1 week nadin akong di pumapasok, pero naalala ko pa din yung pisteng Jake na yun!?? Ano kala niya sakin?? Baboy ako?! May pangalan ako at hindi ching ching! Tsk! Oo alam ko Chubby ako, pero duh! Nasasaktan din ako!! Tss.. tao ako nuh!! Tao! Ewan! Move on na nga.. inis!
Bumaba nalang ako, kumain, nagbabye kay mum at umalis..
Nakarating na ko sa school at shemay naman! Aga aga ayun bubungad sakin?! Tss.. Nakayakap si Sophia kay JL. Ang sama naman ng tingin sakin ni Sophia dahil napansin niyang puzzled ang tingin ko sakanila.. wait... Nagaaway ba sila? pumiglas si JL sa pagkakayakap nila at biglang sinigawan ako ni Sophia.
"Yan? 'Yan ba yung pinagpalit mo sakin?! Tss.. hintayin mo kasi ako magexplain pwede ba?!" Nako!! Iwasan mo kasing tingin ng tingin Clarizza! Nasabi ko nalang sa utak ko at papasok na sana ng school kaso biglang may humawak sa kamay ko, hawak talaga! As in! Hawak na hawak at inakbayan pa ko. Sisipain ko na sana sa tuhod kaso biglang nagsalita.
"Oo, siya nga yung pinalit ko sayo. Kasi etong babaeng katabi ko ngayon, ay mas deserving ng pagmamahal 'ko not like you Sophie!" Galit na sabi ni JL. (Kilala niyo na?) Pumasok na si Sophia pero binalikan kami.
"Hindi pa tayo tapos!" Galit na sabi niya samin ni JL. Tss.. kakapasok ko palang tapos eto agad nabungad?! Naku po!
"Thank you ah, kung di dahil sayo Clarizza, baka di ako tantanan ng babaeng yun" huh? Bakit? Eh ang alam ko sila aah?? Wew!
"Ahh.. you're welcome, bakit naman di ka niya tatantanan? Si Mike Enriquez ba yun?" Natawa kaming dalawa sa sinabi ko
"Palabiro ka pala ah? Now i know... hatid na kita sa room mo? Late ka na eh. " luh!! Totoo ba 'to o nananaginip nanaman ako? Tss! Totoo to ano ba?!
"Nyee? Pano ka? Late ka din naman na eh. Di na wag na"
"Hindi pa 'ko late. Excuse ako sa first subject ko, may training pa ko eh. Oh tara na?" Pumayag nalang ako. Aarte pa ba? Eh si one and only 'to eh!! Keleeeg.
Nakarating na kami at si Sir Rex mukang mainit ang ulo. Pero nung nakita niya si JL, jusko gumanda ang umaga niya! pati yung mga classmates ko gumanda din ang umaga! Pinapasok na nga agad ako eh. Tss.. pag sikat talaga.. nakow!! Nakinig nalang ako ng nakinig.*Kriiiiiiinnggg!* yes! Breaktime!
"Uy ano yun?? Bakit ka niya hinatid??" Tanong sakin ni Marian.
"Kayo na nuh?" -Diana
"Kailan pa?" -Jane
"Pano?"- Bea
"Aminin mo na!"-Andrea. Jusko 'tong mga to! Sunod sunod yung tanong!?"Ano guys, paparazzi? Tss... di nuh!" Tapos kinwento ko na lahat ng nangyari kanina. Kilig naman sila! Tss.. "Go Girl!!" Sabi nila sa'kin.Saktong pumunta yung mga hunks tapos si Miguel tinawag si Marian. Tapos nagusap. Ewan ko kung ano eh. Basta ako, happy!! :D
--------
Marian's POV.Kakilig naman yung nangyari kay Clarizza! Congrats naman sakanya at natupad ang pangarap niya! Ayiiie! Ay tinawag pala ako ni Miguel.
"Bakit?"
"Uhmm.. yung request ko nun? Ah eh. Wag na, urong na ko.. malayo kasing maging kami eh...." sabi niya. Pero may binulong pa s'ya "..pero kung ikaw yun, ginawa ko na." Shit lang?! Sinabi ba niya yun? Nagkunware akong di ko narinig.
"Huh?? A-anong s-sabi mo??" Nauutal ako kasi biglang nagkaspark eh. Hindi sya nakasagot kaya nagtanong nalang ulit ako.
"Ahh.. bakit naman? Di naman malayong maging kayo ah? Kasi siya sikat, actually parehas nga kayong sikat eh" mahiya hiyang sabi 'ko.
"Tss.. hindi ah.. uhmm.. bukas, pwede bang sabay tayo mag breaktime? Kung okay lang naman.." totoo ba this?!!??!
"Oo naman! I would love to!" Ohgosh.. masyado akong naexcite!! Nahalata niya ata?
"Uhmm.. okay cge ^__^" pagtapos niya sabihin yun, bumalik nako kila Clarizza na may dalang malaking ngiti si labi ko.
"Marian? Mukang may something din kayo ni Miguel ah? Aysuuuuuss! Ayiiie!" Lokaret tong si Diana .. pero sana nuh? May something nga kami?
"Wala ah.." sabay ngiti sakanila.
End of POV.
-------------
Miguel's POV.Shit dude! Sinabi ko ba yun?! Yung binulong ko?!!??!?! Naman oh!!! Tsk! Dapat sa prom ko pa gagawin yun eh!! Inis!
Pero buti nalang di niya narinig.. think so? Aw crap. Sana di niya narinig yun...
Tama lang siguro yung ginawa ko na magback out, ayokong umasa kay Althea. Tsaka i have my rights na pumili kung san ako sasaya. Mangyayari lang yun pag kami na ni Marian... ^__^ oo, gusto ko na siya simula nung grade school kami kasi ang cute cute niya with her pink eyeglasses and her curly hair pero di ko magawang lapitan yan kasi torpe days eh... gusto kong i rason yung tungkol kay Althea para maging Close kami...
And that day? When i call her and ask her out? kaya ginawa ko yun, kasi gusto ko lang talaga siya makita.. but i dont know if she will understand my feelings for her. I also don't know if i'll tell my feelings for her.. ganun din mararamdaman niya... But i know and i can feel it na magiging akin din sya someday...
End of POV.
---
Nag bell na kaya, bumalik na kami sa room pero bigla akong tinawag ni JL."Clarizza, uhmm.. wala, cge.." huh? Problema nun? Tss..
Nung nasa room nakami, dumating na si Mrs. Paragas teacher namin sa science.. haaaay, bobo ako sa science actually, kahit pinipilit kong makinig. Pero ngayon yung topic namin madali lang daw.. tss.. madali? Para sakin mahirap lahat about sa science eh! Yung topic eh about sa heterozygous kemeru. Yung RR + Rr blah blah blah.. ay ewan! Bopols talaga ko dyan eh.
Nabunutan ako ng tinik nung natapos na yung subject na yun. Hayst! Sana uwian na... Tumingin nalang ako at nagkunwareng nakikinig. Hanggang sa di ko namalayan, uwian na. Lalabas na sana ako pero nagtilian yung mga classmates ko. Kasi si JL naghihintay sa labas !! Gusto ko din sana tumili eh. Kaso, nekekeheye!! Enebe! Ay parang ang landi ko dun? XD lumabas na 'ko dahil di ko tinatake ang tilian sa loob. Nung nakalabas na ko, bigla siyang nagsalita
"Sabay na tayo..? ^__^" tameme ako. Emegheeeed!!
--------
Hihihi!!!Thanks sa support. Lke/vote and comment!!! Thank you :)
BINABASA MO ANG
Fated to love you
Ficção AdolescenteSi Clarizza ay isang Highschool student na may lihim na pagtingin sa hunk,famous,smart ,athlete at handsome na si JL. dadating ba si JL sa buhay nya? o may lalaking nakatakda para sakanya?