CHAPTER 22

98 8 0
                                    

POV OF ARCENITH FRIENDS ⊂⁠(⁠(⁠・⁠▽⁠・⁠)⁠)⁠⊃


Gulat na napaangat ng tingin ang babaing busy sa pagpupunas ng isang table ng biglang may pumasok sa coffee shop na kanyang pinagtratrabahuan na para bang may hinahanap ang mga ito. Kanya-kanyang tingin at tanong sa paligid ang mga ito dahilan upang maging unorganized na ang buong paligid na higit na kinaaayawan ng kanyang amo.









"Excuse me ladies and gents, pweding maupo kayo at medyo nakaka-abala na kayo sa iba o di naman kaya ay, bukas ang pinto at pweding-pwedi kayong lumabas ngayon din." yup, she's allowed to be bitchy to their costumers lalo na kapag nasa tama siya dahil hindi siya pinapagalitan o tinatanggal sa trabaho ng kanyang amo.










"We're sorry about that miss. Ahm saan kami pweding pumuwesto?" kaagad namang sabi ng isang babae na sa tingin niya ay pinaka seryuso sa lahat.









"This way please!" hindi niya pa rin binabago ang tuno ng pananalita na sagot niya naman dito at nauna ng lumakad patungo sa pinaka-dulong table na kakasya ang sampung katao. At ng magsipag upuan na ang mga ito, nagulat pa siya ng bigla nalang na nagsagutan ang dalawang babaing magkatabi sa upuan.









"Usog dun taba at naiipit na ako!" sabi ng babaing medyo may kapayatan sa katabi nitong babae na hindi naman mataba, sakto lang ang pangangatawan nito kaya nagtataka siya sa kung bakit tinatawag itong taba ng babae.









"Stick ka naman kaya ikaw na ang mag adjust!" ganti rin naman ng isa na muntikan niya pang ikabungis-ngis ng tawa dahil kaagad na nalukot ang mukha ng babaing tinawag na stick.










"Paano ako makakapag adjust kung halos hindi na ako makahinga?!" banat din naman nito ng makabawi na sa inis na nararamdaman.









"Sumusubra na yang pagiging maarte mo stick ha!" naiinis na ring sagot naman dito nung isa.







"Sabi ng stop calling me stick e!"







"And stop calling me taba as well!"







"Kayong dalawa, tumahimik na nga kayo!" may diing saway naman dito ng babaing mukhang seryuso, dahilan upang kaagad na mapayuko ang dalawang babae na parang mga batang pinapagalitan ng kanilang magulang at sabay din silang humihingi ng sorry dito na ikina-ngiti niya ng lihim.










"Wag kayong magsorry sa'kin, sa kanya kayo humihingi ng sorry dahil ang iiingay niyo!" parang nanay ng dalawa na kaagad nitong sabi sabay baling sa babaing kanina pa nakatayo at lihim na natatawa sa dalawang ito na ngayon ay bigla nalang na natahimik.










"Sorry about that miss." magkapanabay pang hingi ng sorry sa kanya ng dalawa ng mabaling ang atensiyon nila sa babae.

After taking their orders and bringing it to them, hindi niya inaasahan na magsasalita ang lalaking ito na kanina pa nakatingin lang sa kanya.










"May nagawi bang babae dito kanina? She's not wearing uniform like us, it's just a simple white T-shirt and a navy blue jeans with boots, she's morena and has the same height as you, petite, and nakalugay lang yong hanggang bewang niyang buhok na medyo wavy." walang emosyon na tanong nito.








"Not sure, ang dami na kaseng pumasok kanina dito kaya baka nakalimutan ko na." pagkakaila niya.

Actually, may natatandaan siyang babae na pumasok dito kanina at tugma lahat sa kanya ang sinasabi ng lalaking ito, pero hindi niya ugali ang basta-basta nalang na magbibigay ng impormasyon ng walang magandang dahilan.







Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now