CHAPTER 5

122 9 0
                                    

Ang balak kong pakikipag bati sa mga kaibigan ko ay hindi nangyari dahil nang bumaba na ako matapos kong maligo at mag ready para sa aking pagpasok, wala na sila. Ayon sa landlady namin ay nagmamadali daw ang mga itong umalis dahil may mga importante daw ang mga itong gagawin.

Ano pa ba ang importante nilang gagawin e hindi naman kami nabigyan ng activity na kailangang e present ngayon. Talagang imiiwas lang sila sa'kin dahil dun sa nagawa kong paglilihim sa kanila.

Matapos kong kumain ng aking agahan kaagad na akong nagtungo sa aming school upang hanapin ang mga kaibigan ko. Yes hahanapin ko sila kahit nasa iisang room lang kami dahil alam ko ang mga yun, pagka ganitong umiiwas sila sigurado akong wala sila sa room ngayon kundi nasa ibang sulok ng school at nagtatago sa'kin.

Kung sa ibang pagkakataon lang sana baka kanina pa ako natatawa dahil sa pagiging childish minsan naming magkakaibigan. Pero dahil alam ko kung bakit ganito ang ikinikilos ngayon ng mga kaibigan ko, kaya I rather not dahil sigurado akong mas lalala lang ang sitwasyon.

Pero kahit anong paghahanap ang gawin ko sa kanila hindi ko parin matukoy kung saang banda ba sila naruruon ngayon. Talaga bang pumasok sila o kinutsaba lang din nila yung landlady namin para mag skip sa klase?

No, I know Monicha. Hindi siya ang tipo na aabsent sa school dahil lang sa nagtatampo siya sa'kin. At alam ko rin na hindi niya hahayaan ang iba naming kaibigan na mag absent sa school for some stupid reason.

Nasaan kaya sila kung wala dito sa area namin? Did they go to the college area? Pero wala naman silang kailangan dun, so bakit sila pupunta dun?

Maybe I should wait them in our classroom!

Sigurado akong bago mag start ang first period namin papasok narin ang mga yun!

Ganun nalang ang gulat ko nang pagpasok ko sa classroom namin, sila kaagad ang nakita kong kampanteng naka-upo sa kanya-kanyang upuan. At ng mapansin nila ako kaagad na bumaling ang tingin nila sa'kin sabay irap.

Pigil ang sariling wag mapangiti dahil dun sa pag irap nila sa'kin. In our gang, kapag ang Isa sa amin na nagtatampo ay umirap iisa lang ang ibig sabihin nun, hindi na siya nagtatampo. Meaning my bestie's we're no longer mad at me!









"Mamaya na tayo mag tsismisan at baka mabato tayo ng teacher natin." kaagad na sabi ni Monicha ng makalapit na ako sa kanila.

Fine with me as long as magka-usap narin kami ng mga kaibigan ko.

Lunch time. Kaagad kong niligpit ang mga kagamitan ko at dali-daling lumapit sa mga kaibigan kong nasa pintuan na at ako nalang ang hinihintay.

Hindi kase kami magkakatabi sa upuan dahil may setting arrangements kami dito according sa ID number ng bawat student, kaya yun kahit gustong-gusto namin na magkakatabi lang kami sa upuan hindi pwedi, and we're just students here so we have to follow the school rules.










"Ano ba naman 'to, bakit kase iisa lang ang cafeteria dito sa atin yan tuloy kanina pa ako nagugutom kakapila! Pag ako hindi nakakain ng tanghalian at mamatay ako dahil sa gutom hindi ko patatahimikin ang paaralang ito at talagang mag mumulto ako!" naiinis na sambit ni Mariannelle dahilan upang mapalingon sa gawi namin ang ibang mga estudyanteng nakapila rin.










"Baby wag ka ngang maingay at baka mabato tayo ng sandok dito." pabulong namang saway ni Ericka habang nakatingin kay ateng tinderang may hawak-hawak na malaking sandok.









"Totoo lang yung sinasabi ko no!" ayaw pa ring paawat na sagot ni Mariannelle.

Ganito talaga siya, kapag nagugutom nagiging mainitin ang ulo.









Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now