Chapter 34

4.1K 98 11
                                    

Athena's Point Of View:

I guess I said the right words for them. I know we've been dating for 5 days but I can take this anymore. I don't want him to feel like I don't have a relationship with him but I wanted to. Ganito siguro ang pagmamahal, hindi inaasahan at kahit kailan hindi mo alam kung kailan ka tatamaan o kailan ka mahuhulog sa tao. Sabi nila mas maganda ang unexpected love kaysa sa planadong pagmamahal na hindi mo alam kung tatagal ba o hindi. 

Ang nangyari sa school kahapon lang ay nanatiling pribado. Kinausap ng mga Buenaventura ang pamilya ng isang teacher at ang pamilya ng bawat estudyante. Nakakamangha na nagawa nila ang mga bagay na 'yun ng sila lang. Inasikaso ko rin ang kaso dito sa school at alam kong hindi maganda ang mangyayari sa susunod pa dahil nagsisimula na sila. 

Ngayon na nasa school na ako ay hindi ko maintindihan kung bakit ako lumalayo kay Kiro. We're avoiding each other because I know to myself that I don't know what this feeling was all about. I reserved the ball and ran to the side, mabilis na nakuha ng kabila ang bola at mabilis rin naming nakuha dahil kay Andrea. I smiled at agad na tiningnan ang mga tao, they're shouting for us as if they're fangirling someone. 

"Go Athena and Joy!"

"Make us proud!"

"For the win!"'

Ngumisi ako at tumango kay Joy sign na kailangan niya ng tapusin ang laro. 10 seconds left at lahat ng tao dito ay tahimik na animo'y mga kinakabahan kaya hindi ko maiwasang matawa. Hinagis ko sa ere ang bola at mataas na tumalon si Joy para sa isang malakas na spike at lahat kami ay nakatingin sa bola at napatalon nang hindi masalo ng kalaban. 

"Ace wins!" sigaw ng mga tao at panay ang kanilang ingay gamit ang kanilang mga hawak na bottled waters at iba pang bagay na pwedeng paingayin. 

Niyakap ako ni Joy kaya natawa ako at agad s'yang niyakap. We hug each other at tuwang tuwa ang mga estudyante na nandito. Mabuti na lang talaga ay nakalimutan na nila ang nangyari ngunit nag-iingat pa rin kami lalo na ako, ano mang oras ay nandito sila lalo na't alam nila na nandito ako. Hindi ko kaya kung pati ang mga taong malapit sa akin ay madamay na naman. 

"Congrats!" Napatingin ako sa gilid ko nang makita si Kiro. 

I smiled at him and he did too. Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa kanya at hinawakan niya ang leeg ko para halikan ang aking noo. I felt so relieved and comfortable in his arms at hindi ko kailanman naramdaman ang lungkot at sakit kapag nandyan s'ya. Kung ito lang ang paraan para maging mas malapit s'ya sa akin ay gagawin ko, hindi ko alam kung anong magiging resulta nito ngunit hahayaan ko ang sarili ko sa mga bisig niya. 

"Akala ko ay hindi mo na ako kakausapin..." mahinang sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya. 

"Hindi ko ata kayang hindi ka kausapin, babe." Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. He smirked. "You're my girlfriend now and we both said that to our parents last night. Do I really need to tell you twice?"

"A-akala ko kasi ay hindi mo nadinig at hindi mo papansinin dahil alam mo naman ang sitwasyon," ani ko sa mahinang boses. 

Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan ang mga mata ko. "Your feelings are always valid and they matter."

My mom told me every day to always be careful with guys. Ilang beses niya na 'yung sinabi sa akin dahil para sa kanya, ang pagmamahal ay isang apoy na anumang oras ay pwede kang masaktan. Dahil ang pagmamahal ay parang isang taong naglalaro ng apoy, tama nga s'ya dahil nung nakita ko si Kiro, parang may kung anong apoy sa paligid niya ngunit imbes na matakot ako, mas lamang sa akin ang ma-attached sa kanya. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon