Chapter 1

13K 257 10
                                    

Athena’s Point Of View:

I sighed and looked at the people around me. Hindi talaga ako sanay na may nakatingin sa akin. Tomorrow is our first day being a senior high school at kasama ko ang mga kaibigan ko at syempre ang mga kaibigan kong hindi ako kailan man pinabayaan. Tinignan ko sina Rina, Sky, Alexander, at Chase. 

“Since sinabi ni Mr. Valeria na kasama tayo sa mission as their secret spy agent kailangan natin na gawin ang lahat ng gusto niya kapalit ng gusto ko,” nakangising sambit ko habang pinaglalaruan ang isang kutsilyo sa aking kamay. 

“You agree with him?” tanong ni Chase. “Ikaw na rin ang may sabi na hindi tayo pwedeng basta na lamang magtiwala. Alam mo naman na hinahanap ka at gusto ka nilang patayin.”

Huminga ako nang malalim. Nandito kami sa America malayo na malayo sa Spain na minsan ko na ring na-miss. Hindi na ako bumalik doon dahil hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin o paano ko ba sasabihin ang nangyari sa akin. Wala na rin akong naging balita sa kanila at kung hinahanap ba nila ako o hindi. Sa loob ng ilang taon na nandito ako sa America ay hinanap ko ang aking tunay na mama, nang mahanap ko s’ya ay hindi ko alam kung paano ko ba s’ya kakausapin ngunit nangako ako na babalik ako. 

“We need someone who can protect us at ang mga Valeria lang ‘yun,” sambit ko. “Anyways, are you ready to go?”

“Kanina pa handa ang mga damit ko,” nakangising sambit ni Rina. 

Natawa ako at napailing na lamang. Nakilala ko sila sa kung saan man at nakita kong may potential silang lahat at humingi rin sila ng tulong sa akin kaya naman ako ang naging dahilan kung bakit nandito sila. Si Alexander ay matagal ko nang kasama dahil may nakaraan kaming dalawa at mabuti na lang rin ay naging maayos kaming dalawa at wala namang problema. 

Pagkatapos naming mag-usap ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Huminga ako nang malalim at napatingin sa aking cellphone at natigilan nang makita ang dating picture ng aking fiance. It’s our anniversary today and I can’t celebrate now because he’s no longer with me. Kaya rin ako nagbago dahil dito, gusto kong patayin lahat ng taong pumatay sa kanya. Gusto kong patayin ang mga taong pinatay ang lalaking mahal ko. 

“I missed you.” Ngumiti ako ng maliit at pinag landas ang aking daliri sa kanyang picture. “I wish you were here.”

Kaysa umiyak ay agad akong pumunta sa kama at hinawakan ang aking kwintas na binigay niya sa akin. I smiled. Masaya ako na nandito ako at masaya ako na kasama s’ya sa loob ng 5 years. I closed my eyes and let the darkness envelope me. Maaga pa lang ay gising na ako dahil maaga pa kami at kailangan na naming bumalik sa Pilipinas dahil hindi kami puwedeng manatili sa isang lugar lang. 

“Morning,” nakangiting sambit ni Sky habang hawak ang isang plato. 

Tumango ako at agad silang nakita sa lamesa na may kanya kanyang ginagawa. Tinignan ko ang laptop ni Rina at tumango nang makita na inaayos niya ang list ng mga tao sa hideout namin sa Pilipinas. Nag-usap kaming dalawa at mabilis akong kumain dahil nandyan na ang kotse namin papunta sa airport. 

“We tighten your security and your private plane is ready,” Alexander said in a calm voice. “Are you really sure about this?”

I raised my brow. “Marami akong aasikasuhin sa Pilipinas at alam mo naman kung bakit ko gustong mag-aral ulit.”

He sighed and nodded his head. Ayaw ko talaga na may nagsasabi sa akin kung ano ang dapat at hindi dapat kong gawin, hindi na ako ang dating Athena at ngayon na kaya ko na, gagawin ko ang lahat. Kailangan naming umalis agad dito kung ayaw namin mahanap kami ng mga kalaban. Sabi nga ng ilan ay pangalawa ko itong buhay dahil nung nakita nila ako ay wala na raw akong buhay.

“Nandoon na raw sina Kit,” sambit ni Sky. 

I wear skinny jeans, a brown sweater, a beanie, and leather boots. Agad akong pumunta sa kanila at mabilis na sumakay sa kotse na gagamitin namin, huminga ako nang malalim at hindi na ako makapaghintay na makita ang aking mama at mga kapatid sa Pilipinas. Mabilis kaming nakarating sa airport at mabilis ang paglalakad namin dahil hindi kami pwedeng makita ng kahit na sino. 

Ayoko rin naman na makita ako at sabihin na isa akong Buenaventura. Mahirap para sa akin ang ganun dahil ayoko na silang madamay pa sa kung ano man ang ginagawa ko. Sapat na para sa akin ang ilang taon para ma-realize na hindi talaga ako para sa pamilya na ‘yun dahil simula nung bata pa ako ramdam at alam ko. Ngayon na may sarili na akong pera, bahay, kotse, at iba pa, sa tingin ko hindi ko na kailangan pa ng tulong nila. 

“Tara na,” kalmadong sambit ko at agad na umupo sa sofa. “Kumusta ang mga baril at ang ibang gamit?”

“Maayos naman at pinadala na namin ni Alex ang iba pa sa Canada,” sambit ni Chase. 

Tumingin ako kay Alexander at ngumisi dahil alam kong ayaw niya ng ganito ngunit nasanay na rin s’ya. He’s my ex-boyfriend at alam niya ang gusto at ayaw ko. Simula nang malaman niya ang tungkol dito ay galit siya ngunit wala rin naman siyang magawa kundi ang sumama sa amin. He’s an agent at ganun rin ako, under Valeria kaya kabisado ko na s’ya.

Ilang oras ang byahe namin at agad akong nagising nang marinig ang boses ni Rina. Mabilis akong tumayo at kinuha ang gamit ko habang lumalabas. Agad akong pumunta sa motor ko at tinapik bago ako sumakay, kumaway ako sa kanila at agad na sumakay dito. I missed the Philippines at sila mama agad ang gusto kong makita lalo na ang matagal ko ng kaibigan. 

“Hello, ma?” kalmadong sambit ko at inayos ang earpiece. 

[Athena? Ang sabi sa akin ni Rina ay nandito ka na raw? Nasaan ka na anak?]

Bumuntong hininga ako. Aaminin ko man ngunit malayo pa rin ako sa kanya ngunit ginagawa ko ang lahat para maging maayos kami, hindi ko lang talaga nagustuhan na basta na lamang niya akong binigay kay daddy. Wala siyang binigay na dahilan para doon kaya naman mas lalo lamang lumayo ang aking loob sa kanya. 

“Malapit na ako.” Nawalan ako ng gana at agad na binaba ang tawag.

Mabilis kaming nakarating sa isang bahay na gusto kong puntahan. Bumaba agad ako at mabilis na pumunta sina Chase sa kotse para kunin ang gamit ko. Hindi ako mananatili dito kundi sa penthouse ko malapit sa school na gusto ko. Nandito rin ang ilan kong negosyo kaya naman mananatili ako dito ng ilang taon. 

“Magandang hapon, tita.” Napatingin ako sa kanila at nandoon na nga si mama na gulat na napatingin sa kanila. 

Naglakad ako at agad niya naman akong nakita. Maliit akong ngumiti ng yakapin niya ako kaya natawa ako at niyakap rin s’ya pabalik. Agad niya kaming iginiya sa kanyang bahay at nakita ko ang tatlo kong kapatid sa ina. 

“Hello po!” Ang masayang si Ayesha at agad akong niyakap. “Miss po kita.”

Ngumisi lamang ako at tinapik ang ulo niya at agad kong nakita si Jacob at ang bunso na si Ryan. Ngumiti lamang ako at agad na umupo sa maliit na sofa. Sa Baguio sila nakatira at kailangan ko pa silang lagyan ng mga guards para hindi sila mahanap ng mga kalaban ko. Tinignan ko ang bahay na binigay ko para sa kanila at apat lamang silang nakatira dito kaya hindi na rin masama. 

“Uh, kumain ka na ba anak?” Napatingin ako kay mama at agad akong umiling. 

“Gusto kong tikman ang luto mo,” ngumiti ako at nakita kong ngumiti ang kanyang mga mata at ang kanyang labi. 

Pinaglaruan ko ang mahaba kong kuko at agad na nakinig sa usapan nila. Dito ako magsisimula muli at dito ko hahanapin ang mga taong pumatay sa aking fiance. Pinikit ko ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko na pula na naman ang aking mga mata dahil sa galit na nararamdaman ko. ‘Wag ngayon, hindi ito maaari na makita ng mga bata. Huminga ako nang malalim at dinilat ang mga mata ko, sa aking pagdilat ay naabutan ko ang tingin ng tatlo kaya ngumiti lang ako at iniwas ang tingin sa kanila. 

Muntik na. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon