Chapter 29

3.9K 108 30
                                    

ALL STAR GAME

Kiro's Point Of View:

Maaga pa lang ay gising na ako at hindi maganda ang pakiramdam ko. Napasinghap ako nang maramdaman na parang may kung ano sa aking tiyan ko kaya mabilis akong tumakbo papunta sa banyo. I closed my eyes and I felt like I'm dying dahil sa nararamdaman ko pero kailangan kong maglaro para manalo ang aming school, instead of wasting time here in the bathroom I immediately took a bath. 

Sinuot ko ang black uniform namin dahil kailangan namin pumunta sa school ng mas maaga. Mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at agad na dinala ang gamot para sa sakit ng ulo. Huminga ako nang malalim at naisip ang pinag-usapan namin ni Athena kagabi, napangiti ako dahil pumayag s'yang mag date kaming dalawa. Mabilis akong nakarating sa school at nandoon na nga ang bus for players kasama ang iba pang students ng school.

"Bro, you okay? You look pale," ani ni Charlie at tinignan naman ako nila Jordan. 

"Tss. I'm good. Nasaan na ba ang mga kasama? May short briefing pa ba?" tanong ko.

"Wala na daw since maaga ang laro sa ibang school," ani ni Austin. 

Marami ng estudyante ang dumating pero isang tao lang ang hinahanap ko at nang sa wakas ay nakita ko na s'ya ay napangiti ako ng maliit. Pupuntahan ko sana s'ya ngunit masyadong maraming tao dahil na rin sa masama ang pakiramdam ko ay hindi na rin ako naglakad papunta sa kanya.

"Babe!" Si Stephanie sa malakas na boses at hinila ako papunta sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makita si Athena na naglalakad papunta sa akin ngunit huminto s'ya at tinignan si Stephanie. 

"Athena, move!" Napatingin ako kay Alexander nang hawakan niya ang kamay ni Athena na nakatingin pa rin sa akin. 

I was about to smile but she moved away and nod her head to Alexander. My jaw clenched and sighed. Marami na ring estudyante at nakita ko na sina lolo at ang iba pang coach kaya naman agad kaming umayos, lalo na ako. Huminga ako nang malalim at mas lalong niyakap ang sarili dahil hindi ko talaga kaya ang sakit ng katawan ko. 

"Are you okay?" nag-aalala na tanong ni Stephanie. "Oh, my God! You're sick."

I avoided my face and shook my head. "Mawawala rin 'to mamaya. Shut up please, I need peace."

Hindi na rin s'ya nagsalita kaya naman pumikit ako nang mariin at agad na tinignan si coach na nagsasalita sa unahan. 

"It's the third day of the all-star game, so he urged everyone to work hard and be patient. There are many schools that want to win the championship, so I want you to organize the game better," he said. "I know the game is hot when it gets on the court. Let's do this boys. I also want you to prevent fouls and traveling, especially for basketball players." 

Nakarating kami sa isang university malapit dito sa Laguna. Mabilis na lumabas ang mga estudyante habang ako ay hawak ni Stephanie sa braso, hindi na ako nagsalita at hinayaan s'ya dahil mukha s'yang nag-aalala. Tinignan ko si Athena na kasama sina Rina kaya hindi na rin ako nagsalita pa. 

"I'm okay, Steph. Mawawala rin 'to mamaya," iritadong sambit ko. 

"Are you serious? You can't play in that situation! You better excuse yourself and rest. I will call Kayleigh about this," sagot niya sa galit na boses. 

"Don't..." ani ko at tinignan s'ya. "Don't ruin my mood, Steph."

Umalis ako sa harapan niya at mabilis na pumunta sa gym. Naglakad ako at muntik na akong mahulog ng may dalawang kamay ang humawak sa kamay at braso ko, napatingin ako doon at nakita si Athena. Seryoso ang mga tingin niya at agad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil malamang sa malamang ay alam niya na ang sitwasyon ko ngayon. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon