CHAPTER 2

169 11 0
                                    

Feeling sore from the lower part of my body pigil ang sariling wag mapa daing habang dahan-dahang bumabangon mula sa aking higaan. Naman,kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari sa akin,edi sana pinag-isipan ko munang mabuti bago ako gumawa ng hakbang.

Though I enjoyed it naman,but still, I can't help but to winced in every move I made.

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa banyo thinking that maybe if I freshen up mawawala din ang sakit nito. And to my dismay, pakiramdam ko lumala lang yata ang sakit, lalo pa at mukhang mas lalo lang akong nahihirapang lumakad.

Ano kaya ang gagawin ko upang walang makapansin sa kalagayan ko ngayon? Paniguradong hindi ako titigilan ng mga kaibigan ko sa kakatanong  kapag nakita nila kung pano ako lumakad.

Pano ano lumakad? Peste,hindi ko alam kung bakit umiika ako dahil sa sakit! Ano kayang palusot ang maganda kong gamitin ngayon? Yung mala Oscar winning award sana para kapani-paniwala talaga ang kuwento ko.

But knowing my friends, paniguradong gigisahin nila ako nito hanggan't hindi sila kumbensido sa paliwanag ko. Ang kukulit panaman ng mga yun!









"Archie gising na, breakfast is ready!" malakas na sigaw ni Ericka.

Naku pag ito pa naman ang unang makapuna sigurado akong walang katapusang interrogation ang gagawin nun sa akin.

Pero teka nga muna,bakit ayaw kong may makaalam sa nangyaring ito sa akin? Nahihiya ba akong may makaalam sa ginawa ko? Kinakahiya koba yung taong kaagad na nakakuha sa atensiyon ko sa sandaling lumapat ang aking paningin sa kanya?

No! I shouldn't be ashamed of it, instead I should be proud and happy, cuz finally nahanap kona rin yung taong totoong may nararamdaman ako hindi yung napipilitan lang ako.









"Archie gising na!" malakas ulit nitong pagtawag sa akin na may kasama pang pagkalampag sa pintuan ng kwarto namin.

Yup pareho kami ng kwarto, at itong magaling kong  kaibigan imbes na pumasok nalang sa kwarto para gisingin ako at nang walang nabubulabog na ka boardmate namin, hayon at panay ang sigaw sa labas, sarap tuloy kurutin nito sa singit!









"Gising na, teka lang at mag bibihis na ako!" ganting sigaw ko rin upang tigilan niya na ang kaka-kalampag sa kawawang pintuan.









"Wag kanang magbihis,okay lang saaming magburlis ka!" may bahid ng ngiting muli na naman nitong sigaw.









"Sira! Sige na mauna kanang bumaba!" natatawa kong sagot sa kanya.

Paniguradong hindi lang bunganga ni Monicha ang sasalubong sa akin kapag bumaba akong walang saplot. Tiyak mababato pa ako nito ng sandok.









"Okey dokey yow!" pakanta naman nitong paalam sa akin.

Nandito na kaya yung iba namin? By the way, nag re-rent lang kaming magkakaibigan ng isang kwarto. Buti nga at napapayag namin yung may-ari na anim kami.

Yung tatlo naming kaibigan umuwi kasi sa kani-kanilang lugar, kaya kami lang nila Monicha, Ericka at ako ang naiwan dito. Yun din ang dahilan kung bakit hindi kami kompleto sa birthday party ni Pamela.

Kumusta ba yung sleeping arrangements namin knowing na pan-dalawahang katao lang ang kwato namin at anim kaming umuupa? Ito kulang nalang ng sabaw para matawag na kaming sardinas. Pero so far enjoy naman kaya okay lang na masikip ang tinutulugan basta magkasama lang kami.

Di joke lang, hindi naman masyadong masikip, ano sakto lang dahil hindi rin naman kami kalakihang mga tao.

Up and down yung kama namin. Bali sa taas sina Monicha at Rose ang nakapwesto, dito naman sa ibabang bahagi ako at si Bea. Sa lapag naman sila Ericka at Mariannelle. Hindi ko alam kung paano naging ganun yung sleeping arrangements namin basta nung unang gabe namin dito yun na kaagad ang pwesto namin at magpa- hanggang ngayon.

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now