Alam na ni Alaska ang plano bago pa sila pumunta. Sa talas ba naman pandinig niya ay maririnig talaga sila. Pagkadinig niyang si James Lutchia at si Ventedoz ay iisa, pati na rin yung narinig niyang ang bahay ng mga Cartagenas ay konektado sa bahay ng mga Chen(bahay na pinapasukan ni Ventedoz) ay napagplanohan na niya iyon.
Nung nagkagulo sa loob ng bahay ng mga Cartagenas ay nakapasok na pala si Alaska at lumusong sa tubig ng swimming pool para hanapin ang underground na tinutukoy ni Cueva.Hindi niya alam kung bakit hindi sinabi ni Cueva kay Alaska, pero ramdam niyang may masasaktan sa pinaggagawa nila.
"Maganda umaga" bati ni Alaska sa guro na si Aurea Chen.
"Magandang umaga din sa'yo" Balik na pagbati ng guro. Bit-bit ni Alaska ang dalawang garbage bag, pareho silang naghihintay ng basura baka kasi kapag iiwan nila yung basura sa labas ay baka kunin ng mga asong kalye.
Nakita niyang lumabas si James Lutchia. Huli ka. Sabi sa isip si Alaska. Lumapit si Alaska sa dalaga. Nginitian niya si James. Si James naman ay ngumiti sa kanya."Magandang umaga, po" bati ni James sa kanya.
"ALASKA!"
"ALASKA!"
rinig ni Alaska ang sigaw ni Lyle galing loob ng bahay. Hindi niya ito pinansin dahil dulot lnag ng kaartehan ang lalaki. Tinanaw niya si James Lutchia na naglalakad papalayo sa lugar nila,
"WIFE!"
Walang ganang pumasok si Alaska sa loob. Umiiral na naman siguro ang pagkaarte ng asawa.
"How many times do i have to- what the? Lyle?"
"LYLE!" Sigaw niya.
walang tao, si Lyle lang ang nasa loob. Makalat lahat ng mga gamit, walang nabasag pero madaming kalat. Nakasulat sa isang tile gamit ang isang dugo. Isang bala, isang litrato. Litrato na karga niya ang kanyang nakakabatang kapatid. Kinakabahan siya, nagtaka siya kung bakit nadamay ang kanyang kapatid.
I found you and I can now feel you
Muntik nang hindi makahinga si Alaska sa bilis ng mga pangyayari. Hindi niya agad naproseso sa kanyang utak ang nangyari. Ang inaalala niya lang ay si Lyle. Kinuha nila si Lyle. Nahanap na ako. Isip niya.
Sinikap niyang kumalma at uminom ng isang basong tubig. Pinikit niya muna ang mga mata at kinuha ang selpon, pagkadilat. Una niyang tinawagan si Cueva. Walang masyadong alam ang bata kaya mas doon muna siya nag-alala.
"Cueva, answer the phone" alala niyang sabi. Ring lang ng ring. Tinanawa niya muna ang malaking orasan na nakalagay sa ceiling. I know it sounds weird, pero pinalagay talaga 'yan ni Alaska.
"Hello?MaLaska? Why you calling?"
"halloh?"
"hello?"
"Nakanampuchikels, hoy snatcher ka? Ibalik mo yung cellphone ng nanay ko, kung di papatayin kita, istg"
Muling nakalma si Alaska dahil buhay si Cueva.
"Cueva,it's me. Where are you?" she asked
"Nagkacutting, kasi kanina may sumusunod sa'kin, akala niya di ko mahalata. Tapos palakad-lakad siya with matching uniform pa ang yawa, siyempre na alerto ako kasi hindi naman siya one of the staffs dito. Uuwi din ako,PROMISE. Last nalang,uuwian kita ng pasalubong, nakipagtong-its kasi ako dito eh,sige na,babye, hitter ako eh"
Hindi mapigilang kumunot ang noo ni Alaska sa pinaggagawa ng alaga niya.Dahil na din sa bigla nalang in-end call. Tinawagan niya ulit ito,at sinagot.
"Cueva, listen to me. Huwag kang uuwi sa bahay" mahinahong utos ni Alaska sa dalaga.
"Why?What's the problem?"
"Nahanap nila ako" kaswal na sagot niya. "At nakuha si Lyle"
Sa totoo lang, napamahal na si Alaska sa ampon niya. Hindi dahil sa kinupkop siya, dahil iyon sa lahat ng mga pangyayari ay may koneksiyon lahat lahat. Sa pagkawala ng kapatid niya, sa pagkamatay ng lolo niya, sa forced marriage.
Everything seems planned. Everything is forced. Someone wants to force her. Force to know the truth. The pattern has already seen. The time, the blinks in everyone's eye, the happy moments, the mafia doings, the everything. Everything is obviously force to discover something.
"okay" kaswal na sabi ni Cueva. Sa totoo lang, hindi man lang siya nag-alala, kasi may napansing kakaiba si Cueva sa mga kilos ni Lyle. Wala siyang sigurado kaya hindi niya muna ito pinagsasabi ang napansin, baka siya ay nagkamali lamang. Hindi man halata pero nakita na niyang ngumiti si Alaska sa mga pinagagawa ni Lyle.
Pagkatapos ni Cueva manalo ay sinira niya agad ang cellphone niya.Kapag ganyan kasi na sitwasyon, parati niyang sinisira phone niya kapag ganunng kalse ang tawag ni Alaska,sa hindi niya alam na kadahilanan. Sumusunod lang siya.
May naka-implant na chip sa may bandang elbow niya at malolocate siya ni Alaska. At yung hikaw niya ay maaring gawing earpiece kaya madali lang siyang mahanap ni Josh. Hindi na niya dinala ang bag niya baka kasi may nilagay ang taong 'yon sa loob, dahil naalala niyang nilagay niya muna yung bag sa loob ng room nila kanina bago siya lumaba. Siya lang ay naninigurado lang.
"Pano ba'yan,edi- mamumukha na naman akong mayabang nito" sabi niya bago tumayo. Sa larangan ng tong-its, pusoy dos, mahjong, si Cueva ay isang ALAMAT. Kahit veteranong sugarol, wala pang nakakatalo sa kanya. Kahit si Alaska, hindi siya kaya.
"Ang bata mo pa't ang husay mo.Pinaglihi ka ba sa sugal?" tanong ng kalaro niyang senior citizen.
"Blessing po ito galing kay Lord. Mauna na po ako" paalam niya. Aasta siyag aalis pero bigla siyang huminto, "at kung may maghahanap sa'kin, pakibigay yung bag ko at pakyohan niyo po,salamat po. I just need two 500 pesos para sasakay ng bus, yung sobra, paghatiin niyo na lang" at tuluyan na siyang lumabas. Manghihingi pa sana siya ng baril pero hindi nalang.
Hindi siya lumabas sa pintuan, kung di sa ilalim kung saan may tubig na maalat. Malapit sa port sila naglaro at yung nakalaro niya lang ay isang drug lord sa lungsod ng Baluangao, kilala siya bilang anak ni Alaska kaya kilala siya nito. Sa mga lugar na kung saan may koneksyon si Alaska, ay safe siya.
Biruin mo, bahay nila Alaska ay nasa Calamba tapos nagcutting,pumunta sa Baluangao para maglaro ng tong-its.Isang ulirang estudyante po si Cueva.
Siya ay lumangoy papunta sa isang maliit na bangka.
"Yawa" napamura siya bago umakyat sa isang bangka dahil may tubol sa kanyang ulo.
"sino ka?"tanong ng mangingisda.
"pwede po bang hiramin yung bangka niyo? Or, pwede din pong ikaw yung magdadrive ng bangka niyo at ilipat mo ako dun" turo niya sa kabilang isla,which is ang lungsod ng Plaridel.
"huh?"
"Hakdog" sabi niya ang binigyan ng electromagnetic force. Pinatulog niya lang muna dahil binigyan ng kuryente(taser). Pinahiga niay muna ito at siya na ay tuluyang nagmaneho sa bangka. Halos lahat ng sasakyan ay alam ni Cuevang maneho-in.
Alam na niay kung saan pupunta dahil simula nung tumira siya sa puder ni Alaska, parati niyang sinasabi na pupunta daw ng Plaridel. Kabisado na ni Cueva ang ruta,mapadagat 'yan o mapagubat pa.
Andito siya sa gitna ng dagat,kaya walang makakakita kahit sasayaw siya ng jumbo hotdog.
Hanggang naabot niya ang dalampasigan ng isang bukana.
Ilang oras din siyang naghintay na gumising yung bangkero para ibigay yung pamasahe. Hindi pa din gumigising kaya naiisipan niyang lagyan ng tubig dagat ang kanyang mukha. Kunti lang, yung magigising siya na may iba na pala siyang mahal.
"hooo hoo" yan ang nagsabi ng bangkero."Ito po ang bayad ko po. Pasayloa ko og nabuhat nako to.Salamat"
Umalis na si Cueva sa lugar na doon at habang siya ay naglalakad ay naamoy niya ang kanyang ulo na mabaho dahil sa tubol na natunaw kanina nung siya ay lumalangoy.Pag minalas ka naman.Isip niya.
YOU ARE READING
Forced
RandomFinding justice for an important person in her life. Finding someone that she knows will be the key to everything she endured.