CHAPTER 4

126 8 0
                                    

Day one namin ng boyfriend ko, yup you read it right, may boyfriend na rin ako sa wakas. The only problem is that I ended up with the person I hate the most. The bastard jerk in our school and the person that my parents wanted me marry, it's Nathan ang anak ni nangnang Lillian.








"Ano ba naman yan Arcenith, bali isang araw na tayong mag on tapos kiss lang ayaw mo pa akong pagbigyan? Para ano pa't naging girlfriend kita kung yung simpleng halik lang hindi mo pa maibigay sa'kin?" himutok nito sa akin.

Gago 'to isang araw pa nga lang manghihingi na kaagad ng halik. Paano pa kaya kapag mag dalawang araw na? Baka hindi nalang halik ang hingin nito sa'kin!

Naku subukan niya lang at talagang maililibing ko siya ng buhay! Kung bakit naman kase masyado akong padalos-dalos sa naging desisyon ko yan tuloy pinagsisisihan kona ngayon! Kasalukuyan kami ngayong nasa oval ng pang highschool lang dito sa school na pinapasukan namin.

At kahit ayuko sana ang makasama siya lalo na at kaming dalawa lang, wala akong magawa dahil kasalanan ko rin naman ang lahat kung bakit ako nalagay sa ganitong sitwasyon.








"Ano kaba naman Nathan, hindi lang naman sa halik binabasehan ang pagiging girlfriend ko sayo. That kiss can wait. For now let's enjoy this moment na sa wakas naging mag boyfriend na rin tayo for almost a month na panliligaw mo sa'kin. Right?" mahinahong paliwanag ko.

Kahit labag sa loob ko ang makipag relasyon sa kanya, gusto ko pa rin na maging maayos ang samahan namin.

Maybe kapag tumatagal na ang relasyon namin magiging okay na ang lahat. Na tuluyan ko siyang matutunang mahalin. Ikakasal na kami, at ayuko nang loveless marriage.








"I don't know, but I think your being unfair to me. Halos isang buwan akong nanligaw sayo, tapos araw-araw kitang pinupuntahan sa classroom mo. Tapos ngayong tayo na, parang isang halik lang hindi mo pa ako mapag bigyan!" katwiran nito.

This bastard! Ang kapal din naman ng mukha nito na isumbat sa'kin ang ginawa niyang panliligaw e halos wala din naman siyang matinong ginawa noon ah!

Oo nga at araw-araw siyang pumupunta sa classroom ko pagkatapos ng klase, pero anong ginagawa niya, nakikipag laro lang siya ng mobile legends sa mga kaklase kong lalaki. Meaning hindi talaga ako ang totoong sadya niya dun!

At kapag nakita niya akong pauwi na kasama ang mga kaibigan ko, tsaka lang siya lalapit sa'kin at kukunin ang mga dala ko, tapos babanat na siya ng mga linyahan niyang pareho lang sa kanyang wala ring kwenta! Tapos makapag drama to ngayon akala mo naman nahirapan talaga sa panliligaw niya sa'kin!

Bakit ko siya sinagot kung umpisa palang alam ko ng gago siya? Bukod kase sa bet siya ng pamilya ko. Bata pa lang, naipagkasundo na kami nang parents namin na ipakasal sa isa't-isa. At wala akong lakas ng loob na sumuway sa parents ko.

Tapos yung mga ipokrita kong pinsan palagi nalang nila akong tinatanong kong bakit wala pa akong boyfriend. At ng minsang mag joke ako sa kanila na babae din ang gusto ko, sinumbong nila ako sa parents ko. What happened next? Pinilit akong papag suotin ng sexy na damit at pinilit na makipag date ako sa gagong to ng mga parents ko!

Siguro dahil na rin sa pressure kaya nagawa ko ang sagutin nalang siya. Bukod kase sa pressure from my family and relatives, meroon pang umepal dito sa school!

What more? Hindi ko sana to sasagutin kong hindi lang dahil sa insidenting nangyari.

Meroon akong classmate na tudo kung magselos sa tuwing lumalapit yung boyfriend niya sa'kin. At ng minsang mahuli niya kaming nag-uusap kung ano-ano ng paratang ang pinagsasasabi niya sa'kin!

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now