Kiro’s Point Of View:
Naging abala ako sa class ko dahil marami na agad ang modules na binigay ng mga teachers namin. Ayoko rin naman na maging abala sa ibang bagay dahil ayokong ma-disappoint sina mommy at daddy dahil ayoko na maulit pa ang dati. I was the biggest disappointment to them at palagi ko na ang silang binibigyan ng sakit ng ulo kaya naman kailangan kong kunin ang tiwala nila.
Hindi ko rin nakita si Athena at naiinis pa rin ako sa kanya dahil lang sa ginawa niya kanina. Hindi ko talaga gusto ang ginagawa niya ngunit ganun na lamang ang pagtataka ko kung bakit ganun na lamang ang takot at kaba na nabasa ko sa mga mata nung mga lalaking ‘yun. Ganun ba talaga s’ya ka-intimidating? Aaminin kong ganun rin ako dahil kakaiba ang kilos at salita niya, masyadong malalim at mayroong awtoridad.
“Don’t forget to pass all your modules on Monday. Since it's weekend tomorrow, I want all of you to study for our exams,” ani ng science teacher namin.
“Yes, Miss!” Sabay-sabay na sagot namin kaya agad s’yang tumango at umalis sa aming classroom.
Tinignan ko sina Austin na kausap si Sky. Kumunot ang noo ko at agad na napailing dahil alam ko ang ugali ni Austin, kapag may bago talaga s’yang kilala o nakuha ang atensyon niya, s’ya na mismo ang lalapit doon sa taong ‘yun. I listened to them at narinig kong pinag-uusapan nila si Athena kaya nagtaas ako ng kilay.
“Si Athena masyado s’yang abala. We’re working under her, kasama ko sina Rina at kami rin ang may hawak ng lahat ng schedule niya,” ani ni Sky at maliit na ngumiti.
“Familiar kasi ang mukha niya.” Napawi ang ngiti ni Sky at napalitan ‘yun ng isang seryosong mukha. “Pero anyways, gusto mo ba sumama sa amin kumain? We want to be friends with you.”
Tinignan niya ako kaya napatingin sila sa aking lahat. I rolled my eyes at agad na tumayo dahil sayang lang ang oras at baka wala na akong maabutan na pagkain sa canteen. Mabilis kaming bumaba at dahil nasa second floor kami ay mabilis lang kaming nakarating sa baba. Nagtataka kong tinignan ang mga tao sa quadrangle dahil ang daming tao at para silang nanonood ng kung ano man.
“Athena!” Napatingin kami kay Sky nang bigla itong sumigaw at agad na pumunta sa kumpol ng mga tao. “What the heck?”
Kaagad kaming pumunta doon at nanlaki ang mata ko nang makita si Athena na nakaupo at nakayuko. Sa kanyang harapan ay sina Bert kasama ang mga kaibigan niya. Napalunok ako nang makita kung gaano kadumi ang damit ni Athena lalo na’t kita ang kanyang mga hita.
“Ano?! Nasaan ang tapang na mayroon ka huh? Hindi ka na ba makatayo at tuluyan ka ng nalumpo?” ani ni Bert at tumawa nang malakas. “Kanina lang maangas ka pero ngayon para kang maamong pusa!”
Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang buhok ni Athena kaya nag-angat ng tingin si Athena at ganun pa rin ang mukha niya, walang emosyon. Tinignan ko sila Rina at nakita kong kalmado sila ngunit nandoon pa rin ang pag-aalala nila.
“Hindi ako pumapatol...” mahinang sambit ni Athena. “Ilang beses kitang binigyan ng pagkakataon para umalis pero masyado mo ng inuubos ang pasensya ko.”
Sa isang iglap lang ay nasa lupa na si Bert dahil malakas na sinuntok ni Athena sa mukha, gulat akong napatingin dahil sa lakas ng impact ng kanyang ginawa ay nakita ko ang dugo sa ilong ni Bert. Napatingin ako kay Athena na inaayos ang coat niya at mariin ang tingin kay Bert.
Wow. Ganun kalakas ang suntok niya!
“All of you to the principal office!”
Lahat kami ay nasa principal office kasama si lolo na nakatingin sa amin. Tinignan ko si Athena na nasa unahan at katabi ang mga kaibigan niya. Ngayon ko lang napansin ang sugat sa kanyang pisngi, huminga ako nang malalim. I don’t want to see girls who have a bruise dahil may mga babae akong kapatid at ayokong magkaroon kahit maliit na sugat ang kanilang mukha. Iba nga lang si Athena dahil ayaw ko sa babaeng ‘to.
“This is the first time I have encountered this fight between you, Athena.” Tinignan ni lolo si Athena na nakayuko at nakakunot ang noo. “And you Mr. Bert!”
“S’ya ang nauna! Tignan mo nga ang mukha ko, principal? Babae ba ang tawag mo diyan?” galit na sambit ni Bert at dinuro si Athena.
Tahimik akong tumingin sa kanya. Napatingin sa akin si Rina at Joy kaya mabilis kong iniwas ang aking paningin dahil kanina pa ako nakatingin kay Athena na nakakunot ang noo. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako at sinasayang ang oras ko para sa ganito.
“Ilang beses kong sinabi sa kanya na umalis s’ya sa harapan ko ginawa niya ba?” kalmadong tanong ni Athena. “How many times do I said that I don’t want to have a fight because I came here to study not to fight with these stupid person.”
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa na gustong lumabas. Ngumisi si Athena at swear, natigilan ako at napatingin sa labi niya. Napalunok ako at ngayon ko lang nakita ang labi niya, pula ang mga ‘yun na kahit walang lipstick ay natural ang kulay nun. Pinilig ko ang ulo ko at pinaglaruan ang labi ko.
“Next time Miss Athena, know your limitations. Babae ka pa rin at alam mo dapat ang ginagawa ng isang babae at alam mo rin kung ano ang hindi dapat.” Tinignan ko si lolo, bakas talaga ang pag-aalala niya kay Athena at hindi ko maintindihan ‘yun. “Ikaw naman Bert, you have a warning at kapag naulit ulit ito, I will give you a 1 week ban.”
Mabilis akong lumabas ngunit sumabay si Athena kaya naman muntik na s’yang mawalan ng balanse kaya mabilis kong hinawakan ang baywang niya. Napasinghap ako nang makitang malapit ang mukha namin sa isa’t isa at kung wala ang ilong naming dalawa malamang ay mahahalikan ko ang labi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang kamay niya sa leeg ko.
“Uh, hindi naman siguro kami nakaka-abala sa inyo hindi ba?” Napakurap ako at agad na binitawan si Athena na nakakunot ang noo at mabilis na nag-iwas ng tingin. “Madali lang pala kayong kausap. Akala ko hanggang mamaya pa kayo.”
Tinignan ko nang masama si Joy na nakangisi at nakatingin sa akin. Tinapik ni Austin ang balikat ko at tinignan ko rin sila nang masama bago ako naglakad dahil hindi ko gusto ang tingin nila sa akin. Hindi ko kasalanan kung bakit ba kasi s’ya sumabay sa pinto. I closed my eyes dahil naiisip ko ang labi niya maski ang maganda niyang mata kahit na may eye liner s’ya.
“Okay ka lang?” Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Athena.
“What?” iritadong tanong ko at nagulat naman s’ya. “Ano bang ginagawa mo diyan?”
Kumunot ang noo niya. ”Nakapikit ka kasi akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo, masama na ba magtanong?”
Gulat ko s’yang tinignan at kumunot ang noo ko. Umismid s’ya kaya ganun rin ako bago iniwan s’ya at naiinis na sinuklay ang aking buhok dahil naiinis talaga ako sa kanya. Tuwing nagiging magulo ang utak ko ay palagi s’yang nandyan, tuwing hindi ko s’ya iniisip ay nandyan na naman s’ya na parang kabute. Dumaan ang break time at ganun na naman si Athena, maraming nang-b-bully sa kanya at dahil sa akin ‘yun, inutusan ko lahat ng estudyante dito para gawin ‘yun sa kanya dahil gusto kong umalis s’ya dito.
“Sasali ka ba sa basketball?” ani ni Jordan. “Bukas na ang list kay coach at sabi niya gusto ka raw niyang gawin na captain ulit since umalis ka nung—”
“Gusto ko.” Tinignan ko s’ya nang masama dahil may dahilan kung bakit umalis ako sa basketball dahil lang sa gago na ‘yun. “Do not say that again, Jordan. I don’t want to hear her name and his name.”
Tumango s’ya at agad naman kaming pumunta sa susunod namin na subject, huminga ako nang malalim. Kung sana ay hindi niya pinili ang kaibigan ko, malamang ay kami pa rin. Minsan kung sino pa ang taong magpapasaya sa ‘tin, ‘yun pa ang mga taong biglang aalis. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong gamitin para lang sumama at makilala ang kaibigan ko.
Nangilid na naman ang luha sa mga mata ko at sa pag-tingin ko sa gilid ko ay nakita kong nakatingin si Athena habang kumakain s’ya ng chips. Natigilan ako at ganun rin s’ya, tinignan niya ako at kumunot ang noo ko nang ngumuso s’ya at tinignan ako bago s’ya umiling at umalis. What? Ano bang ginagawa niya? Baliw.
BINABASA MO ANG
Empire Series 1: The Long Lost Empress
RomansaPUBLISHED UNDER IMMAC Athena Louise Dizon, an agent and Queen of Assassins She loved to kill people, and she never knew what she was doing because of the demon inside her. To make sure that her friends were safe and sound, she distanced herself, but...