Chapter 11

10 0 0
                                    

Good day! Goodmorning! Magandang Araw!! Goodvibes! New day! Ang saya saya ko nanaman!! Haaaay.... Bago ako bumangon ng kama ko, hinug ko yung Human size teddy bear at sinabihan ng goodmorning...

Bumaba na ko at si mommy lang yung andun wala si ate?

"Mii, san si ate?"

"Goodmorning hija! Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Phew! Anong meron? Ang happy happy din mama? Ahh! Alam ko kung bakit..

*Flashback*

"Anak, kayo ba ni Jake? Looks like my kumare is right bunso.."

"Hindi mi, friends lang kami... namasyal lang po, kami na agad? Mi naman, wala akong alam sa ganyan.. NBSB ako mi"

"Eh kanino galing ang teddy bear nayan? Did Jake brought it For you?" Ang kulit ng lahi ni mama!

"Ma naman eh! Libre niya lang sakin to" azar si mama, dami alam! Kulit kulit!

"Okay. Sabi mo eh. ^__^ basta, ako unang makakaalam huh? "

"Maaaaaaaaaa! Stop teasing me!" Tumawa lang si mommy

End of flashback.

"Opo ma, mahimbing naman" ngumisi nalang siya and may tumawag sakanya. Nung tapos na siya makipagusap, i asked her again.

"Mii, si ate??"

"Ahh.. si ate mo may practice sa Majorette nila and ako din bunso aalis, may meeting din ako. Gusto mo, invite mo si Jake dito?" Sabi ni mommy at ngumisi

"Maaaaaa! Wag kayong ganyan sakin.."

"I'm just teasing. Stop taking it too seriously! Sige bunso, aalis na si mommy okay? Pakabait ka dito. Tsaka bukas na uuwi si daddy mo, ng gabi.. kaya don't consume your enegy." sabi ni mama. Nung nakaalis na si mommy, i just open the T.V and watched Sofia the first. Ewan ko kung bakit pinapanood ko 'to. I just found it so cute, ganda kasi ni Sofia eh! Bakit kaya ang isip bata ko? Gusto ko nung mga barbie, pambatang laruan.. ay ewan!

Nanunod lang ako ng nanunood hanggang sa may tumawag..

"Hey dude zup? Di natuloy yung gala natin ah?" Sabi nun nasa kabilang linya.

"Yeah.. punta ka dito sa bahay, ako lang magisa"

"Really? Sige sige dala akong cd huh! MoMa tayo ^__^"

"Ohhkay RJ,ako na bahala sa snacks" Binaba ko na and naghanap ng makakain. Well, kumuha ako ng madaming junkfoods and ewan, kung ano mahablot ko. Si RJ yung dapat gagala sana ako kaso si Jake nabunggo namin? Ayun yun.. Si RJ po ay hindi Lalake.. babae yan,, cousin ko! Tagal nanaming di nagkikita tsaka naguusap eh! Kaya inivite ko dito.

Ilang minuto lang dumating na siya.

"Heey!! RJ's in the house!!" Sabay yakap naming dalawa. See? Goodvibes yan..

"Kyaaah!! So ano? Tara? Nuod na!" Umupo na kami sa couch tapos yung unang pinanood namin is, yung book of life. Hmm.. maganda siya tungkol sa love actually, i liked it! Sunod naman yung boxstroll. Parang ano siya, alien ata yun? Na naka suot ng box sa katawan. Tapos yung isa tangled. Kahit napanood ko na 'to? Nagagandahan padin ako. Nung natapos ang pag mo-moMa namin..

"Oyy! May chika ako! Tungkol kay JL!!"

"nakoow! Ayun eh.. sige go, kwento!" Kinwento ko lahat sakanya kilig na kilig kaming dalawa! Like, duh! Hahahaha! Lalo na sa "hawak kamay akbay" part!! Kahit ako, halos tumalon puso ko eh!

"Totoo bayan? Baka pinapakilig mo lang sarili mo ah??" Ay di naniniwala? Pshh..

"Totoo yan ano ba!! Ang kulit ng lahi!" Nagtawanan kami at kinilig!!

"Gaga, kayo ba?" Natameme ako.. "ayun nga eh.. hindi kami.." boom! Saklap! Bigla naman niyang pinatugtog yung pangarap lang kita.

At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangarap lang kita

Nakarelate ako dun.. tss.. azar! " hoy RJ, aning ka! Lakas trip" tawang tawa naman siya sa kalokohan niya.. azar. "Face the reality boy" -RJ

"Alam ko yun at hindi ko nalilimutan yun!" Napansin kong maggagabi na.
"RJ, dito ka na kumain ng dinner tapos papahatid kita sainyo" tumango nalang siya.

"What do you want for dinner?" Tanong ko sakanya.

"Kahit ano wag lang wala" tawa naman kami! Tss... Joker eh! Naisipan ko yung pinakamadali.. tuna? Kahit ano eh! Hahaha!

"Wow Clarizza, so proud of you.. gee thanks!" Sabi niya sakin na walang gana. Eh? Sabi niya kahit ano eh kaya ayan binigay ko.. tss.. Nilabas ko nalang yung pizza tsaka carbonara.

"Good! " sabay thumbs up siya! Awtsuu! Nung natapos siya, nagkwento siya about Gab yung crush niya na kamuka daw ni sehun ng EXO.

"Tinignan niya ko nung P.E clas namin!!! Emegheed!"

"Lokaret, pero kinilig ka?!"
"Oo naman nuh! Sino bang hinde??!" May hidden kire din tong babeng to! XD nung natapos kami magkwentuhan, uuwi na daw siya... :( kasi hinahanap nadaw siya ni tita Claire eh. Beyen..

"Maya na RJ, sleepover ka na dito!" Sabi ko tas nagpout ako.

"Di pwede boy, sa birthday nalang ni tita Reb!" Haayst. Tumango nalang ako. At pinahatid na siya..

"Bye taba! Ay JL pala.. ay Clarizza pala ^__^ babye! Kita tayo sa birthday ni tita Reb!" Hays! Lokaret tong babae na to! Winave ko nalang yung kamay ko, sign ng babye. Pumasok na ako at umakyat nalang sa kwarto ko. Para akong timang sa sala, antahimik. Naisipan kong tawagan nalang si Marian, Bea, Jane, Diana, at Andrea. Sinagot naman nila agad. Unang nagsalita si Bea, siya kasi yung madaldal samin.

"Hi!?"-Bea

"Yiie! Hello/OMG!/Kyaaaah~/zup?/" Marian, Diana, Jane, Andrea. Jusko! Ang iingay nila!

"Clarizza, napi-pe ka dyan? Anyare?" -Marian

"Ang ingay niyo kasi eh! Kakahiya naman.... hihihi!"-ako

"Gabi na ah, di pa kayo inaantok?" -Diana

"Nope/up all night!/not yet/dipa eh/" -Andrea, Bea,Marian, ako. Sabay sabay yung sagot namin! Ang kulit!

"Hahaha! Nagreview na ba kayo? May quiz sa science tomorrow?"- Bea
Luh! Oo nga! Eh! Kahit ata magreview ako dun, di ako makakapasa!

"Luh! Hindi paaaaa!!!" Sabay Sabay na sabi namin.

"Sabi kasi ni mam pagbagsak may intervention daw.."-Bea

"Ehdi kung ganun, magreview natayo.. sige mamaya na natin ituloy paguusap. Kitakits tayo tomorrow!" -Marian.

"BABYE!!!!!!" lahat kami sinabi yun tas nagbilang

"1,2,3,4,5....." *toot* *toot* *toot* sabay sabay naming inend yung call. Ang kulit! Pagkatapos nun, nagreview nalang din ako, malay natin? Pumasa ako! ^__^ :D Review ako ng review hanggang sa nakatulugan ko yung pagrereview ko. Haaayst! Sana lang makapasa ako bukas..

-----
-------------+-++++-
Papasa kaya si Clarizza? OHMY!

Vote and comment!! Thank youuuuuuuuuu!! Labyu! :*

Fated to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon