Chapter 24

4.5K 130 29
                                    

Kiro's Point Of View: 

Huminga ako ng malalim at agad na tinignan si Athena na inaasikaso ang mga Buenaventura dahil hindi rin namin inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko nga rin alam kung bakit pa ako sumunod pero nag-aalala ako na baka may hindi mangyari na maganda. Nagtataka rin ako kung bakit laaging si Athena ang target nila. May ginawa ba s'ya sa mga taong 'yun? Ano ba ang kailangan nila sa pamilya niya na halos patayin na nila si Athena. 

Sumandal ako sa kotse ko at agad na tinignan sina Athena. Matapos niyang ihatid ang kanyang pamilya ay agad niya akong tinignan at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at napalunok ako dahil iba na naman ang nararamdaman ko sa tuwing hinahawakan niya ako o tinitignan. 

"Salamat. . ." mahinang sambit niya at maliit na ngumiti kaya mas lalong nagwala ang mga paru-paro sa aking tiyan. 

"Uh, I just follow my instinct." Hinawakan ko ang leeg ko at tinignan s'ya na nakatingin sa akin kaya medyo naging hindi ako komportable. "B-balik na tayo sa school?"

Nakahinga ako nang maluwag at agad na kaming bumalik sa school. Naging abala ang lahat sa mga modules na ibinigay ng mga teachers kaya naman wala akong ginawa kundi ang sumagot dahil ayaw kong marami akong ginagawa during our training. Tumigil ako at napaisip na naman, these past few days naalala ko na palaging may mga lalaking nasa labas. Hindi ko alam kung anong kailangan nila at ano ba ang pakay nila sa school. 

"Kanina ka pa tahimik," ani ni Austin. "Naging superhero ka na naman ha? Akala ko ba wala kang pakialam sa kanya kahit pa may hindi magandang nangyari sa kanya?"

"This is serious, bro. Kung nandoon ka lang kanila kahit ikaw ay magiging kabado dahil muntik ng masunog ang katawan ni Athena sa kotse," sagot ko at pinaglaruan ang ball pen ko. 

He sighed. "Ano naman ang balak mo sa isang gang na sumuntok kay Athena?"

Natigilan ako. Alam kasi nila ang gang na 'yun at sigurado ako na si Athena ang gagamitin nila laban sa 'kin. Hindi ako papayag na gamitin nila laban sa akin si Athena. 

"I'll hunt them," mariin na sagot ko at narinig ko naman ang pag ngiti niya kaya napailing ako at kinagat ang labi ko. 

Dumaan ang gabi at natapos na rin ang klase namin. Agad na pumunta si Jordan kay Claire kaya agad na rin kaming sumunod sa kanya, masyadong in love ang pinsan kong 'yun kay Claire at ilang taon na niya itong nililigawan. Pagdating namin doon ay nakita ko agad si Athena na abala sa kanyang desk at pansin ko rin na hindi pa rin s'ya na tayo kaya kumunot ang noo ko. 

"Naku! Si Athena na naman ang bida sa classroom namin paano ba naman kasi, na-late s'ya kanina at sinagot niya lahat ng teacher kaya sa last subject namin ay binigyan s'ya ng 100 exam," sambit ni Jay, ang bakla nilang president. 

"Bakit daw?" tanong ni Alexander. "Hindi naman siguro sasagutin ni Athena ang mga teacher kung walang nangyari na hindi niya gusto."

Tumaas ang kilay ko. Hindi ko nga alam kung bakit ba bida-bida ang isang 'to na akala mo naman ay boyfriend ni Athena. Gusto niya malaman na ako lang hinalikan ni Athena? Baka gusto niyang malaman na ilang beses na kaming nag halikan ni Athena? I smirked. 

"Anak ng—In love ka nga talaga!" I blinked when I heard Austin's voice. Tinignan ko s'ya na nakangisi na naman at nang-aasar ang tingin sa akin. "Sabi na nga ba na in denial ka lang! Gusto mo talaga si Athena, iba ang ngiti mo eh."

"Fuck you and shut up, will you?" iritadong tanong ko. "What took her so long? Matagal pa ba 'yan?"

We waited for almost 30 minutes until she finished her punishment exam. Huminga ako ng malalim at agad s'yang tinignan na kalmado ang mukha na para bang hindi dumaan sa exams. Maya maya lang ay naglalakad na kami pagkatapos s'yang kausapin ng teacher. Tinignan ko s'ya na naglakad habang abala sa kanyang cellphone na hindi niya alam na muntik na s'yang madapa. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon