Chapter 1: New Day, New Arlie, New Friend

68 3 0
                                    

Wag nyo po isipin na dahil si Dara ang nasa previous multimedia eh sya na ang bida sa story na ituu!..dyan kayo nagkakamali. Di ba pedeng na miss ko lang si Sandy kaya ganun. SCQ days palang IDOL ko na sya noh! Sobrang Nice and Simple nya kasi!

Actually IKAW, Opo! ikaw!! oo nga, ikaw nga na reader nito ang bida DITO! Ikaw ay si ARLIE.....ayaw mo? Choosy ka pa? aba, pagkakataon mo na to, lalo na kung Suho bias ka. Kaya NAMNAMIN mo na, isa puso at isa isip ang pagkatao ni Arlie...

(^_^)

Happy Reading mga bebe!

Dedicated this chapter for suzybaechu.. ang tunay na Christine!

_____________________________________________

[Arlie POV]

"Arlie, GISING NAAHH!"

'ingay naman....antok pa ako' -isip ko

"MALILATE KA NA PAGPASOK" - dagdag pa. Serena lang ng bumbero ang peg ng boses sa lakas

(O___O) Hala ka

Biglang akong napabalikwas ng tayo. Nagising kaluluwa ko dun...di dahil sa sigaw ni mama mula sa labas ng bahay kundi dahil sa.....

O MY G! First day of my college year nga pala ngayon!

KYYYAAAAHHH!!!.... This is it Pansit! Finally College na ako! woohhhh!!

Wait lang, college? Kaya ko ba to. Marami kasing nagsasabi na college is so different from high school, kasi kung sa high school eh puro kulitan at petiks lang, when you go to college dyan mo kaylangan magseryoso sa studies and sa buhay, eto na kasi ang time kung saan hinahanda tayo para sa magiging future career natin.

Teka kanina pa ako dada ng dada ditodi pa pala ako formally nagpapakilala. Ako nga pala si Arlie Shane Canlas, 16, a jolly, friendly, madaldal(halata ba? diba hindi naman),. Magaling Ako magluto kasi magaling din akong kumain. Kalahati ng kita ko sa mga raket ko napupunta lang sa pagkain.

Apat nga pala kaming magakakapatid. ako ang bunso at Unica iha ng pamilya. Yung ma kuya ko, ayun may kanya kanyang pamilya na. Dito kami nakatira sa tabi ng reles sa Blumentritt, kala nyo mayaman ako noh...no! no! no!, pero di ko kinakahiya ng estado ko, I,m proud to be mahirap pero may dignidad. I believe that poverty is not a hindrance to pursue my dreams, instead ito ang inspirasyon ko para magsumikap na iaangat ang kalagayan namin.

"Aga- aga mo naman ngumawa ma!" sabi ko habang papuntang sala/kusina namin. Tanaw ko si mama sa labas na naglalaba.

"Oh diba nagising ka! EFFECTIVE!" pabalang na sambit ni mama.

Keber...makitimpla na nga lng ng kape.

'nagising nga ako ,kaso pati kapitbahay nagising din'- daldal ko sa isip lang *le pout

Ganto po talaga kami mag'usap ni mama, parang friendship lang ang peg, pero syempre with limitation and respect parin.

"kala ko ba excited ka pumasok. Bakit di ka gumising ng maaga?" sermon nya sabay dungaw sakin mula sa labas.

"......."

"Tulala ka dyan! Seryoso ka ba na papasok ka ngayon ha? Ano ba iniisip mo?"

"Eh.... ma, ang totoo kinakabahan ako... pano kung di nila tanggap ang tulad ko dun." - litanya ko na sinabayan ng buntong hininga.

Kasi naman, hindi lang pipitsuging school ang papasukan ko. Isa sa malaki at kilalang school sa bansa ang Flins Jones University at puro mayayaman ang nag-aaral, at swerte ako dahil nakakuha ako ng full scholarship sa University na yun, buti nalang talaga at mataba ang utak ko, may benefit talaga ang pagkain ng marami. Kung may kasabihan na ' A way to a mans heart is through his stomach '. Ako naman naniniwala na ' My stomach is happy when it's full ' happy tummy, happy me mas wiser pa brain cell ko, kaya bakit pa ako hahanap ng lalaki para pakainin diba. Ako nalang ang kakain.

My Immortal Love(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon