CLARK'S POV
"Clark, bakit ayaw mong mag-aral na lang dito sa Thailand? Mas masaya kaya dito." Rinig kong maktol ni Saddie sa kabilang linya.
"Alam mo na siguro ang sagot ko dyan, Saddie. I'd rather be with my cousins here." I said. I heard her sigh loudly.
"I'll hang up. Mali-late na ako." Sabi ko at pinatay na ang tawag. Napabuntong hininga ako bago sumakay sa sasakyan namin. Hinatid ako ni Manong sa school namin. Hindi pa kasi ako pwedeng mag-drive kasi masyado pa daw akong bata sabi ni Daddy.
Nagpaalam lang ako kay Manong bago bumaba sa kotse. I was about to walk inside when I noticed that the lace on my shoe were not fixed. Yumuko ako at inayos ito pero bigla akong natigilan ng may biglang pumara na sasakyan sa aking harapan at bumaba ang isang chubby na babae.
Nagkatinginan kaming dalawa at napansin ko agad ang kakaibang kulay ng mga mata nya. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ng bigla bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mga mata nya.
Ngumiti sya sa akin bago umiwas ng tingin at naglakad na pero bigla syang nadapa. Tumayo ako at tutulungan sana sya pero biglang lumabas sa sasakyan ang driver nila. Tinulungan sya nitong tumayo.
"Ayos lang po ako, Manong Bert. Wag na po kayong mag-alala." Malambing na sabi nito bago ngumiti sa matanda. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti.
Napatingin ulit sya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at naglakad na papasok ng school. Ano kayang pangalan nya?
*-*-*-*-*-*-*-
Leckzy Wegner Delgado. Isa pala syang Delgado. Isa sa pinakamayamang negosyate dito sa Pilipinas.
Simulan nung nakita ko sya sa parking lot ay lagi ko na syang sinusundan at tinitignan sa malayo. Hindi lang ako asyadong nagpapahalata. Kapag ngumingiti o tumitingin sya sa akin ay nagkukunwari ako na parang hindi ko sya nakikita o hindi sya nagi-exist. Inaamin ko na torpe akong tao. Ni isa ay wala pa akong nililigawan na babae.
May mga time na gustong gusto ko syang kausapin pero nahihiya ako dahil lagi nyang kasama ang mga kaibigan nya. Kaya hangga't nagiipon pa ako ng kapal ng mukha para kausapin sya ay tinitignan ko na lang sya sa malayo. Hanggang dun pa lang kasi ang kaya kong gawin.
*-*-*-*-*-*-*
Pasukan na naman at malapit na kaming mag-graduate at sa tatlong taon na nagdaan ay ni hindi ko man lang sya nakausap. Kung hindi pa ako kikilos baka hindi ko na sya makuha.
Dumating na Ang sundo ko at papasok na sana ako sa kotse ng mapansin ko si Leckzy na naka-upo sa waiting area. Mag-isa lang sya. Wala ba syang sundo? Pumasok ako sa kotse at nagsuot ng black cap, face mask, at black jacket.
"Manong, do you have any perfume?" Tanong ko sa driver namin. Nakalimutan ko kasi ang pabango ko sa bahay. Ayoko namang mangamoy mabaho kay Leckzy.
"Meron po ako dito, Sir. Hindi nga lang po imported yan." Sabi nito at mahinang tumawa. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Manong naman, okay lang po sa akin yan." Sabi ko at kinuha sa kamay nya ang pabango. Nag-spray ako sa aking damit bago nagpaalam sa kanya.
"Sir, sandali po. Baka magkasakit po kayo." Sabi ni Manong. Nag-thumbs up lang ako sa kanya bago nag-mamadaling maglakad papalapit kay Leckzy. Hihintayin ko lang na dumating ang sundo nya bago ako aalis.
Umupo ako sa tabi nya at nahalata ko ang pag-tingin tingin nya sa akin. Pinigilan ko ang pagtawa ng mapansin ko na inaamoy-amoy nya ako. Ibang klase ka talaga, Leckzy.
Mga ilang minuto lang din ay napansin ko na yumuko sya bago pinaglaruan ang kanyang mga daliri. At napakunot na lang din ako ng marinig ko ang pagkulo ng tyan nya. Asan na ba kasi ang sundo nya? Mukhang gutom na sya. Tsk!
BINABASA MO ANG
The Reneged Promises (COMPLETED)
Teen FictionOld title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It is not inscribed on stone, because stone is breakable. But it is etched on a heart of a people who lo...