Jake's POV
Ang arte na niya ah! Grabe lang! Tsk! Porke't mas naging cute at gumanda na siya, suplada na!
Nadulas pa tuloy ako kanina! Sinabi ko pang pinuntahan ko siya at gusto ko siyang bisitahin. Hay! Pag ang puso na talaga ang nagsalita, di mo na mababawi pa!
Andito ako sa balcony ng kwarto ko, hawak hawak ang phone ko at nagbabakasakaling itext ako ni chingching oh kaya'y maisipan kong itext siya. Kaso wala eh! Mga kaibigan ko lang at classmates ang nagtetext!
*dude? Bar?* This time, napagisip isip kong sumakay sa trip ng pagaaya ng kaibigan ko.
*Sure pre, Text mo sakin kung saan* sinend na niya sakin at umalis na ko ng bahay.
Pati pag da-drive ko, naapektuhan sa sobrang pagiisip ko kay Clarizza! Muntik ko pa tuloy masagasaan yung aso! Tsk! Naalala ko tuloy nung una kaming magkakilala ni Chingching. Ganto din yung nangyari eh! Kaso, hindi aso kundi ako talaga ang muntik na mabangga. Walang wala ako sa sarili ko nun dahil nakipagbreak ang first gf ko sakin! Dahil sa walang kwentang dahilan! Hindi pa nga alam nila mommy yun eh. Pero nung nalaman naman nila, ayos lang daw. Pero sa susunod sabihin ko na daw agad agad.
Nakarating na ko sa bar at sinalubong ni Paul, Kyle, at Joseph.
Pumasok na kami at umorder lang ako ng wine.
"Pre, mukang problemado ka?" -Paul
"Oo nga pre. Kwento mo, baka matulungan ka namin"-Joseph
"Masakit pre eh.." sabay arte kong humawak sa dibdib ko.
"Tsk. Tsk mahirap yan tol!" -Kyle
"Sino ba 'yan tol? Baka, parang yung ex mo lang yan ah? " -Joseph
"Hindi pre. Ibang iba to sakanya! Pero ang sakit lang. I fell inlove with the girl who can't love me back and doesn't know that I'm inlove with her" sabi ko ng may pagkadismaya sa tono ng boses ko.
"Lam mo pre, madalas talagang ganyan.. hindi tayo kayang mahalin ng taong gusto natin. It's either may iba yung gusto natin o hindi talaga siya ang nakatakda satin" Si Joseph ang madalas na magbigay ng payo saming magkakaibigan dahil madami na siyang naging girlfriend.
"Pre, sinabi mo na ba sakanya? Baka naman kasi hindi pa, kaya hindi din siya nagpaparamdam ng nararamdaman niya.." First time kong makarinig ng payo galing kay Kyle, dahil hindi naman siya madalas magbigay ng payo eh!
"Hindi pa eh... natotorpe ako. Baka kasi isipin niya, di ko siya seryosohin! Madalas kasing inaasar ko yun eh"
"Ayun naman pala eh! Kung ako sayo pre, sasabihin ko na yung nararamdaman ko sa babaeng yun! Ikaw din tol, baka maunahan ka ng iba.." oo nga naman.. iba na siya ngayon at may posibilidad naring maunahan ako!
"Sige tol, magtatapat na ko sakanya." Tsaka uminom ng wine.
--bahay-
Umuwi na ko dahil masyado na akong naiingayan sa bar. Kaya ko ba talagang sabihin?
O baka urong sulong ?
Haayys! Bakit?! Bakit kasi kailangang mahulog tayo sa taong hindi tayo kayang saluhin?! Naduduwag ako sa sarili ko sa totoo lang.
"Jake, malapit na ang birthday ng tita Reb mo. I hope you're not busy sa dates na yun."
"Ayoko sumama" matabang na sabi ko kay mama.
Umupo siya sa tabi ko.
"C'mon. Wag kang KJ anak Please? Bakit kasi hindi mo aminin kay Clarizza na gusto mo siya? There's nothing wrong with that." Kailan pa naging manghuhula si mama??

BINABASA MO ANG
Fated to love you
Teen FictionSi Clarizza ay isang Highschool student na may lihim na pagtingin sa hunk,famous,smart ,athlete at handsome na si JL. dadating ba si JL sa buhay nya? o may lalaking nakatakda para sakanya?