CHAPTER 26

91 8 0
                                    

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti habang nakatingin sa nakasimangot na mukha ni Kurt. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina na naging dahilan kung bakit kami nandito ngayon sa taniman ni Lola ineng ng kamote at nangunguha kami ng talbos nito upang iulam mamaya.








"Stop smiling. Gawin mo ng maayos ang ipinag-uutos sayo at ng matapos na tayo kaagad!" malakas na sabi ni Kurt na lalong nagpangiti sa'kin.

Aww ang cute niya talaga kapag naiinis! Pero saaming dalawa, dapat ako ang mainis dahil nabitin ako sa halik namin kanina, kaya nakapag-tataka naman na ganito nalang ang inis niya na pati talbos ng kamote pinagdidisketahan!

Kung inis siya dahil naparusahan kaming manggulay ni Lola ineng, aba hindi dapat ganun! Dahil wala pa ito sa inis na nararamdaman ko dahil sa pagkabitin no! Kung bakit naman kase hindi niya inilock yong pinto, yan tuloy napatigil kami ng wala sa oras!

Arcenith, wag malandi okay?!






"Ano tatayo kalang ba diyan? Wala kabang balak na tumulong total kasalanan mo naman kung bakit tayo naparusahan?!" pagsusungit pa nito.

Tsk sungit talaga nito. Oo na tutulong na po!






"Diyos ko ang mga batang ito oo!" malakas na pagkakasambit ni Lola ineng ng makita niya ang posisyon namin.

Nakahiga si Kurt at nakataas ang dalawang kamay habang ako naman ay nakapatong dito at hawak-hawak ang mga kamay niya pataas upang hindi niya ako maitulak palayo.

At dahil sa lakas ng pagkakasambit ni Lola ineng na sinabayan pa ng pagkahulog ng dala-dala niyang tray na pinaglalagyan ng pagkain namin, tsaka lang ako natauhan at dali-daling bumangon mula sa pagkakadagan kay Kurt. At ng subukan din nitong bumangon, kaagad ko siyang tinulak pahiga sabay sabing...







"Siya po ang may kasalanan, inakit niya po ako!" salitang nakapag pakunot ng nuo nilang dalawa na ikinangiwi ko naman.

Tama ba 'yong sinabi ko? Oo tama 'yong sinasabi ko dahil totoo namang nakakaakit itong si Kurt kaya naakit niya akong halikan siya!








"Sabihin niyo sa'kin ang totoo kung bakit kayo napadpad dito." seryusong sabi ni Lola ineng na ikinayuko ko naman.

Heto kami ngayon sa harden ng bahay ng Lola ni Peru at mukhang hahatulan yata kami.

Ano kaya ang sasabihin kong dahilan kay Lola ineng sa kung bakit kami nandito sa poder niya ngayon? Sasabihin ko bang kinidnap ko itong si Kurt? Naku hindi pwedi at baka ipadakip niya ako dito sa mga pulis, o baka naman mahambalos niya ako ng walis tingting na gamit niya sa paglilinis sa likod bahay, o dinaman kaya ay pauwiin niya kami!

Kapag sinabi ko namang nagtanan kami, paniguradong kaagad na magrereact itong katabi ko na kanina pa tahimik at mukhang balak niyang ako lang ang magpaliwanag dito kay Lola ineng!

Sabagay ako lang naman pala talaga ang dapat na magpaliwanag dito dahil kagagawan ko naman ang lahat ng ito.

Magsisinungaling ba ako kay Lola ineng? Ah bahala na, malaki na ang kasalanan ko ayaw ko nang dagdagan pa yon. Aaminin ko nalang sa kanya ang totoo.







Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now