Athena's Point of View:
Naglakad ako papunta sa kusina at agad kumuha ng tray. Lahat ng makikita mo dito ay ginto na maski ang mga plato, kutsara, tinidor, at mga baso ay ginto. Bahay de palasyo ang tawag sa bahay namin dito sa Spain at lahat ng tao dito ay sa amin kumukuha ng mga prutas at gulay dahil mahilig ang asawa ng Chairman na magtanim at magbenta ng mga pagkain. Did he say sorry? At ano naman ngayon? Lalambot na ba ako sa sorry niya? Pakiramdam ko ay nanlambot ako sa mahinahon niyang boses.
Napailing ako. Hindi kailanman mababago ang desisyon ko. Lalayuan ko silang lahat nang sa ganun ay maging ligtas sila. Wala akong gusto kundi ang katahimikan, katahimikan na makapag plano nang maayos at makapag isip ng mga possible na gawin para matapos na.
"Saan mo dadalhin 'yan?" tanong ni daddy nang makita ako.
"Kay Kiro," maikling sagot ko.
Nagtaas s'ya ng kilay at uminom ng kape sa kanyang baso. "Has the child been mentioned to him? What do you suppose the judges will find against you if they decide to throw you away?"
Natigilan ako at napatingin sa kanya. "Hindi ko pa sinasabi sa kanya. Tsaka na siguro kapag trip ko ng sabihin dahil sa ngayon, hindi kami maayos. I have a lot of things to finish and to solve."
Tumango s'ya at hindi na rin nagsalita kaya agad akong naglakad paalis. Pumunta ako a kwarto at naabutan ko si Kiro na nakatingin sa labas, sa veranda. Pinagmasdan ko s'ya at nakitang mas lumaki ang katawan niya kapag nakatalikod. Nakatupi ang sleeve ng polo niya hanggang siko na nakikita ko ang mga braso niya ng punong-puno ng tattoo.
"Here's your food," sambit ko at nilagay sa side table ang pagkain.
"This place is beautiful," aniya at hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya.
The distance between us was wide since I knew he didn't want our bodies to touch, so I moved over and stood next to him. I consider my past experiences every time I'm at this place. I shall be required to begin training and have a daughter for the palace's future. I witnessed the battles between the kings and queens of the palaces as well as the battles between the various palaces themselves.
"Nagkaroon ng war dito noon. Away ng mga reyna at hari ng iba't ibang palasyo dahil gusto nilang makuha ang trono ng emperador ng Buenaventura. Paano, naging asawa ng emperor ang pinakamataas na reyna ng imperyo. Ang reyna ng pinagsisilbihan ng lahat at kinatatakutan ng lahat..." kwento ko kahit alam kong hindi naman s'ya nakikinig.
"Nasabi nga noon sa akin ni lolo na niligtas mo ang pamilya mo..." aniya.
Ngumisi ako. "Niligtas ko si Victoria nung pinagbubuntis niya si Alonzo. I keep them safe in order to fulfill my promise to the empire that no matter what happens, kahit pa malagay sa delikado ang buhay ko, kailangan ko silang iligtas."
"Bakit mo laging ginagawa ang bagay na 'yun? Kailangan bang mamatay ka muna bago nila ma-realize na hindi mo dapat ginagawa ang bagay na 'yun? Do you want to die?" nagtataka ng tanong niya. Tuluyan na s'yang napatingin sa akin.
Ngumisi ako at pinagmasdan ang mga puno sa paligid. Noon, gustong gusto ko ng tapusin ang buhay ko. Walang kulay ang buhay ko, punong-puno ng trahedya, punong-puno ng sakit at galit, at higit sa lahat walang rason para mabuhay ako ngunit nang makilala ko si Kiro, nagbago lahat ng 'yun.
I sighed. "Dahil 'yun ang nasa prophecy. Isa sa member ng pamilya ang kailangan mag buwis ng buhay para sa pamilya nila at dahil ako ang nag-iisang babae, nilagay nila lahat sa balikat ko. Walang rason, kulay, at gamit ang buhay ko noon kaya pumayag ako dahil pakiramdam ko...maging tahimik lang ang kaluluwa ko kapag nalagay na sa tahimik ang buhay ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/309110261-288-k912724.jpg)
BINABASA MO ANG
Empire Series 1: The Long Lost Empress
RomantizmPUBLISHED UNDER IMMAC Athena Louise Dizon, an agent and Queen of Assassins She loved to kill people, and she never knew what she was doing because of the demon inside her. To make sure that her friends were safe and sound, she distanced herself, but...