Chapter 36

3.6K 85 7
                                    

Athena's Point Of View:

Paggising ko ay nandito na lahat ng tao sa room ko, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Tumingin ako sa paligid at kumunot ang noo ko nang may marinig akong ingay galing sa labas. Huminga ako ng malalim bago ako tumayo, napangiwi pa dahil sa sakit ng aking likod at katawan ngunit wala akong pakialam doon. Lumabas ako at nakita ang mga Buenaventura at ang empress kaya napalunok ako. 

"Ang sabi sa amin ay nagkaroon daw ng away ang mga bata malapit sa isang factory. Ani ng isang pulis ay nakita nila ang mga hindi kilalang tao at mga palaso sa lugar." Napalunok ako ng marinig ang boses ni daddy. "Masyadong bata ang mga 'yun at sa tingin ko ay hindi gagawa ng kung ano man si Athena kapag hindi nasali ang mga kapatid nya."

"Don't defend your daughter  here! Dapat na talagang pagsabihan 'yang si Athena, ang laki na ng gulong ginagawa niya para lang masira ang pamilya natin. Nag-iisip pa ba ang batang 'yan? Tignan mo at nadamay pa ang mga anak natin!" si Victoria sa iritadong boses. 

Tumikhim ako at lahat sila ay napatingin sa akin ngunit napatingin ako kay mama at nanlalaki ang mga mata niya. Pagkatapos ay agad s'yang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap kaya napangiwi ako. 

"Ano ka ba namang bata ka! Ano na naman itong gulong pinasok mo? Pinag-alala mo naman ako ng sobra, anak!" si mama sa naiinis na boses at pinagmasdan ang mukha ko. 

"I'm sorry..." I murmured softly. "I didn't mean to make you worried."

Tinignan ko sila Joy na nasa gilid at ang iba pa naming mga kasama. Huminga ako nang malalim ngunit napangiwi ng biglang sumakit ang sugat ko sa aking likod pababa sa pisngi at leeg ko. 

"Athena, what happened? Ang mga batang kasama ninyo sa warehouse ay nasa pangangalaga na ng mga pulis. Hindi namin alam ang nangyari pero maaari mo bang sabihin sa akin?" Natigilan ako sa pagsasalita ng empress, bihira lang kasi s'ya magsalita ng tagalog at hindi pa masyadong fluent. 

"Wag ka na magtaka pa empress. Ang batang 'yan ay laging na dawit sa gulo at kung minsan pa ay s'ya ang gumawa ng gulo lalo na sa paaralan—" 

"Pwede bang hayaan nating magsalita ang anak ko? Paano natin malalaman ang nangyari kung hindi niyo man lang s'ya bibigyan ng karapatan upang magsalita? Pasensya, empress," seryosong sambit ni mama. 

Sinabi ko mula umpisa hanggang dulo ang nangyari sa amin. Hindi ko sinama ang pagpunta ng mga tao ko sa warehouse at nasabi na lang ako na ako ang gumawa ng bagay na 'yun, dun sa palaso na nakita nil sa warehouse. Tinignan ko sila Joy at kahit paano ay wala naman silang sugat kaya naman nakahinga ako nang maluwag. 

"Pwede na ba akong umalis? May pupuntahan ako," kalmadong sambit ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at agad akong naglakad papunta sa kwarto ni Kiro. I was about to knock when the door open at si Mrs. Sandoval ang nakita ko. Magsasalita sana ako ng isang malakas na sampal ang ginawa niya sa aking pisngi. Gulat akong napatingin sa gilid at ramdam ko ang galit sa kanyang paghinga. 

"You! You always put my son in danger. Sa tingin mo ba ay magandang tingnan na magkasama kayo at worst, girlfriend ka pa niya! Isang malaking kahihiyan na malaman na ikaw ang girlfriend ng anak ko!" Si Mrs. Sandoval sa malakas na boses. 

Hindi ako makapagsalita at napatingin na lang sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ang bagay na 'yun sa akin, wala pang sumampal sa akin at tanging s'ya lang ang nakagawa nun. Kung nakita ito nila kuya ay malamang sasabihin na naman nila ang patakaran sa palasyo kasama ang mga bawal at hindi bawal sa mga gawain. 

"Mawalang galang na Mrs. Sandoval..." kalmadong sambit ko at napatingin naman s'ya sa akin. "Mukhang hindi niyo alam ang nangyari kanina dahil basta niyo na lang ako pinagbuhatan ng kamay. Hindi ko o namin kasalanan ang nangyari at kung nandoon ka lang sana ay dapat ikaw ang nag ligtas sa anak mo."

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon