CHAPTER 18

90 8 0
                                    

Bakit wala pa si Kurt? Malapit ng mag start ang klase namin kay ms. Elejador! Nasaan naba kase yon? Hindi mapakali sa kina-uupuan na tumingin-tingin pa siya sa paligid at nagbabakasaling makita si Kurt na papasok na ng classroom nila, pero mukha yatang hindi niya makikita sa araw na ito si Kurt lalo na at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase!

Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin maiwasan ang hindi magtaka lalo na at Ito ang unang beses na nahuli si Kurt sa pagpasok. Kadalasan kase, ito pa ang nauuna sa class president nila, kaya talagang nakakapag taka ang araw na ito dahil bukod sa siya nalang ang wala pa sa classroom, mukhang hindi rin yata siya papasok ngayon!









"Looking for you baby?" hindi na nakatiis na tanong sa kanya ng kaibigang si Rose na kanina pa nakamasid sa kanya at pansin nito na kanina pa siya  hindi mapakali sa kina-uupuan habang kanda haba ng leeg sa pagtingin sa paligid na parang may hinahanap. At alam ng kaibigan kung sino ang taong yon na gustong-gusto makita nitong si Archie.








"Yeah." wala manlang pag-aalinlangan na sagot nito habang patuloy pa.rin sa pagtingin sa front door maging sa back door narin.

Napabuntong hininga nalang si Rose dahil sa kanyang kaibigan, na daig pa ang isang asawa kung maka-abang sa kapareha nito galing sa trabaho. Ganyan lang talaga kapag may nagustohan na, gusto mo ang palagi siyang nakikita. Sa isip niya bago bumalik sa kanyang upuan ng makita niyang papasaok na ang kanilang guro sa subject na ito.







"Good afternoon class, Mr. Russquil will be absent from this days onwards because of some family problem, so let's just hope na hindi yon ganun kalala at malampasan yon ni Mr. Russquil at ng family niya."

Kaagad na umingay ang buong classroom, kanya-kanyang tanong sa kung anong klaseng family problem, kung paano nangyari yon at kung may paraan ba para makatulong sila sa kanilang kaklase.

Samantalang ang magkakaibigan naman ito at lahat na kay Archie ang tingin at nag-aabang sa kung ano ang gagawin ng kanilang kaibigan dahil kaagad itong napatayo sa narinig na balita tungkol kay KC mula sa kanilang teacher.








"Ms. Demitrio you may sit down at mag-uumpisa na ako sa discussion ko." kaagad na sabi ni Ms. Elejador ng mapansin niyang nakatayo ang isa sa nagpapasakit sa ulo niyang estudyante ngunit hindi niya maibagsak sa klase dahil ayaw niya mang aminin, matalino ito sa klase kulang lang sa focus.

Pero gaya ng inaasahan ng lahat, walang naging pagtugon mula kay Archie at Ito na naman siya tulala at kung saan-saang lupalup na yata nakapag lakbay ang isipan nito.

Lahat naguguluhan sa kung bakit ganito na naman ang ikinikilos nito, simula ng ibahagi sa kanila ang tungkol sa ilang araw na pagliban sa klase ni KC. Kung nag-aalala siya sa problemang kinakaharap meroon ang pamilya ni KC ngayon, ganun din sila dahil mas nakakasama nila ito halos sa buong magdamag hindi katulad niya na kulang nga ng isang oras ang inilalagi dito sa classroom nila at hindi pa nagpapansinan ni KC.

At habang naguguluhan at nag-aalala ang lahat ito naman si Trixxie at lihim na nagsasaya dahil sa nakikitang pagkabalisa ni Archie. At kung pwedi ngalang ang kanina pang halakhak na nais kumawala sa kanyang bibig ay pinapakawalan niya na, kung hindi lang siya nag-aalala na baka mapagalitan siya ni Ms. Elejador at makarating pa ito sa kaniyang mga magulang. Kaya sa halip na gumawa ng eksina, pinagkasya niya nalang ang sarili na palihim nalang sa pagsasaya sa kanyang nakikita at ng hindi mabaling sa kanya ang inis ng lahat kapag nagkataon. Buti nga sa kanya! Aniya sabay ngiti na naman.




To my future wifu:
'Hey you okay?'

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa ring reply mula kay Kurt kaya mas lalo pa siyang nag-alala para dito. Nag-aalala siya na baka malungkot ito ngayon ng subra, higit sa lahat nag-aalala siya na baka umiiyak ito at walang maka-usap sa mga sandaling ito.


Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now