CHAPTER 9

106 8 0
                                    

"Bakit ang tagal mo, yan tuloy yung mga alaga ko sa tiyan nag wawala na!" Nakasimangot na bungad sa'kin ni Rose.







"What took you so long? May ipinagawa pa ba siya sayo dun?" Nagtataka namang tanong ni Bea.

The heck! Bakit hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko yong tungkol sa nangyari kanina? Dala ba sa guilt kaya ang lakas ng tibok ng dibdib ko? But it was unintentional, hindi ko talaga plinanong mangyari yon! Yes I joke on him 'bout me kissing him if he keeps calling me 'liar and stalker' but it was just a joke, really! Pero bakit gustong-gusto ko pa rin ang nangyaring yon kahit pa nga alam kong mali? Bakit hindi ko napigilan ang sarili ko?









"Did she take back what she have said after your presentation?" nag-aalalang tanong ni Monicha.









"Archie, may problema ba?" tanong din ni Mariannelle.

Mali, kase alam kong ayaw niya sa babae kaya nga naging bakla siya e, pero bakit parang gusto kong magbago siya para sa'kin?









"Hey may nang-away ba sayo dun?" usisa ni Ericka.

It's not right! Kung gusto ko talaga siya, I should respect his decision...to be gay. Hindi ko siya dapat pilitin sa isang bagay na alam ko namang hindi niya ikasasaya.









"Sabihin mo sa amin at kami na ang bahala sa kanya o sa kanila." sabi naman ni Rose.








"Wait, Archie mind telling us what happened?" muling tanong ni Monicha.

I should accept him fully and him being a gay is not an exception! Alam ko may gusto na talaga ako sa kanya kahit pa nga gusto ko ang maging malaya sa lahat bago ako makapag tapos ng highschool. Pero kung siya naman yon, I don't mind breaking my own rules!







"Tama!"






"Ano yong tama Archie?" gulat na usisa ni Mariannelle.









"Huh?" takang tanong ko sa kanya.

Teka bakit lahat sila nakatingin na naman sa'kin? May nagawa nanaman ba akong mali?

Inaatake na naman siguro itong mga kaibigan ko sa pagiging isip-bata nila, buti nalang ako at hindi gumagaya sa trip nilang ito!








"Parang gusto ko yata ang mangagat ngayon ng tao...babae syempre, medyo petite, hanggang bewang ang wavy brown hair, morena siya, mahilig magsuot ng boots kahit pa nga ang init ng panahon, at palagi siyang lutang kapag tinatanong. What more? Hindi rin siya matinong kausap for this past week or day! Hmm can't remember it already, but one thing I'm sure nakaka highblood siya!"

Teka bakit sa'kin nakatingin si Rose ako ba ang tinutukoy niyang gustong kagatin? Come to think of it, lahat ng description niya tumutugma sa'kin! Pero bakit ako na naman ang napag tripan nito!?









"Ang mabuti pa punta na tayo sa cafeteria at ng makakain na itong si Rose dahil kung ano-ano nanaman ang naiisip." nag-aalangang ngiti ang binigay ko kay Rose ng magtagpo ang aming mata.

Aba, Kailangan kong maging maingat at baka kaagad nalang ako nitong sakmalin! Lalo pa ngayon at gumagawa siya ng ingay gaya ng isang gutom na tigre...RAWR!









"Good suggestion!" hinihimas ang tiyan na saad naman ni Bea ang pumapangatlo sa pinaka matakaw sa aming magkakaibigan. Pero syempre hindi ko ito sasabihin sa kanya at baka mabatukan niya ako ng wala sa oras.



Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now