Kiro’s Point Of View:
Umaga palang ay gising na gising ako dahil sa lakas ng kalabog sa pinto ng penthouse ko. I got up immediately kahit pa boxer lamang ang suot ko, mabilis akong bumaba agad na binuksan ang pinto to see my mommy outside. Gulat akong napatingin sa kanya na masama na ang tingin sa akin kaya napa buntong hininga ako at mabilis na naglakad papunta sa loob. Ano na naman ang kailangan niya?
“I was waiting for you,” aniya. “15 minutes akong nasa labas at ngayon na may morning class ka, late ka na naman gumising! Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo na don’t bring girls here? You already have your fiancèe.”
“I don’t have.” Umupo ako sa sofa at tinignan s’ya na nakakunot na ang noo. “Did Stephanie tell you to come here just to say that?”
Araw-araw na lang ganito. Napapagod na akong magsalita at sabihin na hindi ko kailanman gusto si Stephanie at sinabi ko na kay Charlie ang tungkol dito. If ever na magkaroon ako ng girlfriend, I want a matured one. Kayang tanggapin at baguhin ang buong ako. Who will love my soul, my darkness, and everything and I don’t want to settle with that girl.
“Ganyan ba ang tinuro ko sa ‘yo? Do not insult me and Stephanie dahil sinabi ko na sa ‘yo ng ilang beses na si Stephanie ang gusto ko para sa ‘yo!” si mommy sa iritado ng boses at halos tumayo na mula sa sofa.
I sighed. “I don’t care mom, if you only came here just to tell me nonsense things, please get out.”
Nanlaki ang mata niya ngunit hindi ko na pinansin pa at agad na naglakad sa pinto, binuksan ko ‘yun at tinignan s’ya. Wala akong pakialam kung magalit s’ya pagkatapos ng ginawa ko. She marched angrily at tinignan ako nang masama bago s’ya umalis ng penthouse ko. Bumuntong hininga naman ako at agad na pinilig ang ulo dahil kailangan ko pang pumasok para sa training. Hindi naman ako nagdala ng babae dito sa penthouse ko, doon sa unit ko sila dinadala dahil ayoko ng may babae dito sa lugar ko.
Iniisip ko si Beatrice. Is she doing well? Kung sana hindi niya ako niloko ay baka kami pa hanggang ngayon. Nagtagis ang panga ko nang maalala ang nangyari sa amin at ang mga oras na hindi ko alam kung bakit nagawa niya ang bagay na ‘yun. She’s also a gangster at kasama ko s’ya sa Dragons ngunit ng dahil sa gago na ‘yun, nawala sa akin si Beatrice.
Tingnan lang natin kung hindi ka bumalik sa akin pag nakita kita, paparamdam ko sa ‘yo kung sino ang sinasayang mo.
Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar papunta sa school. Ano na naman kaya ang mangyayari? Pinarada ko ang aking kotse sa tapat ng isang motor, sa tingin ko ay kay Athena ang isang ‘to dahil sa malaki nitong hugis. Katabi nito ay ang isa pang motor na sa tingin ko ay kay Joy. Bumaba ako at kinuha ang bag ko, sa hindi kalayuan ay nakita ko si Athena na may kausap na lalaki. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang lalaki.
“Hindi ko kailangan ng kahit na sino sa tabi ko,” ani ni Athena at dahil nakaharap s’ya sa akin ay nakikita ko ang mukha niya.
“Please, the Buenaventura’s are now worried.” Napasinghap ako nang marinig ang sinabi ng lalaki na nasa harapan niya. “You didn’t tell us that you’re here. Ako pa lang ang may alam na nandito ka at sa tingin ko—”
“Wala kang sasabihin sa kanila, Rich.” Natigilan ako, isa itong Villacorta. “Wala kang ibang sasabihin kundi patay na ang hinahanap nila. Patay na ang babaeng hinahanap nila.”
Mabilis akong pumasok sa isang eskinita dahil muntik na akong makita ni Athena. Huminga ako nang malalim at parang tanga na nakatulala. Anong connection niya sa Villacorta maging sa Buenaventura. Kilala ang mga Villacorta bilang isa sa mga mayaman dito sa lugar namin, sila rin ang pangalawa sa mayaman dito kasunod ng mga Buenaventura. Ano naman ang kailangan nila kay Athena na mahirap lang? Hindi ba ang mayaman ay hindi kailanman pwede sa mahirap?
BINABASA MO ANG
Empire Series 1: The Long Lost Empress
RomansaPUBLISHED UNDER IMMAC Athena Louise Dizon, an agent and Queen of Assassins She loved to kill people, and she never knew what she was doing because of the demon inside her. To make sure that her friends were safe and sound, she distanced herself, but...