Nagising ako na nakatulog sa table ko. Pagtingin ko sa orasan, shemmaay! 6:20 na! Late na ko!!! Dali dali akong bumaba at nagayos, kumain at umalis.
Pagdating ko sa school, magsasara na yung gate kaya kumaripas ako ng takbo!
"Kuya guard!! Wait lang po, papasok pa ko!!!!" Phew! Buti narinig nila yung sigaw ko!
"Nako, 6:35 na? Late ka na" -guard
"Kaya nga po papasukin niyo na ko eh!" Iritado na'ko, eh kasi? Late na nga ako dipa ko papasukin?! Nung binuksan nila yung gate tumakbo na ko papasok. Nakarating ako sa room ng hingal na hingal! Ang sama pa ng tingin sakin ni sir.
"Ms. Clarizza Valdicañez, why are you late?!!" Aiish! Isa pa 'to,late na nga ako ayaw pa ko papasukin
"Sir, im really sorry! Late na din po kasi ako natulog eh. Can i come in?"
"Sorry Ms. Valdicañez, but you're 15 minutes late in my subject. So, stay there outside" ay linchak! Ugh. Pag minamalas.. kaya ayoko nagrereview eh!!
Nung tapos na yung time ni sir, pumasok na ko.. phew! Tsktsk!
"Gurl! Anyare? Anong oras ka ba natulog??"-Diana
"Eh kasi... ewan ko din eh." Dumating na yung second teacher namin kaya natahimik na kami... science na haaay.. sana thursday nalang para P.E nalang...
"Get 1/2 sheet of paper. Number it 1 to 10" -mrs. Paragas.
Naku po!!! Test na namin!! Azuuurr!! Papasa ba ko? Aiissh!Sinimulan na ni mam yung question. Hala.. nikakabahan ako!
Maya maya lang, check na daw yung papers... Crap. 5/10 score ko, shemmmaaaaayy!!! Kinuha ni mam yung scores, 10 yung mag iintervention kasama ako. :( haays.. sila Marian nakapasa eh."Buti pa kayo.."-Me
"Okay lang yan Clarizza, galingan mo nalang sa susunod"-Andrea
Bakit kasi napaka bobo ko?!! Aiish! Inis! Ikakain ko to!
-breaktime-Umorder ako ng fries, red velvet cake, burger, Shake, siomai, C2, donut, piattos, nova. Para may lakas ako mamaya! Baka mamayat pa ko eh.
"Hi Clarizza, Pwedeng makishare ng table?" Omg. Yung mga hunks! Kyaaah!!
"Yes, sure. Why not??"-Diana.
Wait.. i smell something fishy.. ngiting ngiti tong mga babaeng ito! Habang ako, tahimik at kumakain!
Habang ang saya saya ko kumain.."Clarizza! Ang cute nun oh? Tignan mo..." sabay turo ni JL sa kabilang side. Ako naman, tumingin! Tas pagtingin ko kumagat siya sa burger ko! Tsk! Kainis!! Pero, enebeee! Kumagat siya! Ay ano bayan... erase erase!!! Gumanti naman ako sakanya at kumagat din sa burger niya! Ha! Kala niya ah! Bumawi naman siya agad at kinuha yung fries ko. Ugh! Favorite ko yan ehh!! Kumuha ako sa cake niya. Isusubo ko na sana kaso dumating si Sophia
"Gross. JL, bakit ba pang commoner kumain yung gf mo? nagbreak lang tayo, bumaba na yung standards mo. Haay, malaking kawalan talaga ko nuh babe? Alam kong babalik ka din sakin pag nagsawa ka na sa babaeng yan. So, bye for now babe." Bago siya umalis, hinalikan niya si JL. Haays ano bang pinapalabas niya? Anong sinasabi niyang babalik si JL sakanya pag nagsawa na siya sakin? Eh hindi naman kami eh! -_- saktong nagbell at nauna na 'kong umalis. Ewan, nakaramdam ako ng inis!
Nakinig nalang ako sa mga lessons kahit walang pumasok ni isa! Haay ewan! Bakit?? Ano bang problema ni Sophie sakin?! Eh imposible namang maging kami ni JL eh! Ano bang sinasabi ng bruhang yun?! Nakakainis naman...
"Ms. Valdicañez? Are you listening??"
"Uhmm.. yes mam" haay! Ano bayan? Ano bang pake ko? Tsk! Kailangan ko ng stress reliever!!
-uwian-Gusto ko pumuntang mall, manood ng barbie or kahit saan, para mawala yung dinadamdam ko! Ugh.
-bahay-"I'M GONNA SWING.... FROM THE CHANDELIER!! FROM THE CHANDELIER??!! I'M GONNA FLY LIKE A BIRD THROUGH THE NIGHT, FEEL MY TEARS AS IT DRY.. 123 123 DRINK .." Kumanta ako ng kumanta ng pasigaw para malabasan ng negavibes ang katawan ko. Kahit mali ang lyrics, gusto kong kumanta ng kumanta!!
"SO IT'S GONNA BE FOREVER OR IT'S GOING DOWN TO FLAMES? YOU CAN TELL ME WHEN ITS MAKE OVER? IF THE HIGH WAS WAS WORTH THE PAIN. GONNA LONG LIST STARBUCKS LOVERS TO THINK THAT I'M INSANE...." Woooh!!! Wala akong pake kahit mali lyrics ko! Pampa goodvibes!!!!!!!
Nasira ang pagkanta ko dahil may kumatok .
"Bunso, si JL andito. Baba ka, hanap ka niya eh." -mami.Dali dali akong bumaba.
"Galing mo pala kumanta? " ayy! Ahihihihi! Enebe! XD
"Ay hindi naman.. uhm. Bakit ka andito? " di siya makatingin ng straight sakin.. baket?!"Uhmm.. wala eh. Gusto ko bumawi sayo, kasi yung sa sinabi ni Sophia kanina. Ako na humihingi ng sorry... " ayun..
"Tara? Mall tayo?" OMG!! For real? Dinga???
"Uhmm.. sige, okay sakin yun ^__^" Bumalik ako sa kwarto ko para magprepare. OMG. Moment of truth!! Bumaba na ko. Ang suot ko naman ngayon ay skinny jeans na brown tapos t-shirt na skyblue na may nakalagay na rainbow at 'happy day' oh diba! Saktong sakto sa okasyon! Tapos naka pony ako namay heart na design tapos dollshoes na lightblue. Ang cute cute ko ulet!"Bagay sayo yung color and designs. Ang cute :)" yiiiee!! Cute ulit? Hihihi!
"Thank you :) lets go?" This time, kotse namin ang ginamit at driver ang nagdrive. Magkatabi kami sa likuran.
"San mo ba una gusto pumunta?" -JL
"Uhmm.. sa ano, kahit saan nalang.. okay lang. :) "-me
"Ahh.. sa arcade?" - jL
Luh??! Parang nung kay Jake lang to ah? Tss...
First stop. Yung Racing..
2nd- zombies
3rd- yung may teddy bear na kukuhaan? Yung parang machine? Diko alam tawag dun eh. Nung kinuha na nung kamay nung machine yung isang stuff toy, binigay sakin ni JL. Hihihihi! ang cute! Minion! Hahahaa!Nakita niya rin yung photoboot kaya pinilit niya ko dun. Kung ano anong itsura namin! Hahaha! Kaso, walang hug!.. :( chor!
Tapos food court! Nagutom na kasi ako eh! Kumain kami ng shawarma, doughnuts, fries, softdrinks, pizza, shanghai. Ang saraaaap!! Eh syempre ako matakaw kumain? Nadumihan yung gilid ng labi ko tapos pinunasan niya using his soft thumb! Nakakahiya naman! Tsk! Pero okay lang... xD sunod nun, nanood kami ng Sine! 3D dre! Hahaha! Natuwa naman ako kasi naisipan niya tong gawin... sana maulit to.-----
--------+-+++-++
AYIIE! yung punas labi part! xDVote and comment! Share nio na din!! Thank youuuuuuuu!! ♥♥♡♡
BINABASA MO ANG
Fated to love you
Teen FictionSi Clarizza ay isang Highschool student na may lihim na pagtingin sa hunk,famous,smart ,athlete at handsome na si JL. dadating ba si JL sa buhay nya? o may lalaking nakatakda para sakanya?