Athena's Point Of View:
Buong gabi akong nasa hospital dahil kailangan kong bantayan si Joy, hindi ko alam na mangyayari na naman ang isa sa mga ayaw ko. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay tita ang nangyari kay Joy dahil ayokong magalit si tita, nag-iisa lang si Joy kaya naman nangako ako kay tita na hindi ko hahayaan si Joy. Alam kong isang tao lang ang pwedeng gumawa nito dahil isang tao lang naman ang may galit sa amin.
Pinagmasdan ko si Joy na ngayon ay tulog pa rin. Hinawakan ko ang kamay niya at agad nangilid ang luha sa mga mata ko, ayaw na ayaw ko sa lahat ay nasasaktan si Joy ng dahil sa akin. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang kahoy sa gilid ko, 'yun kasi ang nakita namin na nasa tabi niya at naalala ko na badminton player si Stephanie kaya possible na s'ya ang may gawa nun.
"Athena, nandito si principal." Napatingin ako kay Rina at agad na tumango.
Tinignan ko muna si Joy at mabilis na lumabas ngunit agad akong natigilan nang makita si Bruce, ang daddy ni Victoria na nakatingin sa akin. Tinignan ko ang likod at ang entrance ngunit mag-isa lamang s'ya.
"How is she?" tanong ni Mr. Sandoval na agad ko rin namang sinagot. "Paano nangyari ang bagay na ito?"
"Actually hindi ko rin alam..." kalmado na sagot ko. "15 minutes after, nakita na lang namin si Joy na walang malay at ang kanyang damit...puro dugo."
Pinag-usapan namin ang tungkol sa nangyari at nagtataka pa rin talaga ako kung bakit nandito si Bruce. Pagkatapos naming mag-usap ay agad akong lumabas para pumunta sa kotse, nandoon agad si Bruce na kalmado ang mukha ngunit alam kong marami s'yang tanong.
"Emperor told me to visit you here and I didn't expect that you're in trouble again," aniya at tinignan ako sa mga mata.
"I didn't know everything..." sagot ko. "Ang alam ko lang ay walang malay si Joy."
He sighed at agad na sinabi sa driver kung saan kami pupunta. Nakita ko rin ang dalawang kotse sa likod na sa tingin ko ay mga tao niya, hindi lumalabas ang mga Buenaventura kung wala ang mga guards dahil 'yun ang utos ng empire. Nakarating kami sa isang restaurant kaya agad akong bumaba, nakasuot pa rin ako ng uniform kaya naman nakakahiya ang dating ko at wala na naman ang angas ko.
"Can you get to the point?" iritadong tanong ko dahil kanina pa talaga ako naghihintay sa sasabihin niya.
He chuckled. "Easy, lady empire. Actually, I want to talk to you because the empire missed you and the empress wants to talk to you too."
Ang Empress. Isa sa mga Villacorta ang empress at malapit ako sa kanya na lahat ng ginagawa ko ay alam niya, isa s'ya sa mga lola ko kaya naman may dugo akong Buenaventura dahil mag kapatid ang emperor at ang asawa ni empress, masyadong magulo right? Si Emperor kasi ay dalawa ang dala na surname dahil sa mga magulang niya at ngayon lang nalaman ni emperor na may kapatid pala s'ya sa tatay kaya naman nag-usap ang dalawa.
"Empress wants to see you and she need to tell you important things about the empire," aniya habang hinihintay namin ang mga pagkain.
"I told you before that I don't want to involve myself in the empire again," ani ko at napatingin naman s'ya sa akin. "Matagal ko ng kinalimutan ang responsibilidad ko bilang empire Lady. Matagal ko ng sinabi sa sarili ko na hindi ako kailanman magiging empress."
"But that's on the prophecy." Natigilan ako at napatingin sa kanya, seryoso na ang mga mata niya. "You're the chosen one, Athena. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi ka pwedeng maging empress dahil 'yan ang nakasulat sa kasunduan ng daddy mo at ng empire na kapag dumating ang tamang edad, babalik ka sa empire sa ayaw at sa gusto mo."
BINABASA MO ANG
Empire Series 1: The Long Lost Empress
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC Athena Louise Dizon, an agent and Queen of Assassins She loved to kill people, and she never knew what she was doing because of the demon inside her. To make sure that her friends were safe and sound, she distanced herself, but...