Chapter 37

4.1K 109 31
                                    

Kiro's Point Of View:

Ilang araw simula ng mangyari ang gulo sa pagitan namin nila Jaguar at Nixon at simula noon, hindi ko na rin nakita si Athena at hindi ko alam kung nasaan s'ya at anong ginagawa niya. Iniwan niya ako sa room namin at wala man lang letter na binigay sa akin kung nasaan s'ya at kung ano ang dahilan kung bakit s'ya umalis. Wala akong ideya kung bakit at ano ang kanyang dahilan kung bakit niya ako iniwan at ganun rin sila Rina at Sky, hindi rin alam kung nasaan s'ya. 

Buong araw akong tulala at hindi mapakali dahil wala si Athena. Naiinis na ako dahil kahit anong tanong ko kila Rina ay wala akong makuha na tamang sagot, palagi nilang sinasabi na hindi nila alam at wala silang clue kung nasaan s'ya. Tinignan ko ang palad ko at parang nung nakaraan lang ay hawak ito ni Athena habang nasa tabi ko s'ya, gusto ko na tuloy mag break time dahil gusto kong kausapin si Rina. 

"Kailangan niyo ng tapusin ang lahat ng research paper niyo dahil malapit na kayong mag-college at malapit na rin ang totoong survival." 

Ilang araw o linggo na lang ay college na ako at matutupad ko na rin ang gusto ko, ang maging isang CEO slash soldier. Gustong gusto kong maging katulad ng mga Villacorta dahil gusto ko rin ma-experience ang magkaroon ng sariling team. Gusto ko rin na maging maayos ang business namin nila daddy dahil mukhang kasal na ni kuya sa anak ng Villacorta. Gusto rin ng chairman na maging katulad ako nila ate ngunit ayoko dahil gusto kong maging sundalo. 

"Nahanap mo na ba si Athena?" tanong ni Austin na abala sa kanyang ballpen. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya kaya bumuntong hininga s'ya. "Masyado s'yang mysterious kaya naman kung minsan ay hindi natin mabasa ang mga tumatakbo sa isip niya. Baka naman abala lang 'yung tao."

"Sinubukan kong tanungin si Joy pero masyado s'yang iwas sa topic na 'yun," sambit naman ni Charlie.

I let out a deep sigh. I don't know what to do anymore because even me, I don't know what is in her mind. What's her plan, what's her thought, and what's her problem. Minsan gusto kong magtanong ngunit hindi niya naman ako binibigyan ng tamang sagot dahil panay change topic s'ya. 

"Class dismissed. Don't forget all your requirements and exam next week." 

It was still fresh. Naalala ko pa ang nangyari nung nakaraan. Kung paano dumating ang mga Buenaventura at ang mga Villacorta para kay Athena. Kung paano nagalit ang emperador sa nangyari at sa marami pang revelations na nalaman naming lahat. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nangyari at ang mga nalaman ko, masyadong magulo ang pamilya nila. Pakiramdam nilang lahat ay naging mas magulo pa dahil dumating ang nag-iisang babae sa pamilya, 'yun ay si Athena. 

"Sila Rina." Napatingin naman ako sa canteen at nakita ko nga doon sila Rina na mukhang nagtatawanan pa. Parang walang problema at parang hindi nawawala si Athena. 

"Kiro!" si Matthias sa malakas na boses at akmang hahawakan niya ang braso ko ng mabilis akong naglakad. 

Galit at iritado kong tinignan sila Rina at mabilis na natapon ang mga pagkain sa kanilang lamesa. Gulat silang napatingin sa akin. 

"Nasaan si Athena?" nagpipigil kong galit na tanong. "Sabihin niyo sa akin kung nasaan si Athena."

Seryoso akong tinignan ni Rina. "Hindi namin alam."

Galit kong sinipa ang upuan at napasinghap silang lahat. "Tang ina naman! Ilang araw na akong naghihintay at Ilang araw na akong nagtatanong sa inyo!"

"Dahil hindi nga namin alam!" si Joy sa malakas na boses. "Kung alam lang namin ay sana sinabi na namin sa 'yo. Kaibigan kami ni Athena pero hindi ibig sabihin nun ay alam namin ang lahat ng ginagawa niya!"

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon