Athena’s Point Of View:
“Sa tingin ko ay hindi lang basta pagpatay ang ginawa sa kanya. There’s must be something or they’re finding someone,” sambit ni dean.
Nagkatinginan kaming lahat dahil alam ko kung ano ang balak nila. Alam ko kung sino ba ang hinahanap nila, alam nilang nandito ako sa school na ’to kaya naman lahat ng estudyante ay nasa panganib dahil sila ang gagamitin bilang babala sa ’kin. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang idamay ang mga taong walang ginagawa ngunit ano pa ba ang nakakagulat doon? Gawain na nila ang pagpatay kaya kahit sabihin kong itigil nila ang ginagawa nila ay hindi pa rin sila makikinig.
“Tatawagan ko ang ambulance para dalhin ito sa morgue. Ako na rin ang kakausap sa kamag-anak niya, kung meron man. Hindi natin pwedeng pabayaan na lang ang katawan niya dito. It can cause trauma to other students,” paliwanag ko.
“This is what I want to discuss with you. I want to know more specifics regarding her death since I know you are aware of what's happening,” he said seriously.
Tumango na lang ako at mabilis na tinignan ang katawan ng babae. Huminga ako ng malalim at tinignan si Kiro na ngayon ay nakatingin sa ’kin. Dalawang buwan niya akong natiis samantalang ako ay hindi mapakali kung maayos ba ang lagay niya o ligtas ba s’ya. Malaki ang pagtatampo ko sa kanya dahil sa loob ng dalawang buwan ay mukhang nakalimutan niya na may girlfriend s’yang naghihintay sa tawag o text niya.
“Do you have plans to tell the emperor about this?” tanong ni Sky.
“Kapag nalaman niya ang bagay na ’to ay ako na naman ang sisisihin niya. Hindi niya alam na binuo ko ulit ang assassins at hindi niya rin alam na ako ang queen,” kalmadong sambit ko.
Tinignan ako ni Rina. Maya maya ay binigay niya ang isang piraso ng papel kaya alam kong sulat ’to galing sa pumatay sa babaeng ’to.
“Threat. Sanay ka namang makatanggap ng ganyan kaya wala lang sa ’yo ang mga banta na galing sa ibang tao ngunit seryosong usapan na ’to dahil dito mismo sa school na nila ginagawa ang pagpatay,” seryosong sambit niya.
Huminga ako ng malalim at kinagat ang aking labi.
“Gagawa ako ng paraan at kung babantayan ko ang bawat isang estudyante ay gagawin ko,” mahinang sambit ko. “Hindi lang nila pwedeng galawin ang mga kaibigan ko, Rina. Alam kong hahanapin nila ang mga taong kahinaan ko at ’yun ang magiging paraan nila para palabasin ako.”
“Kami na ang bahala dito, puntahan mo na si dean at mukhang galit...” si Chase.
As I continued to move, my gaze was fixed on Kiro and Joy. Because I miss him so much, when he simply glanced at me, my heart began to race once more. He gently and cautiously grabbed my arm, which caught me off guard. I turned to face him at once.
“I’ll go with you,” kalmadong sambit niya.
Nauna pa s’yang maglakad sa akin kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya sa paglalakad. Tahimik kaming dalawa, tinignan ko ang likod niya at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa. Tumikhim s’ya at naging mabagal ang paglalakad niya para lang maging pantay kami.
“Kilala mo ba kung sino ang gumawa sa kanya nun?” tanong niya.
“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko sa loob ng dalawang buwan?” Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong rin ako.
Natigilan s’ya at nakita kong napalunok s’ya ngunit hindi naman sumagot. Ngumisi ako at napailing.
“Iniisip mo ba na ako ang pumatay sa lola mo?” malamig na tanong ko, dahan-dahan ngunit mariin ang pagkakabigkas ko ng mga salita.
BINABASA MO ANG
Empire Series 1: The Long Lost Empress
RomansaPUBLISHED UNDER IMMAC Athena Louise Dizon, an agent and Queen of Assassins She loved to kill people, and she never knew what she was doing because of the demon inside her. To make sure that her friends were safe and sound, she distanced herself, but...