CHAPTER 13

99 8 0
                                    

"Though it's fine with me naman dahil sa wakas wala ng manggugulo sa'kin. I hope this will be the last 'hindi sinasadya' nating pagkikita." maya-maya ay sabi nito.

Pesteng bakla to bakit salita niya palang nasasaktan na ako! Masyado kanang panira sa moment ko!









"Stop right there!" hindi ko napigilan ang hindi maging tunog galit ang boses.

Kasalanan niya to, kung hindi niya ba naman ako balak na talikuran ide sana hindi ako naiinis ngayon!









"What is it?"









"Hindi ako nagsinungaling tungkol dun sa letter ko sayo, but this were really just a coincidence. And don't worry hindi rin ako basta-basta tumatalikod lang sa binibitawan kong salita, be ready because one of this days babalik na naman ako sa buhay mo para guluhin ka."









"Dapat ba akong matakot dahil diyan sa sinabi mo?"









"No baby dahil salita lang yon...Ito ang dapat mong katakutan."...with that I instantly pressed my lips on his and this time hindi na ako magkakamali tungkol sa french kiss na 'yon dahil ilang araw ko ring pinanuod yon para lang matutunan ito ng maayos.

As soon as my lips touch his warm and soft lips, pakiramdam ko nabawi yong dalawang araw na pagka miss ko sa kanya kahit pa nga palagi ko naman siyang nakikita at sinusundan. This feeling were so amazing, yong ramdam ko ang init ng katawan niya, na nahahawakan ko siya at nahahalikan, him being this so close to me were enough for me to be sane for this whole day!

Kinakabahan man dahil alam kong kasalanan itong ginagawa ko hindi pa rin ako tumigil sa paghalik sa kanya, bagkos pinagbutihan ko pa ito hanggang sa maramdaman ko nalang na tinutulak niya na ako palayo. Nakakawala talaga sa katinuan ang mahalikan siya.









"You-!" gulat na sabi nito sabay tulak sa akin.

Akala ko makakatikim na ako ng sampal mula sa kanya dahil sa ginawa kong ito, kaya ganun nalang ang mariing pagpikit ko sa aking mga mata.

Tsaka lang ako nagmulat ng mata nang makarinig ng malakas na pagsara ng pintuan. Nanlulumong napasandal nalang ako sa dingding habang hawak-hawak ang mop at tahimik na pinapagalitan ang sarili. Hindi ko yon dapat ginawa sa kanya dahil mas lalo lang siyang lalayo sa'kin, pero anong nangyari? Ginawa ko pa rin!









"Archie may problema ba?" pansin sa akin ni Monicha.

Tapos na kaming maglinis at nagre ready na kami sa pagpasok para sa subject sa hapon.








Umiling ako. "Ahm wala, may iniisip lang."

Ano kaya ang gagawin ko para hindi na siya magalit sa'kin? Kung bakit naman kase kaagad ko nalang siyang sinunggaban yan tuloy nagalit na naman siya sa'kin.









"Let's go guys at baka malate na naman tayo kay ms. Elejador." pagkatapos naming iligpit lahat ng mga kagamitan sa paglilinis kaagad na kaming nagtungo sa classroom ng ABM for our first period this afternoon.

At ang kaninang pananahimik ko ay mas lumala pa ng pagpasok namin sa classroom ng ABM hindi ko nakita si Kurt sa katabing upuan ko kundi nasa katabing upuan ni Trixxie at masayang nakikipag usap dito.

Kung hindi ko lang sana hinayaan ang sarili ko na halikan siya kanina edi sana hindi siya lilipat ng upuan ngayon, edi sana katabi ko pa rin siya hanggang ngayon at malaya ko siyang natitignan ng hindi na kailangan pang halos mabali ang leeg ko makita lang siya tulad ngayon.










Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now