Chapter 39

3.5K 90 17
                                    

Kiro's Point Of View: 

She had things to do, and I had things to do, so we both got busy while we were together. While Athena is recovering, we remain on the same island, and I'm frightened because I don't know what happened to her. Although I've been told what happened, I have the impression that there was more because Athena became busier. Despite the fact that we were all on the same island, they were so busy that I secretly observed Chase repairing weapons and other items for which I had no idea. 

"Kailangan natin ng plano. Hindi 'to pwedeng marinig ng kahit na sino dahil alam mong masyado ng delikado at sa tingin ko ay magsisimula sila sa pamilya mo." 

Kumunot ang noo ko at nagtago pa sa pader habang nakikinig sa kanila. Gusto kong malaman kung bakit at ano ang mangyayari. I want more information because I want to know everything para hindi ako mag mukhang tanga. Alam kong utos ni Athena ang 'wag magsabi sa akin ngunit hindi ko maalis sa isip ko ang mga tanong tungkol sa pamilya nila. 

"Kami na ang bahala sa mga Villacorta ngunit sa tingin namin ay mas kailangan ka doon dahil ikaw ang lady empire."

Lady empire? What is it? I just heard about that and I want to know who Athena really is kaya kailangan ko pang makinig. Akmang bababa pa ako nang makita ko si Athena sa harapan ko. Natigilan ako at napatingin sa kanya na kunot ang noo. Napalunok ako at dahan-dahan na bumaba habang mahigpit kong hawak ang baso. 

"I..uh, I was about to go downstairs to get some water..." kinakabahan na sambit ko at tumikhim para mawala ang kaba sa aking dibdib. 

Nagtaas s'ya ng kilay at mas lalo pa akong tinignan. "May refrigerator sa kwarto ko at kumpleto ang laman kaya bakit ka pa kukuha ng tubig? Isa pa, hindi ito ang daan papunta sa kusina."

Natigilan pa ako lalo at nakitang sa kabila pala ang daan. Narinig kong ngumisi si Chase at napailing, ngayon ay nasa harapan ko na silang lahat kaya umiwas ako ng tingin at agad na umakyat. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim dahil kapag nalaman nilang kanina pa ako nakikinig ay mas lalo nila akong tatanungin. 

"Hello, mom?" kalmadong sambit ko sa tawag ni mommy. 

[Where are you? Hindi ka umuuwi ng penthouse mo at hinahanap ka ng chairman.]

Napalunok ako. "I'm on a business trip for my business..."

[Goodness! Chairman is mad right now because you're not here! 'Wag mong sabihin na kasama mo na naman 'yang Buenaventura mong girlfriend?]

I closed my eyes tightly. Huminga ako nang malalim at agad na binaba ang tawag pagkatapos kong sabihin na uuwi ako sa lalong madaling panahon. Natigilan ako nang makita si Athena sa sofa at nakatitig sa akin, hindi ko man lang narinig ang galaw niya. 

"Hindi ka nag paalam at basta na lang pumunta dito?" kalmado na tanong niya. 

"I was about to say to them but it was too late..." mahinang sambit ko. 

"Tapos sasabihin ng mommy mo na bad influence ang girlfriend mo," nakangising sambit niya at nagtagis naman ang panga ko at bago pa ako magsalita ay nagsalita na agad s'ya. "Umuwi ka na mamaya at baka mas lalo pang magalit si Mr. Sandoval."

Tumayo ako at umupo sa tabi niya kaya tumingin s'ya sa akin. 

"Uuwi ako kung kasama ka." Tinignan ko s'ya sa mga mata at kumunot naman ang noo niya. 

"Hindi ako sasama. May kailangan pa akong gawin dito," seryosong sambit niya. 

"I will not go home then," seryosong sambit ko. "Hindi ako uuwi ng hindi ka kasama Athena. Kung akala mo ay susunod ako sa gusto mo, hinding hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama."

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon