Jake's P.O.V
"So-sorry" sabi nung babaeng nakabangga sakin.
Mag sosorry na sana ako, kaso hindi ko maiwasang hindi siya usisain. Ewan, parang kilala ko eh. Tatanungin ko palang sana siya kaso biglang tumakbo... I know that I know her. Her face looks so, so familiar..Ewan! Oorder nalang ako.
Nagsimula nakong maglakad ng may nakita akong cellphone? Sa sahig. Sa babae ata to eh! Bibigay ko nalang paglabas niya, alangan naman kasing puntahan ko siya sa CR edi bastusin ang labas ko nun?
After 5mins.
Ayun! Lumabas na din siya! Natataranta lang? Tss..
Nung malapit na ko sa table nung mga friends niya ata? Ayun, kumaripas ng takbo. Problema nun? Tinatakbuhan niya ang kagwuapuhan ko? Tss..
"Miss. Is this yours?" Tanong ko sakanya while looking straight sa mga mata niya
" Thanks. That's mine" sagot nung babae at nagpipipindot na sa cellphone niya. She really looks so familiar. This time kakapalan ko na ang muka ko.
" Nagkakilala na ba tayo?" Tanong ko sakanya kaso hindi niya ko pinansin. So ako naman si asa! Hinintay ang isasagot niya.
After 3mins. May dumating na sasakyan at tumapat samin. Tingin ko, ayun yung sundo niya. Bago siya pumasok sa kotse...
Sumagot na din siya.
"Yes, magkakilala tayo. By the way, I'm Clarizza Valdicañez. Pleased to meet you Mr. Robbins" WHAT?!!
Dinga?
-bahay-
Baka Joke time?! Tss.. siya yun? like, W O W! mas gumanda siya at nadagdagan ang pagiging cute nya! Tawagan ko kaya? Tss.. dina, wag na. Baka isipin nun, nagparamdam lang ako ngayon kasi sexy na siya...
Oo, simula kasi nung sinabihan ko siyang namimiss ko siya, todo iwas nako. Eh kasi, baka pag umamin ako na gusto ko siya baka isipin niya jino-joke time ko siya! Baka isipin pa niya, na paglalaruan ko lang siya. Kasi actually, hindi siya yung tipong gugustuhin mo. I mean, siya yung babaeng ayaw i girlfriend dahil sa chubby siya. Baka ganun kasi isipin niya pag umamin ako..
Simula palang nung bata kami lagi ko na yang nakikita sa office ng daddy niya. Ang cute cute niya nga eh! Chubby, rosy cheeks, morena tsaka laging nakangiti! Kaso, nakakatorpe! Kaya, naghintay ako. pag tamang edad na namin atsaka ko sasabihin sakanya na gusto ko siya! Ngayon, dumating na yung tamang oras at edad namin. Na maiintindihan na niya yung mga confessions ko. Kaso, alam kong iba yung iisipin niya... kaya simula nung sinabi kong namimiss ko na siya, lumayo nalang ako kasi baka hindi pa siya handa sa sasabihin ko...
Haaay.. sana talaga, di ko nalang sinabi! Edi sana close pa kami? :(
Papalipasin ko nalang muna..
-end of Pov-
------
Urghh!! Clarizza! Ang bobo mo! Sabing wag na kasi sumama eh! Parang timang ka talaga!
"Oo na magaling kong konsensya! Wag ka na manginis pa!"
Pabulyaw kong sabi sa sarili ko. haaaay! Kaazar! Mababaliw na ata ako eh! Jebal jebal! T_T (Jebal=help) Kung kailan naman nalimutan ko na yung lalaking yun tsaka siya papakita ulit?! Aist!
Sembreak na. Nakamiss pumasok! Hindi ko na tuloy nakikita sa bebe JL ko T_T stress reliever ko yun eh! HAHAHAHAHA! jkjk. Nakakamiss lang siya.. witwiw! XD matawagan nga...
Bilis sumagot ah?
"Uyy Clarizza! Kamusta na?" Awwww..
"Hi!! Okay lang ako, thank you for asking .. ikaw?"
"Okay lang din! Buti tumawag ka, amboring kasi eh. Wala kaming training ngayon.." sabi niya na may konting panghihinayang. Nga pala, ang sports niya ay soccer tsaka basketball! Ang hot niya pagpawis! HAHAHAHA!
"Ahh.. meron daw kayong laban next year?"
"Ahh.. oo. Kaso hindi na next year eh, iniba na. Next month ata or next next month? Punta ka ah? Para may inspiration ako. Hehehe" luh? Totoo ba 'to?
"Hahah! Insipiration talaga?"
"Hihi! Oo naman nuh! Isa ka kasi sa mga malapit kong kaibigan.."
O U C H kaibigan lang?
"Ahh.. Oo naman! Pupunta ako. Asahan mo 'ko dun! Hihihihi" pekwng tawa, jusko!
"Thank you! Oh pano? Andun ka ah?"
"O-oo naman! Uhmm sige, hang up ko na? May gagawin pa pala ako.. thanks sa time! Bye"
Kaibigan! Tss.. edi wow! -_-
Kaibigan lang pala? Jusko day! Wala lang pala yung sinabi niyang gf niya ko?! Wow naman! (See chapter9) tsaka yung pag alaga niya sakin? At yung pinagsamahan namin ng ilang months?!! Okay! HAHAHAHA! kakaimbyernalu ang mga nangyayari! -__-
Masama talaga umasa eh!
Anyways, Ilang months nalang pala prom na namin! Weeeeee! Naeexcite ako! HAHAHAHAHA! makatingin nga ng magandang isuot..
Ahh.. i think i've picked the perfect one! Yihiie!!
----
----------
Sorry na! Oo alam kong antagal ko mag UD. eh kasi naman, busy rin ako.. hihhihhihi!Pero, thanks sa support :) labyuuuuu!!!
BINABASA MO ANG
Fated to love you
Novela JuvenilSi Clarizza ay isang Highschool student na may lihim na pagtingin sa hunk,famous,smart ,athlete at handsome na si JL. dadating ba si JL sa buhay nya? o may lalaking nakatakda para sakanya?