Chapter 21: Beating Heart

6 0 0
                                    

(A/N: back to school ulit! walang aangal! alam niyo na kung ilang kutos para sainyo! HAHAHAHA! jkjk)

Angsaya saya ng umaga ko. Kasi mas maganda pa ko sa umaga! CHARUUUT!

-SCHOOL-

Naglalakad ako papasok ng gate ng school. Lahat sila ay tingi'y transfer ako. Syempre nuh! Sino ba naman ang mag aakalang isang dyosa ang tumapak sa school na 'to! HAHAHAHA! joke lang...

Sa di kalayuan, nakita ko na si Marian at Bea. Sila lang?

"Kulang kayo?"

"Hindi, sobra! Sobra kami!" - sarkastikong sabi ni Marian

"Ah. Ganon?" Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Ay hinde joke lang yun! Eh kasi naman eh! Wala yung tatlo. Si Jane kasi excused daw siya, susunduin daw yung tita niya ata? Si Dianna naman may outing daw family niya. Si Andrea naman ayun, tinamad pumasok!" Pag eexplain ni Marian.

"Zaaad tuloy! Tara na nga, pasok na tayo. Di naman sila papasok kung tatanga lang tayo dito. Right?" Bigyan ng medal si Bea! XD

"Naks! Sige na, tara na" tsaka kami pumasok sa room namin.

Pagpasok namin, lahat sila ay nakatingin saamin! Dyosa ako eh! Hihiihi joke lang!

"May transferee satin?" Di nalang namin pinansin yung nagsalita

"Goodmorning class.."

"Morning sir!"

"Mukhang may bago kayong classmate? Uhmm miss? Would you like to introduce yourself to us?" Tumayo naman ako at nagpakilala.

"Uhmm.. goodmorning everyone. *gulp* I-I'm Clarizza Valdicañez" pagkasabi ko non, lahat sila'y napa gasp.

"O-okay, Miss V. Thank you." Pati si sir nagulat. Tsk tsk! Yan ang mahirap pag di sanay makakita ng dyosa eh! HAHAHAHA! XD joke lang...

Pati sa mga sunod na teacher, ganun din ang reaction nila. Hahahaha!

-B R E A K T I M E-

"Wow. Ang cute nung girl at ang sexy!"
"Transfer ata siya"
"Woah.."

Ano bayan, nakakaflatter ha! Tsk.

"Clarizza! Bigtime ka na ! Party tayo mamaya?"

"Tse! Ano ka ba Bea! Ako padin 'to!

Nung nakakuha na kami ng food namin tsaka kami umupo sa favorite table namin.

"Hi Marian and Bea ^_^ may bago kayong kaibigan? Pakilala mo kami!!" Kahit kailan talaga, FC tong si Miguel!

"Ah.. eh.. hindi namin siya bagong friend! Si ano yan..Cl-Clarizza yan!

Yung mga hunks= o_O
Ako= ^_^

"HA-HA-HA! joke yun Marian nuh? Galing mo talaga magjoke! Infairness nakatatlong tawa ako!" Sarkastikong sabi ni Sean.

"Ay hindi! Ako talaga 'to Sean!" Singit ko.

"Parang kailan lang Clarizza ah! HAHAHAHAHA!" Tawa ni JL

"Luh! Oo nga! Tss.. ayaw niyo maniwala? Aist! " at sinimulan kong ikwento sakanila ang aking big transformation. XD

"Okay na? Nalinawan na ba kayo?" Tanong ko sakanila.

"Ahh.. okay.." sabay sabay nilang sabi tsaka tumawa. Nakitawa nalang din kami. Sus! Mga timang ay!

-bahay-

"Hay Reb. Ang bilis bilis ng Panahon.. biruin mo, mag bi-birthday ka na! So, san ang celebration?" Tanong nung kausap ni mama.

"Mhhmm... First, dito lang sa house. Para you know, makapunta naman ang busy friends ko. Kasi sa second celebration ko, I'm sure konti nalang ang makakapunta dahil busy na sila. I asked them over the phone na kasi at sabi ng karamihan, Sa unang celebration lang sila makakapunta."

Alangan namang tumanga lang ako dito sa labas ng bahay namin at makinig lang diba? Kaya naisipan ko ng pumasok.

"Oh, darling! Long time no see..Sumexy ka na ah!" sabay beso sakin ni tita Rica.

"Ito na pala ang bunso mo? She's pretty like her mama.." sabi nung isang babae. Di ko kilala eh. Nagbeso beso din siya.

"Ah anak, ito nga pala si tita Auldrey mo." Tumango tango nalang ako.

"Nice meeting you po. " tsaka ko hinarap si mama

"Mii, akyat na po ako. Napagod po ako sa school eh" tumango si mama.

Mga ilang hakbang palang ay narinig ko na ang boses ni Jake.

"Ganyan ka ba mag greet sa bisita mo ching? Ayyyst! Grabe"

Shit lang! Yung word na yun.. nakakamiss din pala!

Nung narinig ko siyang sabihin yung word na yun, gusto ko siyang yakapin kasi kahit hindi ko siya pinansin ng sobrang tagal, hindi pa din niya nalilimutan yung tawag niya sakin.. naramdaman kong kahit mataba pala ako nuon, may tao parin pala talagang hindi umalis sa tabi ko at tinanggap ako. Urgh! Ang drama ko na tuloy!

Nararamdaman kong Ilang minuto din akong di nakapagsalita at medyo naluluha kaya naman pinunasan ko at hinarap siya.

"What are you doing here?"

"Tss.. binibisita ka. Ano pa ba?" Pabulong na sabi nya

"Walang akong sakit!"

"Syempre andito yung mommy ko kaya syempre andito ako! Napilitan lang akong sumama!" Medyo mataas na ang boses niya saakin.

"EH BAKIT KAILANGAN MO KONG PAGTAASAN NG BOSES?!" Sigaw ko sakanya.

"EH BAKIT KAILANGAN MONG MANIGAW?! IKAW NA NGA TONG PINUNTAHAN EH!" Huh? Pinuntahan? Eh sabi niya, napilitan lang siyang sumama?

"SINO BA KASING NAGSABI SAYONG PUNTAHAN MO KO?! SINABI KO BA??!!" hindi ko na mapigilang mainis sakanya.

Sasagot palang siya ng sumingit sila mama

"What's happening?! Bakit may sumisigaw?!" Nagtatakang tanong ni mama

"Ah hindi po tita, naglalaro lang po kami ng palakasan ng boses. Nanalo nga po siya eh! May talent po pala si Clarizza dun? Hehehe! " plastik! -_-

"Hayy.. kala ko naman kung ano yun! Oh sige.." tsaka na sila bumalik sa sala.

"Tss.. nagbago lang ang itsura't katawan mo, pati ugali mo nagbago!" Aalis na sana siya kaso pinalo ko siya sa braso.

"Hoy ang arte mo! Eh kasi naman, parang timang. Di kasi sumagot ng maayos!" Sabi ko at nagcrossed arms. Nilingon niya ko tsaka nagsalita ulit.

"Hoy kadin! Porke't nagloose ka na ng weight, ang suplada mo na!"

"Pwede ba? Ang babaw mo! Bakit ka ba kasi andito?!" Naiinis kong tanong sakanya.

"Eh masama bang pumunta dito?!"

"Isa pa, babatukan na kita!" urgh!

"Tsk! Wala, masama bang bisitahin kita? " pabulong na sabi niya. This time, bumilis ang tibok ng puso ko.

DugdugDugdugDugdugDugdugDugdug

"W-wala naman akong s-sakit ah?! Tss.. drama mo! Dyan ka na nga, tutulog na ko!" Aalis na sana ako, kaso hinawakan niya ko sa braso.

"Sayang effort ko nuh! Pumunta pa ko dito para lang makita ka ulit tapos lalayasan mo lang ako?! Haayst! Matulog ka na nga lang!" Tsaka niya binitawan ang braso ko at umalis na.

Weh? Kala ko ba napilitan lang siya?


Gusto niya ulit akong makita?


DugdugDugdugDugdugDugdug

---------

<3 <3 XD

THANKS SO MUCH SA SUPPORT! LAB NA LAB KO KAYO!! XD

Vote comment and share!! Labyumatss! :*

Fated to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon