CHAPTER 30

105 9 0
                                    

"Wow ha, maka iwas, taray at dedma kapa sa'kin noon akala mo talaga balewala lang ako sa kanya e no? Tapos malalaman-laman ko ngayon na umpisa palang pinagpapantasyahan muna rin pala ako!" sabi ko matapos ang pagkukuwento nito.

Lukong bakla to, nauna pa pala itong magkagusto sa'kin pero grabe ang pagpapahirap na ginawa nito sa'kin, napaka galing niya talagang magpa hard to get!








"Sorry na kung nagkunwari akong walang gusto sayo, gusto ko kase na masigurong ikaw lang talaga ang laman nito... " sabay turo sa dibdib niya..."bago kita ligawan."









"Ah so may balak ka palang manligaw sa'kin?"







"Syempre naman. Inunahan mo lang ako kaya ginawa ko rin yong mga gawain niyong mga babae."







"At ano naman yon aber?"








"Nagpapakipot muna sila bago sagutin yong manliligaw nila." napa facepalm ako sa sagot nito.

Great sa dinami-rami ng pwedi niyang makuha, yong pagpapakipot pa talaga! No wonder, masyado niya ngang ginampanan ang pagpapakipot sa'kin!









"Hindi rin naman lahat ng babae nagpapakipot no!"








"Bakit, kapag niligawan ba kita ngayon, sasagutin mo ako kaagad?"







"Hindi!"






"O edi pakipot ka rin!"








"Hindi ako pakipot, gusto ko lang maranasan kung paano ligawan ng isang KURT CHRISTIAN RUSSQUIL na Mahal na Mahal ko!" ay shala, dapat hindi ko yon sinabi 'yun!

Makangiti naman to ngiting tagumpay na kaagad. Huh, humanda ka rin sa'kin! Dahil magpapa hard to get din ako!








"Archer tara manggulay tayo." nakangiti kaagad na bungad saakin nitong manliligaw ko.

Hehe, sarap sa feelings tawaging manliligaw ko itong baby Kurt ko, and yes after naming mag-usap napag pasyahan ko na hindi kami dapat magsama sa iisang kwarto, for his own good din naman....este sa'kin pala!








"Tayong dalawa lang?" hay naku, wala na talagang pag-asa itong utak ko. Kung ano-ano nanaman ang iniisip ng dahil sa pagyayang ito sa'kin ng baby Kurt ko.








"Yes."








"Then, I'm not coming." as promise, syempre medyo magpapa hard to get din ako para naman sabihing hindi ako marupok pagdating sa kanya.









"Bakit naman?" kaagad na nangunot ang nuo nito at dali-daling lumapit sa'kin para lang siguraduhing seryuso ako sa sinabi ko.









"Malay natin, habang nanggugulay tayo bigla ka na lang may gawing hindi maganda sa'kin. You know, prevention is better than cure." sabi ko.

Naku naman Arcenith, ang lamya ng excuses mo!







"What exactly are you talking about?" mas lalo pang lumalim ang gatla ng nuo nito at deritsong tumingin sa mga mata ko.







"Ang hina mo naman. You know, bugso ng damdamin at init ng katawan." great Arcenith, bakit yan pa ang nasabi mo?!








"Para ba talaga sa'kin yan o sayo?" sabi na e, dapat kase nanahimik nalang ako!









"Hoy ha, hindi ako ganun!" depensa ko.









Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now