Chapter 11

5K 133 16
                                    

Athena's Point Of View:

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayong nandito na sila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o ano ba dapat ang magiging reaksyon ko dahil masyadong mabilis at hindi ko inaasahan na nandito sila dahil walang sinabi sa akin si Mr. Sandoval. Gusto ko na lamang umuwi ngunit ang Chairman na ang may sabi na hindi maaari dahil kailangan niya akong kausapin. Wala akong magagawa dahil ginamit niya na naman ang pagiging emperor niya.

Nandito kami ngayon sa office ni Mr. Sandoval at ang mas hindi ko inaasahan na nandito ay sina Kiro na ngayon ay nakatingin sa akin. Pinilig ko ang aking ulo, nakikita ko talaga sa kanya ang fiancé ko kaya naman kailangan ko pang kumurap o tumingin sa iba.

"Why didn't you tell us that you're here?" tanong ni daddy, makikita mo sa kanya ang kaba at lungkot.

"Why would I?" Napasinghap ang mga kapatid ko ngunit hindi ko sila tinignan dahil na kay daddy ang paningin ko.

Simula ng mangyari ang gabi na 'yun ay nagsisimula akong mas kilalanin pa ang sarili ko. Palagi kong nakikita na masaya sila at never nila akong hinahanap dahil mas mahalaga sa kanila ang pamilya na mayroon sila ngayon. Masakit isipin na umaasa ako na baka hinahanap nila ako, na baka nami-miss nila ako, at baka naman hindi sila tumigil para hanapin ako. Ang makita sila ngayon ay parang ayoko nang maulit pa.

"Your Daddy is talking to you nicely, watch your mouth!" Si Victoria sa mariin na boses at masama na ang tingin sa akin.

Ngumisi ako at tinignan s'ya. "It's good to see you, Victoria. You didn't tell me that my real mother is here."

Natigilan s'ya at tinignan ako. Huminga ako nang malalim dahil ang puso ko ay puno ng galit at hindi ko kayang makita ang mga mukha nila. Huminga ako nang malalim at umatras.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ko at ngumisi. "Ngayon na kilala ko na ang sarili ko at ang tunay kong magulang, bakit niyo pa ako kailangan kausapin? Masaya na ba kayo na nag-mukha akong tanga sa harapan ninyo at ng buong pa-"

A big slap from Victoria came to my face. Lahat ay napasinghap at maski ako ay nagulat ngunit nanatili akong nakatingin sa gilid ko. Lumayo ako nang hawakan ni daddy ang braso ko at mas lalo lamang nagkaroon ng galit ang puso ko.

"How dare you?!" si Victoria sa malakas na boses. "You know nothing! You don't know anything about what we did to find you that shouldn't be because you said you know and know your own parents! You have no right to tell me all that because you weren't there when we were looking for you!"

"Mom!" si Kuya Alfred at mabilis na pumunta sa aking harapan. "You don't need to slap her!"

"No! She deserved that slap from me! Walang utang na loob," aniya at tinignan ako nang masama.

Umiling ako kina Rina dahil kitang kita ko na gusto nilang tumayo. Huminga ako nang malalim at kinuha ang bag ko, mabilis akong yumuko sa lahat at tumakbo palabas. Gusto ko ng umalis doon, gusto kong lumayo dahil iba ang nararamdaman ko at pakiramdam ko isa pang salita ay lalabas na naman ang demonyo sa aking katawan. Mabilis akong umupo sa ilalim ng puno at agad na niyakap ang aking mga tuhod.

Totoo naman ang sinabi ko. Nagmukha akong tanga sa harapan nila for almost a year, hindi kasi ako naniniwala dati na hindi ako anak ni Victoria. Palagi kong naririnig sa ibang royal family na may kasalanan si daddy sa palace at 'yun ang magkaroon ng isang anak galing sa ibang babae. Sa aming palace kapag una kang anak ng emperor, hindi ka pwedeng magkaroon ng relasyon sa isang babae na hindi kasali sa royal family dahil malaking kasalanan 'yun sa empire.

Kaya naiintindihan ko ang counselor at iba pang nakakataas dahil malaking kasalanan 'yun. Chairman covered my daddy para lang hindi ito bigyan ng parusa at maging tahimik ang buong imperyo. Simula nun, pakiramdam ko ay isa akong malaking kasalanan na hindi na dapat pang mabuhay sa mundo. Pakiramdam ko ay isa akong malaking pagkakamali dahil ang daddy ko ay nagkaroon ng isang pamilya na hindi naman dapat sa royal family.

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon