mabuti nga at na-realize mo 'yan kasi ako yung mas nasasaktan sa ginagawa mo.

I hugged her tight na ikinagulat niya. I released her agad at baka mahalata pa niya ako. "SㅡSorry. Na-carried away lang." Sabi ko sabay peace sign.

"Okay lang. Teka, dito ka ba natulog?" Kailangan ko bang sabihing oo? Oo, dahil gusto kitang bantayan at alagaan habang wala siya.

"OㅡOo, kasi.. uhm.. inabutan kasi ako ng malakas na ulan." Tumango naman siya. Sa'n ko ba napulot yun? Sobrang tuyo ng mga kalsada. De bale na nga.

"Okay. NㅡNakita mo ba yung phone ko?" Ibibigay ko ba? Tangna. Bakit ba kasi silang dalawa yung wallpaper niya?

"WㅡWala ba sa 'yo?" Sobrang utal na. Pahalata masyado.

"Haha. Ewan. BㅡBahala na nga yun. Hindi naman na important yun kasi.. wala na namang magtetext o tatawag sa'kin." I can see her sadness just looking at her eyes.

"Ano ka ba, magtetext yung 8888. Baka, magtampo yun." Alam kong corny pero nagpanic na ako. She just smiled.

"Sabagay." Cold naman.

"Ay, Ye. Kain ka na. Baka, pumayat ka at ikaw na ang i-bully namin." Tumawa ako pero siya? Ayun, naka-poker face lang.

Pumunta na siya sa dining area at kumain. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang sakit lang makita siyang ganito.

"Naiilang akong tinitignan pag kumakain." Sabi niya sabay tawa. Hay. Cute niya talaga.

Lumipas ang dalawang buwan pero lalong naging cold si Mika, hindi lang sa'kin pero sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Ewan, sobrang sakit na. Kapag kinakausap namin siya, tango lang ng tango.

Ngayon, nandito kami sa gym para mag-training. Sobrang tahimik na naman niya. Saktong dumating si coach at pinagsimula na kaming magwarm-up.

Pagkatapos nun, nagsimula na kami sa pagspike. Tapos, receive. Tapos, service. Paulit-ulit lang kami.

"Water break muna!" Sigaw ko sa mga teammates ko. "Mika!" Tawag ko kay Mika na kasalukuyang kumukuha ng tubig mula sa knapsack niya.

Lumingon siya at pinunasan ang nabasa niyang bibig. "Hm?" Binalik niya ang water bottle niya sa bag niya.

"Okay ka lang?" I smiled.

"Tinatanong pa ba yun?" She flashed a sarcastic smile. "Syempre hindi." At, ayun, balik na naman sa pagiging cold.

Tumango nalang ako. "Ay, nga pala, lilipat na ako sa dorm niyo." She smiled.

"So, roommate na pala tayo Ms. MVP, huh?" Tumawa naman ako. "Nagtext si Aly na susunduin daw tayo nina Ate Gretch." Tumango ako.

Buti nalang kasi kahit papaano, hindi niya inihinto yung buhay niya para sa kumag na 'yun.

Time check, 6:00 pm. After ilang minutes, dumating na sina Ate Gretchen, Denden, and Aly. Ilang minuto rin yung pagtravel namin. Kina Ate Gretch kami mag-o-overnight. Wala lang. Party party ganun.

Pagdating namin, marami-rami na rin yung nandun. Mga atenistaㅡvolleyball and basketball players and La Salle athletes, as well.

"Hi Mika. Buti nakarating kayo." Bati ni Ate Fille. "Sa'n si Kiefer?" Napansin ko namang yumuko si Mika. Patay. Baka umiyak na 'yan.

Typical Love Story (A Miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon