Habang bumabiyahe, isang babae na tumabi sa libreng upuan sa tabi niya, "Nakita mo yang bahay na 'yon?" Biglang sambit ng babae.
"Hindi" seryosong sabi ni Alaska.
"Bakit duguan ka?"
"May sugat ako dito" turo ni Alaska sa kanyang sugat
"Alam mo ba na ang nakatira d'yan ay isang aswang. Maria ang pangalan" turo niya sa isang bahay na abandonado. Ikekwento ng babae ang mga nakaraan kay Alaska, dahil sa sobrang seryoso ng mukha nito. Alam naman natin na walang gana si Alaska sa sitwasyon niya ngayon. Ayaw niyang kausapin yung babae sa tabi niya kasi ayaw niya. Pero yung babae na mismo ang gustong magkwento tungkol sa aswang.
"Naging aswang siya sa dahil sa pag-ibig" lumingon si Alaska sa babae, "Usap- usapan ng mga tao dito. Sinaktan daw ng lalake si Maria, hanggang sa nalaman niya na kauri nila ang mga aswang kaya sinaktan ng lalake si Maria. Oh, sige na kasi hanggang dito nalang ako eh. Ako nga pala si Maria" tumayo ang babae at lumabas na sa bus.
Hindi maproseso ni Alaska ang kanyang naririnig at nakikita. Nakatayo ang mga balahibo ni Alaska dahil sa Maria na iyon. Tinutukoy niya ba ang kanyang sarili? Tanong ni Alaska sa kanyang sariling isipan. Hindi napansin ni Alaska na andito na pala ang bus sa kinaroroonan dahil sa kalutangan."Miss, labas na po" sabi ng konduktor.
May nakita siyang may nagtitinda ng mga damit kaya hindi nagdalawang isip ang dalaga na bumili ito. Isang kulay kayumanggi na pangitaas at itim na pang-ibaba. Bumili din siya ng panibagong tsinelas dahil marumi na ang kanyang sapatos na sinuot. Bumili din siya ng mga gamit panlinis sa kanyang sugat.
Pumasok siya sa pampublikong CR para simulan sa paglilinis. Pagkatapos niyang nilinis ay nanghilamos siya at siya ay pupunta sa isang lugar kung saan doon muna magpahinga at magpalakas.
Siya ay sumakay sa isang sidecar para pupunta sa isang hotel para doon muna matutulog dahil gabi na rin. Napansin niya ang isang kotse na kanina pa sumunod sa kanyang sinasakyan, "Lumiko ka po d'yan" utos ng dalaga sa drayber.
"Hindi po pwede, ma'am" suway ng drayber. "Baka po mapansin ng mga traffic enforcers, pasensya na po" pinikit ng dalaga ang kanyang mga mata dahil sa inis. Bobo ba siya? Walang traffic enforcers dun.
Kumawala siya ng isang mabigat na buntong hininga, " Doon" turo niya sa isang eskinita kung saan hindi makakapasok ang sumusunod sa kanya. Binigyan ng isang libo ang drayber at umalis na ang dalaga. Isang libo para utak niyang bobo.
Siya ay naglalakad sa isang madilim na eskinita para magtago. Nakita niyang dumiritso ang sumusunod na sasakyan sa kanya. Wala siyang dalang baril, ang kanyang dala lamang ay isang bag na pera. Ayaw niyang pumunta sa hotel o kahit saang pampublikong lugar dahil kada-lugar may mga taga El Capone. Iyan ang palaging nasa isip niya.
Ayaw na niyang umasa, ayaw niyang merong nagpapaasa.
Lumabas na siya sa madilim na lugar at hindi makagalaw na kahit pagpikit sa mata ay parang magdadalawang isip ka. Tinutukan siya ng baril sa maputi at medyo singkit na mata. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya babarilin, kasi sa gandang taglay ng dalaga ay kahit assassin ay mahihiyang patayin siya. O baka siya pa ang papatay sa kanila.
"Nahahalataan na kita. Do you really wanna get chase, huh?" Kumunot ang noo ni Alaska habang tinututukan ang magandang binata.
"You don't remember me? Hello? Anjoue? It's me. Are you a girl? Kahit grandma ng liligawan ko, hindi ako kakalimutan" ang daldal ni Anjoue.
Ang pagiging madaldal ni Anjoue ay isang super powers para makuha ang gusto niya. Lahat ng babae gustong gusto siya dahil sa kanyang magandang labi at lumalabas na salita galing dito.
YOU ARE READING
Forced
RastgeleFinding justice for an important person in her life. Finding someone that she knows will be the key to everything she endured.