CHAPTER 28

104 8 0
                                    

"Baby you okay? nag-aalala kong tanong kay Kurt ng makalapit na ako sa kanya.

Galing ako sa kusina at kumuha ng ice pack upang ilagay sa pasa ni Kurt sa gilid ng labi niya. Gagong Arwin yon, sinuntok pa talaga ang baby ko. Pero infairnes, ang hot ding sumuntok nitong bakla ko, hindi halata kanina na medyo may tinatago din siyang kalambutan ha!









"Bakit nakangiti ka diyan?" pagsusungit nito.

Tsk Ito na naman siya at nagmamaldita na naman sa'kin.








"Hindi ako nakangiti no!" kaila ko. "Lapit ka pa nga dito at ng hindi ako mangalay."

Isang dipa ba naman ang layo namin sa isa't-isa tapos ako pa yong nakahawak sa ice pack na nakalagay sa pasa niya.







"How close? Like this?" literal na napatigil ako sa aking paghinga ng hilain niya ako palapit sa kanya, subrang lapit na halos maduling na ako sa pakikipag titigan sa kanya!








"M-masyadong malapit, hindi ko m-maaayos ang paglagay nitong ice pack s-sayo." kandautal na sabi ko.

Shit bakit nauutal pa ako?! Arcenith ipapaubaya muna siya diba? So ano na naman to, bakit ang bilis na naman ng tibok niyang puso mo? Tsaka bakit masaya ka diyan? Dapat pigilan muna yang nararamdaman mo para hindi ka masyadong masaktan sa huli!







"Bakit iniiwasan mo ang tingin ko sayo?" tanong ni Kurt sabay hawak sa kamay kong may hawak na ice pack.

Letse, kalma ka lang diyan heart! Pero kase e, ang gwapo ngayon ng baby Kurt ko, tapos idagdag pa yang pasa niya na lalong nagpapa hot sa kanya! Kung hindi lang sana may iba ng nagpapasaya sa kanya, kanina ko pa siya hinalikan!...I mean, nginitian lang pala, hehe.







"Galit kaba sa'kin?"






"Ha?"

Wait, bakit parang galit na naman ang itsura ng bakla ko?








"Galit ka ba sa'kin dahil sinuntok ko rin yong lalaki mo?" pang-aakusa nito.

Lalaki ko? Gaga ba to? Paano ko naman naging lalaki yon e naiinis nga rin ako sa kanya? Tsk, ito talagang bakla ko kung ano-ano nalang ang nasasabi!









"Sorry ha, sorry kung nasaktan ko yong lalaki mo. Sorry kung nagalit ako ng makita kong magka-usap kayo. Sorry dahil naki-alam ako sa usapan niyo." inis nitong sinabi.

Aba't, nereregla ba 'to ngayon kaya ang bilis magbago ng mood niya?







"Ano ba kase yang sinasabi mo, hindi kita maintindihan."






"Doon ka na nga lang sa lalaki mo, total pareho naman kayong nakakainis!" anito at padabog na tumayo.

Teka, ipinamimigay niya ba ako kay Arwin? Ganun ba talaga siya ka gusto na mawala ako sa buhay niya kaya basta-basta niya na lang akong ipamimigay? Okay kung yon ang ikasasaya niya, gagawin ko!








"Saan ka pupunta?" inis nitong tanong sabay hawak sa braso ko.

Sige lang Kurt, malapit na rin akong mainis sayo kala mo ha!








"Ikaw itong may sabi na doon nalang ako kay Arwin. Tapos ngayong pupunta na ako sa kanya, tinatanong mo pa ako kung saan ako pupunta. Ang totoo niluluko mo ba ako?" pigil ang inis na sagot ko dito sabay piksi sa kamay niyang nakahawak saakin.









Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now